Nang makababa kami, sinilip muna namin sa bintana kung malapit na yung mga magtropa sa kotse. Nakita naming malapit na.. Kaya dahan-dahan naming binuksan yung pinto, pero nung paglabas namin, nakita naming mas dumami pa yung mga zombie na lumapit sa kotse. Naattract siguro yung iba sa ingay nung kotse. Kaya ginawa na namin tong chance para tumakbo papunta sa Honda Jazz.
Pilit kong binubuksan yung pinto ng driver's seat, it won't budge! Dammit! Tinignan ko si Criz kung nabuksan na niya yung sa passenger's seat. Pero maging siya ay hindi niya mabuksan. Tae!
"Criz, ayaw mabuksan ng pinto.", sabi ko sakanya.
"Obvious naman, Gab diba?", sabi niya sakin at ngumiti. Pero bakas sa mukha niya ang pagkataranta.
"Errr!", naiinis na ako. Gusto ko na makaalis dito at mapuntahan ang kapatid ko!
"Gab, use the car's key, you idiot!", at saka niya nginuso yung susi. Pinindot ko yung pinindot ko kanina. At ayun, tumunog yung kotse. Kaya naman napatingin yung mga kumpol-kumpol na zombie sa gawi namin. Shit!
"Gab, I think we have COMPANY.", sabi ni Criz na natataranta na ring buksan yung passenger's seat. "Gab? Yung pinto?", sabi niya.
"Ito na..", nabuksan ko na yung akin, pumasok na ako at nilagay ko na yung susi sa ignition.
"Gaaaaaaaaaaaaaaaaab!", tili ni Criz sa labas. Nakita ko yung mga zombie na papalapit sa amin. Keep calm, Gab. Nilagay ko na yung mga bag at si Junior sa backseat. Agad kong pinress yung button para sa pagunlock ng pinto. After nun, pumasok na agad si Criz at pinindot ko na uli yung lock. Pinihit ko na yung susi at inistart yung engine ng kotse.
"Andyan na sila, Gab!", tarantang hampas naman sakin ni Criz. What the fuck, Criz. Calm down!
"Calm down!", sigaw ko sakanya, at naramdaman kong inuugoy na nung mga zombie yung kotse. Shit! Sigaw ng utak ko. Got to calm down, Gab. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sabay tingin sa paligid ko. Feeling ko nag-slow motion ang lahat ng paghahampasin ng zombie na tinamaan ko ng de-lata kanina sa noo yung bintana sa side ko. Tinignan ko si Criz na yakap-yakap si Buster. Is this the end for both of us? Tinignan din ako ni Criz at saka tumango..
No! Hindi ako papayag! Kailangan ko pang mapuntahan ang kapatid ko! Si Lawrence, kailangan ko pa siyang makita! I need to see her! And I'm not gonna let these monsters stop me from seeing her!
Agad kong pinatakbo in reverse yung kotse, kaya nasagasaan ko yung mga zombie na nasa likod. Nilagay na ni Criz yung seatbelt sa katawan niya. At walang anu-ano. Narinig kong umiiyak si Criz. "G-gab.", sabi niya sakin at hinawakan ako sa kamay habang may luhang natulo sa pisngi niya.
"We're not gonna die here, Criz.", ngiti ko sakanya, nang makarating na kami sa kanto pinaandar ko na ito padiretso kung saan daan papunta sa kapatid ko. Nilagay ko na ang seatbelt sa katawan ko. At pinaandar ko palayo ang kotse sa mga kulupong na nasa likod namin, na tumigil naman nang dalawang kanto na kami nakakalayo sa kanila. Dahil dun, lalo pang napaiyak si Criz.
"F-fuck you, Gab.", sabi niya sakin, habang yakap-yakap pa rin si Buster. Ngumiti lang ako sakanya, dahil alam ko naman meaning nun.
Habang naglalakbay na kami, napadaan kami sa City Hall ng Maynila.
"Criz, tignan mo.", pagtingin ko sakanya tulog na siya. Kaya inistop ko muna yung kotse at inayos ang higa ni Criz, tinanggal ko muna si Buster at nilagay sa backseat, pati ang mga gamit ni Criz ay nilagay ko na dun. Pinahid ko gamit ang palad ko ang pisnge niya. Inayos ko ang magulo niyang buhok, at binaba ng kaunti yung seat nang makahiga siya ng maayos. Pagkatapos nun, tumingin uli ako sa City Hall, bakit may mga zombie na nagtutumpukan sa gate? May tao pa siguro dun.
Agad kong tinanggal ang seatbelt ko. Titignan ko kung may tao. At kung meron man, isasama ko siya. Bumaba ako ng kotse at kinuha si Junior sa backseat. Hindi naman siguro ako makakagat ng mga zombie sa suot ko. Jacket, favorite shirt ko na blue, pants, at Trivis DC Shoes. Sosyal diba? Kahit Apocalypse na dapat may style ka! Tumingin ako sa side mirror at inayos ang buhok ko. Hindi ko talaga maiwasang ayusin ang buhok ko. Ginising ko si Criz, para alam niyang lumabas ako, at para dito nalang siya't maghintay ng pagbabalik ko. Tumango-tango naman siya at bumalik sa pagtulog. Inuga ko siya. Baka kasi hindi narinig yung sinabi ko. At ayun, binatukan ako. Piste!
At ito, nakayuko akong tumatakbo papunta sa kabilang gilid ng kalsada. At tinignan yung mga zombie na nagkukumpulan sa gate. Mukhang may tao nga dahil may inaabot sila. Kaya naisip ko na daan na lang ako sa gate sa tapat ng SM. Nakita kong may isang zombie na makakasalubong ako. Tulad nung mga zombie na nakita ko, cloudy ang mga mata nito, as in bloodshot. Marami rin itong dugo sa katawan, wala na itong isang braso at sira-sira ang damit. Kung titignan mo ay isa itong business man. May kagat ito sa tiyan, halos kita na mga buto-buto niya. Luwa na ang panga nito. At bago pa man umungol to, pinaghahampas ko na siya gamit si Junior sa ulo. Na agad namang kinamatay ng hinayupak. Di ko na tinignan pa. Kailangan kong makapunta sa City Hall.
Nang makita ko yung gate, may mga zombie sa di kalayuan. Bago ako pumasok chineck ko muna like I always do, kung may zombie bang nakasunod sakin o wala. Dahan-dahan kong binuksan yung gate. Nagcreek ito ng konti kaya tumingin uli ako sa paligid ko. At nung wala akong nakitang zombie na papalapit sakin ay pumasok na ako. At ayun! Nakita ko yung lalaking medyo chubby na may hawak na mahabang tubo at pinaghahampas yung mga zombie na lumalapit sa kanya. Habang may mga upuan at lamesa na nakaharang sa gate kahit na may lock ito at mga kadena.
Nakita niya ako, kaya naman sumigaw siya.
"Tulungan mo naman ako dito, Pare!", Gagong 'to. Sumigaw. Wala na akong nagawa kundi lumapit at tumulong sakanya. Pinaghahampas ko ng Junior ko yung mga zombie na lalapit sakin. Nagulat ako nang may lumipad na tukador ng aparador sa gilid ko, at nakita ko yung zombie na wasak ang ulo. Tinignan ako nung lalaki. Ngumiti siya at tumango.
Nang wala ng mga zombie sa loob ng City Hall, ay inabot niya sakin ang kamay niya.
"Yusuke, Pare. Salamat sa pagtulong.", nakangiti niyang sabi sakin.
"Gabrielle, wala 'yon.", ngumiti rin ako sakanya at nakipagshake hands sakanya. Actually, curiosity lang naman ang nagdala sakin dito.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...