The Apocalypse: Chapter 29

1.1K 19 0
                                        

Ilang oras na rin ang nakakalipas nung itinapon kami ni George dito. Nakatulog na yung dalawang babae sa gilid habang kami ni Yusuke ay naghahanap ng malalabasan. Dahil sa isa lang ang malalabasan namin at wala pang mga bintana dito. Hayop yun! Pag nakalabas lang kami dito, ipapakain ko talaga siya sa mga Zombie! Makita lang niya hinahanap niya.

Ilang oras pa ang lumipas at nararamdaman kong nagugutom na ako, sila rin siguro. Nakatulog na rin si Yusuke at ako na lang ang naghahanap ng malalabasan; wala talaga. I checked every corner of this room, pero wala. Paano na 'to? Nawawalan na ako ng pag-asa. Again... Wala pa naman sina Criz at Lawrence ngayon.. I already missed them.. Biglang may humawak sa braso ko..

"Makakalabas rin tayo.", si Anne. Gising na siya.

"Paano? Eh wala akong makita na labasan, as in, Anne. Wala talaga.", mahahalata mo sa boses ko ang pagkadesperadong lumabas ng kwartong ito.

"Hmm.. Don't worry.. Tulad ng sinabi ko, makakalabas rin tayo. We just have to wait for the right time..", comfort niya sa akin at saka niya ako niyakap. Tumango naman ako at niyakap rin siya.

A fake cough interrupted us and Anne let go from the hug. Awww.

"Ehem, ehem..", ubo-ubo ni Yusuke at Johy. Tumawa-tawa naman ako habang kinakamot ang batok ko. Mukhang nailang si Anne kaya lumaya siya ng bahagya sa akin.

"So, ano? Ganito na lang tayo?", nagsimula na namang magtaray si Anne.

"Err? Nakayakap ka kaya sa--", hindi na natuloy ni Yusuke ang sasabihin niya ng siniko siya ni Johy. Tumawa naman ako. Ang cute nitong dalawang 'to. Sa isip-isip ko. Napangiti na lang ako.

"So.... Ano plano? Kanina pa kayo naghahanap ng labasan diba?", tanong ni Johy nang nakatingin sa akin.

"Oo, pero wala talaga kaming nakita ni brother.", sagot ni Yusuke.

"Hindi ikaw tinatanong ko, sabaterong hapon!", inirapan siya ni Johy. Kaya natawa kami ni Anne.

"Problema mo na naman sa akin, hipon?!", tukso ni Yusuke kay Johy.

"Hoy! Anong hipon hipon ka dyan?! Baboy!", binalikan naman siya ng tukso ni Johy.

"Baboy your face. Sa gwapo at sa macho kong 'to, baboy ako?", turo ni Yusuke sa sarili niya at tawa-tawa.

"Oo, baboy ka!", sigaw ni Johy habang ine-emphasize ang word na 'baboy'.

"Ewan ko sa inyong dalawa.. Oh, Gabrielle, ano plano?", tanong ni Anne sa akin na hindi pinapansin yung dalawa - na hanggang ngayon pa rin ay nagbabangayan.

"Hmm, di ko rin alam? Sirain kaya natin yung pinto?", tanong ko.

"Pwede rin? Kaso, mag-iingay yun at baka pumunta sila dito.", sagot niya nang kiniling ang ulo na parang nag-iisip."Edi maganda, para mabugbog natin si George!", nang-gagalaiti kong sagot.

"Baliw.", simpleng sagot ni Anne, pero isa itong sign na yun na lang ang gagawin namin. Kaya tinignan ko yung dalawa na ngayo'y nagpipingutan at nagkukurutan. Parang mga bata naman 'to.

"Oy! Tama na yan! Sisirain na natin yung pinto, buti nalang at kahoy lang yan.", sabi ko at pumunta na sa pinto. Sumunod naman sila at kinuha na ang armas nila sa lapag.

"Ready?", tanong ko. "Ako muna mauunang humampas..", tumango sila at tumayo sa likod ko. Inaangat ko na si Junior at pinalo ang pinto. Sumunod si Yusuke, si Johy, si Anne, tapos ako uli.

Paulit-ulit namin 'tong ginawa hanggang mawarak ito at makagawa kami ng maliit na butas. Sinilip ko yung butas at nakita kong naka-kadena pala yung pinto, kaya hindi namin mabuksan. Kumamot ulo akong humarap sa kanila.

"Minamalas ka nga naman oh... Naka-kadena yung pinto.", sabi ko.

"Tara! Sirain pa natin yang pinto na yan.", sabi ni Johy. Nagiging sadista na 'tong babaeng 'to.

"Oo nga! No choice naman talaga tayo! Kailangan nating sirain talaga yang pesteng pintuan na 'yan!", sigaw ni Yusuke.

"We heard you, pig! Don't shout!", sigaw naman ni Johy. Pinaikot naman ni Yusuke yung mata niya at bumulong ng 'Whatever'. Kaya humagikgik kami ni Anne.

"Tara, game na 'to!", aya ni Johy.

So, ayun... Kung anu-anong pinag-gagawa naming katarantaduhan sa pintuan, na walang kamalay-malay. Hanggang sa masira namin at makagawa kami ng malaking butas na magkakasya ang isang kami.. Una kong pinalusot yung dalawang babae. Wala kaming naging problema sa paglusot na mga babae dahil 'sexy' nga daw sila. Nang si Yusuke na ang lumusot, natagalan pa kami dahil medyo nastuck pa yung katawan niya nung nasa kalagitnaan na. Kaya lalo siyang inasar ni Johy ng baboy. Nung makalabas ito ay pinagtatawanan siya nina Johy, nasira pa kasi yung damit nito. Hahaha! Tawa ko sa isip ko. Nakalusot na rin ako at aktong palabas na kami nang may nagsalita.

"Saan kayo pupunta, aber?", kilala ko 'tong boses na 'to. Si Bossing!

Humarap kami sa kanya at nakita namin na kumpleto pa sila. Siya, si George, yung Ryan, yung mataba, at yung isang lalaki. Tinatawag ko silang 'Bossing and friends'. Palapit sila sa amin kaya paatras kami.

"You can run.. But you don't hide.", sabi ni Bossing. Kaya napabulaslas kami ng tawa sa sinabi nito.

"You can run.. But you don't hide daw!", sigaw ni Yusuke habang tumatawa.

"Bakit?! Ano problema dun?!", tanong ni Bossing.

"Ikaw!", sigaw naman ni Johy.

"Aba!! Sugurin sila!", at sabay turo sa amin.

Tumakbo papalapit sa amin yung apat kaya naghanda na kami. Para kaming Power Rangers sa posing namin, kaya hindi ako makapagseryoso. Unang nakalapit si Ryan, at syempre dahil sa kapayatan niya ay natumba agad siya. Sumunod yung mataba. Natatawa si Johy dahil parang si Yusuke daw 'to. Pinagtulungan namin siya kaya nakasali na rin yung dalawang kasama nito. Hindi ko na pinatagal pa ang laban at pinalo ko sa ulo si George. Natumba 'to at humarap ako kay Bossing. Sila Yusuke ay binubugbog pa yung mataba at yung isang lalaki.

"Tayo na lang dalawa ang magtutuos ngayon, Bossing...", sabi ko sa kanya na walang ekpresyon sa mukha at sobrang napakalalim ng boses ko. Yung tipong pang horror. Napaurong siya sa sinabi ko.. "Hindi mo ba alam kung gaano katagal ayusin ang buhok ko; na ginulo mo at sinabunu't sabunutan mo lang?", wala pa rin akong ekspresyon at ganun pa rin ang boses ko. Nagsimula siyang pagpawisan.

"Aahh.... Ehh... G-gusto ko lang.. naman malaman kung saan kayo... nakakuha ng gamit..", sabi niya sa akin.

Papaluin ko na siya, nang maglabas siya ng baril..

"Aha!", sigaw niya. "B-baka akala mo natatakot ako sayo?!", sabi nito sa akin. Pero kung makikita mo siya nanginginig ang kamay niya at nangangatog ang mga paa. Hindi ko inintindi kung may baril siya.. Gusto ko nang makauwi!

"Ipuputok ko 'to!", sigaw niya sa akin, pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. "Ipuputok ko talaga 'to!!", sigaw na naman niya. Tumakbo na ako sa kanya. At...

Bang!

===========================================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

P.S. Sorry for the cliff hanger. :> I just want you guys to be thrilled. Hihihi! I'm bad!

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon