May araw na nang magising ako, kaya tinignan ko relo ko. Alas-siete. Andun na kaya sila? Pinaupo ako ni Criz sa silya sa may sala. Habang sila Lawrence at Anne nagliligpit ng hinigaan namin.
"Anong nangyari sayo?", basag ni Criz sa katahimikang bumabalot sa sala. Habang pinupunasan yung pawis ko.
"Err. Wala naman.", tapos yumuko ako. Ayokong sabihin sakanya yung napaginipan ko.. Natatakot akong mangyari yun. Napahawak nalang ako sa mukha ko. Ramdam ko ang malamig na pawis. Ganun ba talaga ako katakot na mangyari yun? Huwag naman sana.. Baka mabaliw ako.. Sa isip-isip ko.
"Anong wala?! Hindi ka naman pagpapawisan ng ganyan kung walang nangyari.. Nanaginip ka no?", sabi niya sakin. Kilala talaga ako nito. Tumingin siya sa mga mata ko nang diretso. "Ano ba yun? Pwede mo naman sakin i-share. Bestfriend mo ako diba?", ngumiti siya. Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya yun? Hays..
"Paano Criz kapag yung taong mahahalaga sayo biglang nawala?", natulala naman siya sa sinabi ko.
"Nang-aasar ka ba?", tinaasan niya ako ng kilay. Umiling ako.
"Paano nga?", tanong ko uli sa kanya. Napabuntong-hininga siya.
"Hmm? Masakit.. Mahirap.. Nung una akala ko hindi ko na kaya. Pero, kita mo naman.. Andito ako ngayon, kasama niyo.", ngumiti siya, biglang bumagsak ang luha sa pisnge niya.
"Sorry natanong ko sayo yun. Parang hindi ko kasi kaya na mawala kayo ni Lawrence sakin.", tumingin ako kay Lawrence. Nakita kong masaya siyang nakikipag-usap kay Anne. Mukhang nagkakasundo na sila ng kapatid ko.
"Ano ka ba? Andyan naman si Anne. Ayeee.", asar nito sakin, may pasundot-sundot pa sa tagiliran ko. Kaya natawa ako.
Biglang lumapit sakin kapatid ko. Nakangiti ito nang napakatamis. May kailangan na naman 'to.
"Kuya, magsaing na you.", sabi sakin. Sabi na e. Umiling-uling ako saka tumayo para pumunta sa kusina. Nakabangga ko pa si Anne nung pagtayo ko na sakto naman na pagpunta niya ng kusina.
"Tsk! Di kasi nagiingat.", sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit mainit dugo ko dito every time na nagdidikit kami..
"Ikaw yung hindi nag-iingat. Bigla ka nalang tumatayo dyan. Hmph!", biglang tumalikod sakin. Tsss!
"Ayeeeeeeeeeeeeeee!", sabi nung dalawang kumag sa likod ko. Tsk! Ayeeee pa silang nalalaman. Nagka-outbreak na nga, nakukuha pa nilang lumablayp. Ano? PBB TEENS? PBB TEENS? Pumunta na ako ng kusina para kumuha ng pagsasaingan at ng sinaing syempre. Si Anne naman ang naghain ng mga plato. Ang ulam namin? Ayun, de-lata uli. Wala eh. Yan lang. Hindi ko pa alam kung kailan uli kami mag-raraid ng mga tindahan. Kailangan muna naming puntahan sina Yusuke.
Natapos na ako magsaing na kasya sa aming tatlo, kaya naman chibugan time na. As usual, routine na siguro namin 'to. Nagdasal uli kami. Pinagdasal namin na makita na namin sina Yusuke ngayon at makasama na namin sila. At huwag silang pabayaan ng Diyos. Mag-ingat sana sila sa pagpunta nila dito. Asan na kaya sila? Tanong ko sa sarili ko nang matapos na kaming magdasal at nagsisimula na silang kumain. Di ko napansing nakatulala na pala ako. Kaya tinapik ako ni Anne. Katabi ko kasi siya. Ako, Anne, Criz at Lawrence. Si Buster naman sa lapag namin pinakain. Para kaming One Happy Family. Kaso may kulang... Sina Yusuke at Johy. Napabuntong-hininga na naman ako. Nang biglang umangil si Buster ng mahina.. Kaya naman nagkatinginan kaming apat.
"Shit? Bakit umaangil si Buster?", tanong ni Lawrence.
"Hindi ko rin alam.", sabi ko. Silipin niyo nga yung labas.. Utos ko kay Criz. Tumayo si Criz at sumilip ng bahagya sa bintana. Bigla itong yumuko at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit.
"Ano yun?", habang nakayuko ako. Tinuro naman niya yung bintana. Kaya sumilip ako ng bahagya. Nagulat ako dahil may nakita akong paa sa may harap ng gate namin. Para siyang nakatayo. Marami.. Puro duguan.. Fuck! Sa isip-isip ko. Agad akong umakyat papunta sa kwarto nila Mama dahil doon yung daan papuntang terrace namin. Hindi ako natatakot sumilip sa terrace dahil may railings at bubong 'to.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto papuntang terrace. Dahil maingay yung pinto kapag binubuksan mo.
Eeeekkk...
Waaa. Ano ba yan?! Konti pa.. Binuksan ko uli ito kahit bahagyang upang magkasya ako.. Salamat naman at hindi masyadong narinig yung ingay. Kaya marahan akong naglakad ng nakayuko para hindi ako mapansin. Sumilip na ako. Shocks! Halos napanga-nga ako sa gulat nung makita kung ilang ang zombie sa labas. Hindi lang siguro lima mga ito. Mga nasa sampu hanggang labing lima. Fuck! Ang dami nila. Paano kami makakalabas nito?! Bumaba na uli ako.
Nang makababa na ako ay naisip ko yung ginawa namin ni Criz. Pero paano? May bird net na nakatakip sa railings namin.. Ang hirap naman.. Badtrip.
"Anong gagawin natin, Gab?", tanong sa akin ni Criz. Halatang nininerbyos na naman 'to dahil panay ang kagat nito sa hinlalaki niya. Tsss.
"Okey, ang unang plano....", sabi ko.
"Ano?", tanong nila..
"RELAX.", sabi ko.
"Gago! Ayusin mo!", sabi ni Criz na halos masigaw sa sobrang kabado nito.
"I'm dead serious here, Criz! You guys need to relax, okay? Masyado kayong kabado eh..", sabi ko. Pero hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin namin..
Kaya inaya ko sila sa terrace.. Dahan-dahan kaming sumilip sa baba.
"Shit ang dami nga nila..", bulong ni Lawrence. "Paano yan, Kuya?", tanong niya sakin.
"Tsk. Di ko rin alam.. Pero magiisip ako.", sabi ko sa sarili ko.
"Bakit hindi uli natin itry yung ginawa natin? Yung may babatuhin tayong kotse.", bulong naman ni Criz, habang hinihila yung damit ko.
"Hmm..", napaisip ako. "Pero paano? Kita mong may bird nest yung railings namin.", sabi ko sakanya.
"Bakit hindi natin gamitin 'to?", out-of-the-blue na bulong ni Anne sabay pakita ng isang hand gun na may silencer. Whoa?! Oo nga pala, may tinatagong mga hand gun si Papa sa kwarto at sa kotse niya. Hindi ko naisip yun ah? I'm such an idiot. At nagface-palm na lang ako. Kinuha ko kay Anne yung baril. "Teka, marunong ka ba gumamit niyan?", tanong niya sakin.
"Medyo.", sabi ko.
"Puro ka 'medyo', Gab. Maski nung sa pagdrive sagot mo sakin 'medyo'. Yung totoo?", sabat naman ni Criz. Ngumiti na lang ako para hindi na kami mag-asaran lalo.
"Akina.", kinuha ni Anne yung baril.
"Whoa. Marunong ka ba niyan?", tanong ko sa kanya. Shock pa rin ako sa pagkuha niya ng baril sa akin.
"Yup, my father taught me. Pulis kasi siya.", sabay wink nito sakin. Nagtakip kami ng tenga nila Criz. "Don't need to cover your ears. May silencer naman.", ngumiti siya. Wow, dami niyang alam sa baril. "Gabrielle.", sabi nito sa akin.
"Yup?", nataka naman ako.
"Maghanap ka pa ng bala. Twelve rounds lang ang maipuputok ko. And I'm not sure kung matatamaan ko sila.", sabi nito nang hindi nakaharap sakin. Tumango ako at lumabas. Pati sila Criz lumabas na rin para tulungan pa akong maghanap ng bala.
"Bro, wala ka bang nakakalikot sa mga drawers nila Mama?", tanong ko kay Lawrence.
"Hmm, wala naman, Bro. Saka alam mo namang papagalitan ako ni Mama if I do that. Alam mo naman si Mama magalit diba?", sabi niya na nagmamake-face. Oo nga pala, ayaw ni Mama nang ganun.
"Well, it's time to break that rules.", biglang sabat ni Criz. At ngumiti. "Maghanap na kayo ng bala. I'm sure may extra si Tito.", at nagsimula na kaming maghanap sa mga drawers..
=========================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
P.S.
Isang chapter muna i-uupdate ko ngayong araw.. Dahil bawal magtagal sa laptop. Mataas ang kuryente. Hihihi! Si Pagibig na mag-uupdate mamayang gabi.
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...