The Apocalypse: Chapter 61

908 14 8
                                    

Hindi ako makagalaw, nastuck ako sa kinatatayuan ko, para bang tumigil ang mundo nang makita kong hawak ng lalaki ang kapatid ko. I gritted my teeth in annoyance. Damn. I'm so stupid. I looked at my sister, gumesture siya sa akin na okay lang siya. Ngunit, kitang-kita sa mga mata ang takot. Ako rin, natatakot rin ako.

"Huwag kayong kikilos! Kung hindi malilintikan 'tong babaeng 'to!" sigaw nung lalaking may hawak kay Lawrence. Narinig kong umangil si Buster sa gilid ko. I held my hand out. Alam kong kaya kong patumbahin ang lalaking 'to with a blink of an eye. Pero, I can't risk Lawrence's life. One wrong move, bam! Good bye, sister. "Bitawan mo yang baseball bat na 'yan!" sigaw niya.

"Huwag mong sasaktan ang kapatid ko," sabi ko sa kanya while putting down my Junior. I heard his heart beat faster. Kinakabahan siya, sa isip-isip ko. I turned and looked at Megan. Sa pwesto niya, mukhang hinihintay niya lang akong gumawa ng move.

Biglang lumitaw 'yung isang lalaki sa kabilang hallway. Fuck! Tinutukan niya kami ng baril. "Itaas niyo ang kamay niyo!" sigaw nung lalaking nakita ko kanina. "Remuel! Tignan mo kung may mga gamit yan sa katawan!" utos nito.

Dali-daling lumapit sa amin yung Remuel at kinapkapan kami ni Megan. Nakuha niya 'yung walkie-talkie at ang baril ni Megan. He smirked at us, akala mo kung anong achievement ang nakuha. Mamaya ka sa akin, boy. Kapag napatumba ko 'tong kasama mo, mawawala yang ngisi ng mukha mo.

Pumunta na yung Remuel sa side nung lalaki at binigay yung baril ni Megan at si Junior. Nakangisi pa rin ang gago sa amin akala mo nanalo sa lotto. "Ano bang gagawin natin sa kanila, Angelo?"

Tinignan siya nung Angelo. "Bobo ka ba? Malamang papatayin natin sila!" inis na sabi nito. Kinamot lang nito ang ulo niya at tumingin kay Megan.

"Sayang, maganda pa naman 'yung babae, kunin na lang natin silang dalawa," suggest nito at tinuro si Megan at si Lawrence. He even wiggled his eyebrows para iparating ang 'magandang' ideya sa utak niya. Aba, tarantado 'to ah! Gago ata 'to eh. Kinuyom ko ang kamay ko sa inis. Gusto kong patayin 'tong dalawa 'to!

"Bahala ka sa buhay mo! Chineck mo na ba 'yung ibang kwarto?!" tanong ni Remuel.

"Oo, pero 'yung dalawang kwarto nakalock, hindi ko mabuksan. Baka mamaya may zombie don," sabi nito with a bored tone. Obvious na nagsisinungaling siya para mapadali na ang ginagawa nila. Maganda siguro kung ngayon ko na sila atakihin habang busy silang naguusap.

Tumingin ako kay Megan at tumango sa kanya. Gagalaw na sana kami nang magsalita yung Angelo. "Kung iniisip niyong gumalaw, ako na nagsasabi sa inyong huwag na. Dahil mamamatay 'tong kapatid mo, kapag humakbang ka," ika ni Angelo at tinutok muli ang baril.

Fuck. Akala ko.. Bumuntong-hininga ako. Ano bang dapat gawin? Alam ko kaya ko silang patayin, pero.. Baka masaktan din si Lawrence.

"Aaaaahhhh!" nakarinig kami ng malakas na tili galing sa kwarto namin ni Megan. Nagkatinginan kaming dalawa. Si Criz! Tangina naman, bakit sumabay pa! Putragis, dyusmiyomarimar!

"Ano 'yun?! Akala ko ba tinignan mo na lahat ng kwarto?! Ang bobo mo talaga!" sigaw ni Angelo. Tumingin siya sa amin, "Bantayan mo sila!" utos niya kay Remuel habang kaladkad ang kapatid ko papunta sa kwarto namin dala-dala rin si Junior.

Nakatingin lang sa amin si Remuel habang nakatutok ang baril sa gawi namin. Halatang hindi pa siya sanay humawak ng baril dahil hindi niya alam ang tamang paghandle nito. I giggled.

"Ano tinatawa-tawa mo?!" nagmamatapang na tanong niya. Ito na, ito na ang tamang oras! Hindi na ko sumagot at mabilis na tinakbo ang direksyon niya gamit ang ability ko.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang hawakan ko ang dalawang kamay niya at baliin ang braso niya. Bago pa man siya makagawa ng ingay, nasa likod na niya si Megan na nakahawak sa ulo niya. Ngumiti lang siya kay Remuel at bumulong, "Good night,"

Nakarinig ako ng crack. Alam niyo 'yung refreshed feeling? Ganon ang naramdaman ko nang marinig ang pagbali ng leeg niya. Dahan-dahan naming nilapag ang katawan niya, kahit gusto kong ibalibag 'to. Sakto naman na lumabas sina Johy sa kwarto kung saan sila naroroon.

"Shit, huli na tayo," inis na sabi ni Yusuke.

"Sabi ko kasi sayo, sugurin na natin sila kanina eh!" argue ni Johy. Umiling lang ako at pinalapit sila.

Biglang may umalingawngaw ang dalawang putok ng baril. Automatic na tumakbo kami nila Johy sa direksyon kung saan naroroon sina Criz - kung saan rin pumunta si Angelo.

Nadatnan naming nakatayo si Cy hawak-hawak ang baril (kay Angelo ata ito) habang si Criz ay nagtatago sa gilid ng kama. Nasa gitna ng kwarto ang dalawang katawan, kay Angelo at sa kasama niya. May kagat si Angelo sa braso nito. Hinanap ng mata ko si Lawrence, narinig ko na lang sa gilid ko ang mahinang hikbi kaya napatingin ako. Nakaupo ang kapatid ko sa gilid ng pinto at hawak-hawak si Junior.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod. "Andito na ko, bro. Shh.. Tahan na.." inayos ko ang magulo niyang buhok at niyakap siya.

Tinulungan na nila Johy si Criz. Habang si Megan ay chineck si Cy kung may sign ito ng kagat. Nang walang makita, lumingon siya sa akin. "We have to get out of this place now!"

Tumango ako at dahan-dahang tinayo ang kapatid ko. Binulungan ko siya ng 'lahat magiging okay rin, maghintay lang siya' kahit hindi ko alam kung tama pa ba 'tong sinasabi ko sa kapatid ko.

Niloload up na namin 'yung mga sasakyan at ayoko nang matagalan pa kami kaya sinabi kong iwanan na yung mga hindi pagkain at gas. May madadaanan pa naman kaming ibang mga shop para sa damit at iba pa. Umagree naman sila kaya sumakay na kami sa sarili naming kotse.

Bago pa man din kami makalabas sa village, napatingin ako sa rearview mirror at natanaw sa malayo ang sasakyang pang-militar na lumiko sa direksyon ng dati naming tinitirhan. Naramdaman kong hinawakan ni Criz ang kamay ko, nakita niya rin 'yung sasakyan. Tumingin ako sa kanya at bumilis ang tibok ng puso ko, otomatikong binilisan ko ang pagpapatakbo ng saksakyan. Nakasunod lang sila Megan sa akin. Hindi ko binagalan ang takbo hanggang sa makalabas kami ng Tagaytay. Lumingon ako sa malaking sign na nagsasabing wala na kami sa Tagaytay at hindi ko alam kung saang lupalop kami lulugar. May araw pa naman, I'm sure makakahanap kami ng pansamantalang lugar na matitirhan.

I sighed, looking at my sister in the back. She's already asleep. Nakayakap siya kay Buster na nakatingin lang sa akin. Napagod ata sa mga nangyari kanina, and I know she's scarred for life sa nangyari. I don't know what happened in there, but I'm glad she's safe and here with me. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari hindi maganda sa kapatid ko.

Tulog na rin si Criz sa passenger's kaya naman binagalan ko ng kaunti ang sasakyan. Medyo nakarecover na rin ako sa andrenaline rush state ko.

"Gab!" narinig ko ang boses ni Megan. Hinanap ko kung saan nang-galing at napansin 'yung walkie-talkie sa hita ni Criz. Nadala pala niya 'to. Kinuha ko 'yung walkie-talkie. "Bakit?" tanong ko.

"Thank, God at dala mo 'yung walkie-talkie! Saan tayo?" tanong niya. Halata sa boses niyang pagod siya.

"Oo nga, brother. Saan tayo?" narinig ko ang boses ni Yusuke.

Bumuntong-hininga ako. Inisip ko kung saan pa ba kami pwedeng manirahan, para mapalayo kahit papaano sa militar. Maraming lugar, pero ang hinahanap ko 'yung matagal kaming mahahanap. Alam ko namang hindi titigil ang militar para hanapin kami. Gusto ko lang maging handa kami sa mangyayari. "Hindi ko alam," sagot ko. "May suggestion kayo?"

Tumahimik sa loob ng kotse. Hinihintay ko ang sagot sa akin ng dalawa. Nagiisip pa ata sila kung saan safe. Kailangan meron. Kailangan meron. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko, parang mantra.

Sa wakas at may sumagot sa kanila, "Meron, kaso malayo,"

Nararamdaman ko na naman 'yung kaba at takot na baka kahit saan kami magpunta, kahit gaano pa kalapit o kalayo ang puntahan namin, mahahanap at mahahanap nila kami. There's no escape.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon