Nang makapasok kami sa loob. Tinignan ko ang buong bahay nito. Dahil ayos na ayos at ang linis linis. Ngumiti naman sa akin si Johy. Ngumiti din ako sa kanya. Parang hindi dinaan ng apocalypse ang bahay na 'to. May sofa set sila ni Anne at talagang mahahalatang mong mga babae ang nakatira dito sa bahay. Pinaupo niya ako sa maliit na sofa at umupo sa katapat nito. May mini glass table sa pagitan ng dalawang couch. Kitang-kita mo ang kusina nila sa sala. Sa gitna ng bahay ay nasa gilid yung hagdan paakyat ng second floor. Nag-ngitian kami na parang tanga. Tahimik lang kaming nag-ngingitian. Para kaming mga tanga.
"Ano wala talagang spark?", natatawa nitong tanong sa akin sira niya sa katahimikan. Natawa naman ako. At umiling-iling.
"Gago ka, akala ko naman kung ano? Ito lang ba yung dahilan kaya ako nandito? Sabi na e! Gagahasain mo nga ako!", tumawa lang siya.
"Alam mo masyado kang eksaherado!", pinatong niya ang mga paa niya sa table.
"Ano ginawa niyo habang natutulog ako?", tanong ko dito.
"Raid.. Kain.. Alagaan ka.. Tulog.. Gising.. Raid.. Alagaan ka.. Kain..", sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Ahh..", ngumiti ako. "Salamat ah.", sabi ko.
"Sa kapatid mo, Criz at Anne ka magpasalamat.", ngumiti siya.
"Ibig sabihin hindi mo ako inalagaan?", tanong ko dito.
"Oo. Bakit kailangan ba alagaan din kita?", bahagyang tumawa 'to.
"Tapos magseselos ka kung paano ako tumingin kina Criz at Anne.", nagtawanan kami sa sinabi ko.
"Baliw.", sabi niya habang umiiling.
"Ang linis ng bahay niyo ah?", ngumiti siya.
"Si Anne lang naglilinis nito.", sabi niya.
"Wow.. Sipag nun ah.", tumango siya sa sinabi ko. Saktong pasok naman ni Anne sa bahay.
"Oh, kanina pa kita hinihintay.", sabi ni Johy kay Anne at tumayo. "Samahan mo muna si pogi at magra-raid kami nila Cy maya-maya.", sabi nito at tinapik sa balikat si Anne.
"Ah sige.", sagot ni Anne at umalis na si Johy. "Okey ka na?", baling niya sa akin.
"Kanina ka pa tanong ng tanong kung okay na ako. Oo nga sabi, oo.", tumawa siya.
"Nag-aalala lang naman ako sayo.", sabi nito at pumunta ng kusina. Ngumiti lang ako.
"Salamat pala.", pagpapasalamat ko sa kanya.
"Saan, Gabrielle?", tanong niya na nagtataka.
"Sa pag-alaga sa akin. I heard na inilagaan mo daw ako.", tumango siya. "Salamat.", ulit ko.
"Wala yun, ano ka ba? Ginawa ko lang yun dahil marami na kayong naitulong sa amin ni Johy.", ngumiti siya. Tumango ako. At hindi na siya nagsalita, nabalot na kami ng katahimikan. Hindi awkward.. Tahimik lang talaga.
Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa kawalan na parang baliw, kaya nagtanong na uli ako.
"Bakit ang sungit mo sa akin?", tanong ko, mukhang nagulat siya sa tanong kaya napatingin siya sa akin.
"Hindi naman ako masungit ah?", sagot-tanong niya sa akin.
"Noon.", nakatitig lang ako sa mukha niya.
"Errm.. A-ano.. K-kasi para kang tanga!", nagtaray na naman siya.
"Bakit naman?", kunwari nagtataka ako pero sa totoo lang natatawa na ako.
"E-eh kasi nung akala ko magpapakamatay ka.", yumuko siya at halatang nahihiya.
"Hindi ba sinabi ko sayong hindi ako magpapakamatay noon.", nakangiti lang ako at hindi tinatanggal ang pagkakatingin sa kanya.
"H-hindi ba?", tanong niya at tumango ako. "S-sorry.. Gabrielle.", ngumiti lang ako.
"Matagal na yun.", tumayo na ako.
"Matagal na pala eh! Bakit binabalik mo pa?!", pagtataray niya. "At saan ka pupunta?", mataray na tanong nito.
"Sasama sa raid nila.", ngumiti ako at lumabas na ng bahay nila.
Nasa labas na ako nang hinabol na ako nito.
"Oy kupal! Hindi ka pa pwede, kagagaling mo lang kaya.", hinila ako nito sa damit.
"Ouch, tinawag mo akong kupal.", umarte akong parang nasaksak sa dibdib.
"Letse ka.", marahan niyang hinampas ang noo ko. Nakatitig lang ako sa kanya at siya nakatitig lang sa akin
"Aba ang sweet!", sigaw ni Lawrence sa likod ko..
"Ay palaka!", sigaw ni Anne na kinatawa ko.
"Asan?", kunwari naghahanap ako ng palaka sa likod niya at sa paligid. Tumawa naman si Lawrence.
"Magugulatin ka pala Ate Anne.", pang-aasar niya rito.
"Manang-mana ka sa kuya mo eh no.", sa sinabi niyang yun, natawa kaming dalawa at nag-apir. "See.", bulong niya.
"Ay, Bro. Sama ka daw ba sa kanila tanong ni Yusuke?", tanong ni Lawrence.
"Oo!"
"Hindi!", sabay naming sabi ni Anne. Syempre ako yung sa Oo, siya sa hindi. Ngumisi si Lawrence sa nangyari.
"Hindi ka pwede, Gabrielle. Kitang kagagaling at kagagaling mo lang.", paliwanag niya, pinaikot ko naman ang mga mata ko.
"Alam mo, Anne. Okay lang ako.", sabi ko sa kanya.
"Eh ito? Okay lang?", pinisil niya yung balikat ko na hanggang ngayon namamaga pa rin.
"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!", sigaw ko sa sobrang sakit at napaupo ako habang nakahawak sa balikat ko. "Bakit mo ginawa yun?!", halos maiyak-iyak akong tanong sa kanya.
"Sabi sayo, hindi ka pa okay. Tara nga!", kinuha niya yung kamay ko at hinila sa loob. Narinig ko nalang ang kapatid kong sumigaw.
"Bye bye, love birds. Oy! Hindi raw makakasama si Bro. LQ sila ni Anne.", sigaw ni Lawrence, sabay tawa ng malakas.
Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sofa.
"Ano ba yun? Okay nga lang ako sabi Anne.", umiling siya.
"Hindi ka okay, okay?", tinaasan niya ako ng kilay.
"Okay?", sagot ko at mas lalong kinataas ng kilay niya. Weird talaga nito. Sa isip-isip ko.
"Hindi ako weird.", sabi nito. Hala! Nakakabasa siya ng nasa isipan ng tao!
"Hala? Wala akong sinabi..", Maang-maangan ko.
"Oo wala nga, pero iniisip mo lang. Tss! Alam mo, magpahinga ka na lang dyan. Dahil apat lang tayong maiiwan para bantayan ang subdivision. Be thankful at magbabantay ka.", sabi nito sa akin.
"Sinu-sino tayo?", tanong ko.
"Ako, ikaw, Lawrence at Cy. Ayaw rin kasing pasamahin ni Chardie si Cy. Parang ikaw at si Criz, ayaw pasamahin si Lawrence.", paliwanag nito.
"At parang ikaw, ayaw akong pasamahin..", bulong ko.
"Ano?", tanong nito na nakataas na naman ang kilay. Umiling-iling ako, inirapan naman ako.
Nakaupo lang siya sa kabilang sofa habang nakatitig sa akin. Parang iniinterview ako ng supervisor namin sa school, kung makatitig sa akin, mula ulo hanggang paa! Ugh.. Musta na nga pala mga kaklase ko? Nakaligtas kaya sila? Sumagi saglit sa isip ko mga katropa ko sa school. Mga kalokohan namin. Napabuntong-buntong hininga ako, sa pagkakaisip na hindi nakaligtas ang iba dito. Tumingin ako sa gawi ni Anne.. Tulog..
Tumayo ako at binuhat si Anne. Inihaga ko siya sa mahabang sofa at kinuha yung jacket niya na nakapatong sa silya ng kusina nila. Lumapit ako sa pwesto niya at pinatong ang jacket sa katawan niya. Nang makita kong mahimbing na siyang natutulog ay lumabas na ako para puntahan sina Cy at Lawrence na nasa labas ng garahe nag-uusap.
======================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...