The Apocalypse: Chapter 31

1.1K 19 4
                                    

Nagising akong nakahiga sa madamong lugar. Tumayo ako, nakita kong nasa isang burol ako. Nasaan ako? Tumingin ako sa paligid ko, nakita ko ang malawak at napakagandang tanawin. Tinignan ko ang sarili ko; nakasuot ako ng all white. Polong puti at puting pantalon. Patay na ata ako? Naglakad ako pababa ng burol. Natutuwa ako sa mga nakikita ko.. May field na napakaraming bulaklak. Nasa langit na siguro ako? Nangingiti ako sa pinagiisip ko. Siguro nga patay na ako kaya ganito kaganda ang nakikita ko. Ganito ba talaga kapag namatay ka na? Ang gaan ng pakiramdam, parang gusto kong lumipad.

Tumakbo ako sa field at nilaro ang mga bulaklak.
"Haha! Ang saya-saya naman dito.", para akong bata na hinahagis ang bulaklak. Tumakbo pa ako kung saan may sun flower at doon na upo. Nilanghap ko ang napaka-fresh na simoy ng hangin.
"Nasa langit na nga siguro ako.", nangiti ako sa sinabi ko at humiga.

"Miss na miss na kita..", isang bulong pero napakalinaw ang pagkakabanggit nito. Boses ito ng babae. Napa-upo ako sa pagkakahiga ko.
"Sino yun?", tanong ko sa sarili ko.
"Miss ka na namin..", tuloy ng boses na naririnig ko. Tumayo na ako at hinanap kung sino yung nagsasalita.
"May tao ba dito?", sigaw ko. Pero walang sumasagot.
"Naririnig mo ba ako?", tanong nung isang boses, pero babae rin 'to. "Gumising ka na, please?", dagdag nito.
"Asan ka ba?!", sigaw ko. Tumakbo uli ako  sa fields at lumingon-lingon kung saan.
"Bro...", sabi nung pangalawang boses. Bro? Ako ba 'yun?

Umakyat ako sa burol. Hinanap ko kung saan pa rin nang-gagaling yung boses. Bigla akong napahawak sa ulo ko. Araay! Ang sakit! Tumingin uli ako sa paligid ko... Unti-unting nagbabago ito. Yung paraiso kanina, ngayo'y naging isang lugar... Maraming bahay na nakapila.. Parang alam ko 'to? Sa isip-isip ko. Naglakad ako papasok sa napakalaking gate.

Habang naglalakad ako ay lalong sumakit ulo ko, dahilan para mapahawak ako dito ng dalawang kamay.
"Araaaaaaaaaaaaaaaaaay!", sigaw ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Pero parang may isip ang dalawa kong paa at tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalakad. Narating ko ang isang club house. Natatandaan ko 'to. Pumasok ako sa gate nung club house..

At doon may lumitaw na dalawang bata; babae't lalaki. Tinignan ko silang mabuti. Parang nakita ko na sila... Pero... hindi ko matandaan kung saan. Pinanood ko silang dalawa na naglalaro; naghahabulan at nagkikilitian. Biglang tumakbo yung batang babae sa gawi ko, at nagtago sa isang poste.

"Hanapin mo ako, Kuwa..", sabi nung bata. Ang kulit nilang dalawa. Nakakatuwa.
"Asan ka na, Lawrence?", kunwaring hinahanap nung batang lalaki yung batang babae habang nakangiti ito. Lawrence? Parang narinig ko na yung pangalan na yun.

Lumapit yung batang lalaki doon sa poste at ginulat niya yung batang babae. Sigaw ng sigaw yung batang babae habang tumatawa ito.
"Madaya ka tawaga, Kuwa!", sigaw nito habang tumatawa. Napapangiti ako sa tawa nito. It reminds me of... Aaaaah! Daing ko nang kumirot uli ang ulo ko. Napapikit ako sa sobrang sakit. Tumitibok yung utak ko sa sobrang sakit. Akala ko ba patay na ako? Sa isip-isip ko.

Nung dumilat ako, wala na yung dalawang bata. Kaya lumabas na ako ng gate at simulang maglakad uli.. Isa-isa kong namumukhaan ang mga bahay na nakatayo. I think... I know where am I.. sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko sa lugar na 'to, kung bakit wala akong matandaan. Naguguluhan ako nang marinig ko uli yung boses kanina.

"Gumising ka na...", sabi nito parang naririnig ko ito sa dulo.. Kaya naglakad ako papunta roon; kung saan nang-gagaling yung boses.
"Hello?", sigaw ko habang naglalakad. Wala pa ring sumasagot.

"Gumising ka na...", paulit-ulit nitong sabi.. Naiinis na ako dahil kanina ko pa tinatanong ang boses nito pero hindi naman sumasagot. Tinakbo ko na yung daan papunta roon. Narinig ko na naman yung boses. Pero sa pagkakataong ito, umiiyak na ito.
"Gising na... gumising ka na...", sabi nito sa pagitan ng pag-iyak. Hindi ko alam, ngunit nararamdaman kong nasasaktan din ako sa mga naririnig ko. Lalo na sa boses. "Gumising ka na! Gumising ka na!", sigaw nito, hindi galit kundi pagkadesperadang ang pagkakasabi nito. Biglang..
"Tama na... Tama na..", boses ng isang lalaki.
"Hindi mo ako naiintindihan! Layuan mo ako! Layuan mo ko!", sigaw nung naunang boses. Hindi ko namamalayan na tumulo na ang mga luha sa pisngi ko, at nakatapat na ako sa isang pamilyar na bahay.

Pumasok ako sa gate nito.. Isang malaking garahe ang nasa loob.. Nakita kong may pinto.. Naglakad ako patungo roon, bawat tapak ko sa lupa. Nararamdaman kong ang pintig ng puso ko. Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong lumalakas yung sigaw nung boses.
"Gumising ka na kasi! Gumising ka na! Gumising ka na... Gabrielle!", at biglang nanikip yung dibdib ko. Gabrielle? Gabrielle? Paulit-ulit na banggit ng isipan ko. Ako ba yun? Ako ba yung Gabrielle?! Patuloy pa rin ang pag-iyak ng boses, hindi na ako nagdalawang-isip na buksan ang pintong ngayo'y kaharap ko na.. Binuksan ko 'to.

Nasilaw ako sa liwanag nung binuksan ko yung pinto.. Medyo malabo pa ang paningin ko..

"Gabrielle?", sabi ng babaeng nasa gilid ko. "Gabrielle!", hawak nito sa pisngi ko. "Hoy! Gising na si Gabrielle!", sigaw nito. "Gab, mabuti't gising ka na.", tuloy nito.
"Huh?", tanong ko sa kanya.
"Anong huh?! Pinag-alala mo ako!", hinampas ako nito sa balikat at napadaing ako sa sobrang sakit. "Ay sorry.", nagpeace sign ito. Nang luminaw na ang paningin ko, nakita ko sa harap ko ang itsura ni Criz na namumugto ang mga mata sa pagiyak..

"Criz?", tanong ko sa kanya.
"Sino pa ba?", ngumiti siya sa akin.
"Asan sila?", tanong ko. Uupo na sana ako ngunit pinigilan ako ni Criz.
"H'wag ka munang tumayo. Tatawagin ko na sila.", tumayo siya at lumabas ng pinto.

Tinignan ko ang paligid ko. Nasa kwarto ako.. Panaginip lang ba yung kanina? Alam ko patay na ako. Sa isip-isip ko. Hinawakan ko ang ulo ko nang hindi sinasadya at inalala ang lahat. Medyo malabo pa sa isip ko kung ano talaga ang nangyari sa akin. What an experience.. Ngumiti ako, sakto naman na bumukas yung pinto at inuluwa sina Criz kasama sina Lawrence na namumugto yung mga mata, si Anne na ganun din, si Johy at Yusuke na nakangiti, at dalawang lalaki na hindi ko kilala.

Lumapit silang lahat sa akin, pwera lang yung dalawa, at niyakap ako. Umiiyak sila at kung anu-ano ang sinasabi. Nakakatuwa.. Parang namiss ko sila.

======================================================

Vote or Comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon