The Apocalypse: Chapter 7

1.6K 30 6
                                        

Shit! Kanina pa ako tumatakbo pero yung iba sa kanila nasa side pa rin nila Criz. Ginawa ko na lahat para mabaling ang atensyon sakin nung ibang zombie pero wala talaga, at naririnig kong tumitili si Criz. Bushit, Criz. Kumalma ka. Argh! Bigla kong hinarap ang mga nakasunod sakin mga apat na zombie 'to. Ito na... Pumikit ako. Nararamdaman kong malapit na sila sakin nang may..

"Gago ka ba?!", at hinampas nung dalawang babae yung mga zombie na palapit sakin. Whoa?! Tatlong new found friends in one day? Grabe na 'to. Nang matapos sila. Tumingin ng masama yung isa sakin. Morena siya, kung titignan ang height niya 5 flat, hanggang likod yung straight niyang buhok, matangos ang ilong at naka-tshirt na white na tatak sa harap 'I'm Beautiful', may isang malaking bag siya sa likod, naka-jeans na dark blue,  naka-all star shoes na violet at may hawak siyang dos por dos. Yung isa naman ganun din, morena, height niya mga 5'1 or 5'2, hanggang balikat naman ang buhok niya na may bangs dahil dun, hindi masyadong kita ang mga mata niya, naka-tshirt siyang superman, may bag din siya sa likod, naka-skinny jeans, naka-all star shoes din na black at katulad ng isa may dos por dos din siyang hawak. Si Yusuke naman, chubby na maputi, mahahalata mong may lahing hapon ito, naka-jacket din siya na kulay blue na may tshirt na white sa loob, naka-hipster pants siya at naka-high cut na shoes.

"Tanga ka ba?! Bakit ka magpapakamatay?! Sinasayang mo buhay na binigay sayo ng Diyos.", irap sakin nung naka-white. Whoa, feisty.

"W-wait! Hindi ako magpapakamatay!", sabi ko sakanya. Grabeng babae 'to!

"Eh bakit ka nakapikit kanina?!", nakataas pa rin ang kilay niya.

"Nagcoconcentrate ako kanina, dahil wala akong armas, hello?!", lumapit na ako sakanya. Kaya mas lalo siyang tumingala sakin.

"Oh oh, waiting lang, Pogi.", Uy pogi daw ako. Napatingin ako sa babaeng naka-superman. "Chill ka lang, Anne. Masyadong kang hb eh.", tapik niya sa balikat nung Anne.

"Tss! Ewan ko sayo, Johy!", at umalis yung Anne papunta dun sa iba pang mga zombie sa gawi nila Criz.

"Tss, pagpasensyahan mo na yun, Pogi ah! Ganun talaga yun, palaging meron.", nakakalokong tawang sabi nitong Johy at sinundan yung Anne, na ngayon ay nakapatumba na ng tatlong zombie. Shit, ang galing niya!

At ito ako, nganga. Masyado pa kong gulat sa mga nangyari. Nang bumalik na ako sa realidad. Ayun, dun ako tumakbo papunta kay Junior at nagsimula nang pumalo at humampas. Napansin ko namang lumabas yung dalawa - Criz at Yusuke. At ayun, nakipagbakbakan na rin ang dalawa. Nang matapos namin ang labing limang kulupong ay napaupo kami sa kalsada. Maririnig mo lang ang hingal na hingal naming boses. Kaya wala talagang nagsasalita.

Matapos siguro ang limang minuto ay nagsalita yung Johy.

"Ah, guys. Johy pala.", inabot niya ang kamay niya samin, at nakipagshake hands kay Criz, Yusuke at sa akin. Ngumiti kaming tatlo sa kanya.

"Yusuke.", sabi ni Yusuke. "Criz pala, Sis.", sabi naman ni Criz.

"Aahh.. Errm. Si Anne. Huy! Anne magpakilala ka nga.", siniko naman nito yung Anne. At tumingin sakin, nang makita niyang nakatingin ako ay inirapan ako. What's her problem?! Jeez!

"Hi, ako pala si Anne.", iniabot niya ang kamay kina Criz at Yusuke. At nagpalitan ng pangalan. Sakin? Waley! Kapag dating sakin bigla niyang binaba kamay niya. Dahil doon, tumawa si Criz at inasar ako.

"Wala ka pala, Gab e. Di tumalab ang iyong Charm.", bulong sakin ni Criz na humahagikgik pa. Siraulo 'to. "Sumama nalang kayo samin.", sabi ni Criz kina Johy na akmang aalis na. "May kotse kami, pwede kayo sumama.. Para may grupo na tayo, diba Gab?", tumingin sakin si Criz. Tumango-tango naman ako. "Saka, pwede rin kayo kay Yusuke sumakay kung AYAW NIYO samin.", tuloy ni Criz na inemphasize pa yung 'AYAW NIYO' halatang nagpaparinig kay Anne. Kaya naman natawa ako.

"Sige! Gora ka--", sabi ni Johy pero pinutol naman siya ni Anne.

"Pasensya pero hindi namin gusto. Okey na kami na ganito.", sabi ni Anne. Grabe taas lang ng pride. Porke't magaling ka humpas ng ulo ng zombie! Naasar ako sa kilos nito. Kaya tumayo ako at binuksan yung pinto ng driver's seat.

"Uhh, sige na!", pilit ni Criz sa kanila.

"Tama na Criz, kung ayaw NUNG TAO, huwag nang pilitin.", minata ko si Anne habang ineemphasize yung 'NUNG TAO'. Kaya ikinatawa nila Yusuke, Criz, at Johy.

"Aba! Gago ka ah!", sumugod sakin si Anne. At kinuwelyuhan ako. Sobrang lapit niya, nakatingala siya sakin at nakayuko ako sakanya.

"Inaalok na nga kayong sumama ayaw niyo pa.", sabi ko sakanya, at pinukol siya ng matalas na tingin.

"Hmph!", binitawan na niya ako. "Sige sasama kami! Pero hindi ako sasakay kung saan nakasakay ang kolokoy na 'to.", irap niya sakin.

"Tignan mo sasama ka rin pala, pachicks ka pa.", bulong ko, pero alam ko narinig niya 'to dahil narinig nila Yusuke ang sinabi ko kaya natawa sila.

"Anong sabi mong kumag ka?! Babanatan na kita!", sabi nito sakin na aambahan ako ng suntok sa mukha pero pinili nalang na lumapit kay Johy. Tinawanan ko lang siya.

"Okeeey? So kay Yusuke kayo sasakay, Johy.", sabi ni Criz kay Johy. Kaya tumango-tango si Johy.

"Err.. About that.. Isang tao lang pwede sumakay sakin kasi puno yung likod ng kotse ko. Sorry.", kamot-ulo naman na sinabi ni Yusuke.

"Ako--", sabi ni Anne pero siniko siya ni Johy. "Ako nalang, Yusuke.", sabay kindat kay Yusuke. Aba? Talandi ang peg. Kaya natawa kami. "Dun ka kina Criz, Anne!", sabi ni Johy at ngumuso sa kotse namin ni Criz.

"LOL! No way! Ayokong kasama yung kolokoy na yun.", parang batang sabi ni Anne.

"Haha! Tama na yan! Tara na. The sun is setting, ayaw ko namang abutan tayo ng gabi sa daan, okey?", kaya napilitan si Anne na sumakay samin. Nilagay ko na sa compartment yung backpack niya at tinignan kung okey na sina Johy at Yusuke. Nag-okey hand sign naman silang dalawa. Kaya sumakay na kaming tatlo.

Doon siya sa back seat. Nang binuksan niya yung pinto, nagulat siya nang makita niya si Buster. Ayun, tuwang-tuwa at nilalaro niya si Buster. Si Criz naman tinuloy ang pagtulog. Halos walang umiimik sa amin, kaya inistart ko na yung sasakyan at umandar na kami para ituloy ang paglalakbay papunta sa kapatid ko. Sumusunod naman sina Yusuke samin, kaya kampante ako.. Tumingin ako sa rearview mirror. At nakita kong nakatulog na si Anne habang yakap-yakap niya si Buster.

"Malusaw yan, Gab.", kinikilig na tumawa si Criz.

"Ulol! Kung sakanya lang, h'wag na uy. Amazona yang babaeng yan e.", tumawa na rin ako.

"Gagu, maganda naman siya ah.", nilingon niya si Anne.

"Tssss. Kung magiging lalaki ka, wala kang taste!", sabi ko sakanya at hinampas niya ako sa balikat. Tumingin ako sa dinadaanan namin at nasa Manila Bay na kami. Nginuso ko yung araw kay Criz.

"Bilisan na natin, Gab. Ayokong abutan tayo ng gabi.", sabi niya nang mapatingin siya. Kaya binilisan ko na ang takbo.

Hindi ko mapigilang isipin ang kalagayan ng kapatid ko. Kahit addict din yun sa mga Zombie ay nag-aalala pa rin ako. Baka kung ano na kasi nangyari dun. Sana naman okey siya.. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita ni Lawrence dahil nga bumalik uli ako sa Maynila. Napabuntong-hininga nalang ako habang iniisip ko kapatid ko. Hindi ko na alam gagawin ko kapag wala siya.

Malapit na kami, Lawrence. Just wait for us, Bro. Padating na si Kuya mo.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon