The Apocalypse: Chapter 24

1.2K 19 3
                                        

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko, wala na si Anne sa tabi ko. Ni hindi ko nga alam kung kasama ko natulog yun. Tumingin ako sa relo ko. Putcha?! Tatlong oras palang ako nakakatulog! Hindi pwede 'to! Tulog pa, tulog pa! At ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nakita ko ang kama ng kapatid ko. Hindi inaayos yung kama niya. Tsk. Nang..

"Arf! Arf!", may tumahol. Kaya tumingin ako sa pinto, nakita ko si Buster andun at gustong makipag-laro. Ang taba-taba nito, natutuwa ako sa mga tutang matataba. Mas lalo pa akong natuwa nang biglang lumundag-lundag si Buster at tumuwad habang kinukuwag yung buntot niya.

"Buster! C'mere!", tawag ko sa kanya. Umiikot-ikot 'to. Bigla siyang tumalon sa kama ko, tumakbo sa akin at dinilaan ako sa mukha. "Stop! Stop!", at tinaas siya. Ngayon ko lang napansin. Babae pala si Buster. Tumayo na ako at kinarga si Buster.

Nasa hapag-kainan sina Johy at Lawrence, may pinaguusapan sila, nagtatawanan pa. Talandi.

"Asan sila?", tanong ko.

"Nasa garahe.", sagot ni Lawrence habang nakatingin sa akin.

"Bakit?", tanong ko sa kanya.

"Hehe. Wala..", yung tawa niyang nakakaloko at may meaning. Hindi ko pinansin at dumiretso sa garahe.

Nakita ko sina Yusuke at Criz nag-uusap sa bench. Mukhang malalim ang pinaguusapan nila, dahil napaka-seryoso nung itsura ni Criz. Hmm.. Ano naman kaya?

"Oh, gising ka na pala.", bati sa akin ni Yusuke. Ngumiti lang ako. Si Criz tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Bakit?", tanong ko kay Criz. Umiling naman siya. Medyo awkward. "Err. Babae pala si Buster?", tanong ko uli.

"Oo.", maikling niyang sagot. Mukhang naramdaman ni Yusuke ang awkward ng aura kaya tumayo ito.

"Pasok lang ako sa loob. Usap muna kayo ha?", sabi niya sa amin. Ngumiti lang si Criz sa kanya.

Medyo tumagal din ang katahimikan namin. Hindi ko alam kung bakit ako natatahimik, parang feeling ko may ginawa akong kasalanan kay Criz. Hindi ko naman alam kung ano iyon. Hinimas-himas ko ang ulo ni Buster at umupo ako sa bench kung saan siya nakaupo. Bigla naman siyang tumayo.

"Wait, Criz!", hinawakan ko yung kamay niya. Tumingin siya ng masama sa akin. "May problema ba?", tanong ko.

"Wala..", walang kaemo-emosyon niyang sinabi sa akin. May problema talaga. Nararamdaman ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya nang tumahol si Buster at nakita naming papasok ng gate si Anne. "Sige.", at tuluyan na siyang umalis. Nasapo nalang ng kamay ko ang mukha ko at saka yumuko.

"LQ kayo?", tanong ni Anne na blanko lang ang itsura.

"Huh? Ewan ko...", nakayuko pa rin ako at hinihimas ang ulo ni Buster, na nakatingin lang sa akin.

"Ahh.", maikli niyang sagot at napabuntong-hininga. Tinaas ko ang ulo ko. Tinitigan ko siya. "Bakit?", tanong niya sa akin ng may pagtataka.

"Saan ka galing?", tanong ko.

"Sa bahay.. Doon oh, doon sa tinitignan nating bahay kagabi.", sabay turo niya doon sa bahay. Biglang pumasok sa isip ko yung nakita namin. Bigla akong tumayo at nilapag si Buster sa bench. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Huh?! Anong ginawa mo dun? Nakita mo ba yung tao? May sugat ka ba?", sunud-sunod kong tanong sa kanya na ikinatawa niya.

"Chillax, Gabrielle. Hinanap ko yung taong nakita natin, hindi ko siya nakita, at wala akong sugat.", isa-isa niyang pagsagot sa tanong ko, kaya bahagyang napangiti ako. "Satisfied?", ngumiti rin siya at saka umupo sa bench. Nilagay niya si Buster sa mga binti niya at hinimas-himas ang tiyan.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon