The Apocalypse: Chapter 36

1.1K 19 5
                                        

"Oh, ayun yung time na tatlong araw ka nang tulog; ayon sa kanila.", sabi nito habang hinihintay namin yung pagkain. "Nakita nila kami sa daan na naglalakad. Medyo malapit sa SM. Tumigil sila sa harap namin at pinasama kami. Yun lang.", nakangiti niyang kwento.

"Ahh. Saan kayo galing?", tanong ko.

"Sa Pasay.", sagot niya.

"Kayo lang dalawa nakaligtas ng kapatid mo?", tumango naman siya. "Ilang taong na kayo?", tanong ko.

"Ako twenty, magtwenty one, habang si Cy eighteen.", ako naman ang tumango. "Eh kayo?", tanong niya sa akin.

"Ako nineteen, si Lawrence seventeen, si Criz magtwenty, si Anne naman twenty. Si Anne ang mas matanda sa amin.Hindi ko alam edad nina Yusuke at Johy. Hindi ko pa sila natatanong.", sagot ko.

"Ako Nineteen.", sagot ni Yusuke.

"Same here.", sabi ni Johy mula sa kusina.

"Edi... Ako pala ang bunso dito?", tanong ni Lawrence habang winiwiggle ang kilay.

"Ano pa ba? Alangan naman si Anne ang bunso?", tumawa kaming lahat.

"Hoy, narinig ko yun ah!", sigaw ni Anne sa kusina.

Tumahimik siya saglit, pero nagtanong uli.

"Sino leader dito?", tanong niya.

"Siya.", sabay-sabay na turo nila sa akin.

"Ahhh. Kaya pala hindi sila kumportable nung nagdaang dalawang linggo.", ngumiti naman ito, ngitian ko rin siya.

Hinanda na nina Johy yung pagkain sa lamesa. Hinintay muna namin silang makaupo bago kami magsimula. Same routine, nagdasal kami at nagpasalamat sa Diyos dahil hindi Niya pinabayaan sina Criz sa raid kanina. Pagkatapos n'un ay nagsimula na kaming kumain.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Chardie dahil nakatingin 'to kay Criz. Hindi ko maiwasang kagitin ng madiin yung hawak kong kutsara. Napansin naman ito ng kapatid ko dahil magkatabi lang kami.

"Huy. Bakit nag ngangat-ngat ka na naman?", bulong niya sa akin at tumingin sa tinitignan ko. Tinignan niya naman ang tinititigan ni Chardie, na isang upuan ang pagitang sa kay Lawrence. "Alam ko na.", ngumisi siya. Tumingin lang ako ng masama sa kanya at tumawa ng mahina.

Tinuloy ko ang pag-kain ko. Hindi ko maiwasan magdabog habang sinasalok yung kanin sa kutsara ko. Napansin naman ito ni Criz.

"Problema mo, Gab?", tanong nito sa akin. Sumama tingin ko sa kanya. Nakatingin naman sila sa akin.

"Wala. Namamaga na naman yung balikat ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Hays!", sabi ko.

"Subuan kita? Tapos na naman akong kumain.", biglang tanong ni Criz. Nagulat ako. Tama ba ang naririnig ko?! Susubuan niya daw ako.

"H'wag na!", pagpapabebe ko.

"Wushu! Nagpapabebe pa, pero gusto rin niya.", pambubuska sa akin ni Lawrence.

"Oh, Lawrence palit tayo.", utos ni Criz kay Lawrence.

"Awww. Ang sweet naman ni Criz.", sabi ni Johy at siniko si Anne. Inirapan lang siya ni Anne. Weird.

Nakapagpalit na sina Criz at Lawrence, kinuha ni Criz yung kutsara at tinidor ko. Nagsalok na siya ng ulam at kanin. At isusubo na sa akin yung kutsara na may pagkain.

"Oh, say aaah.", tumingin ako kay Criz tapos kina Lawrence. Nakangisi lang sila habang sina Anne at Chardie walang emosyon. "Hoy, ano ba? Nakakangawit ah.", sinubo ko na, ayaw ko namang mapagalitan pa.

Hindi na ako nagsalita habang sinusubuan ako ni Criz. Sila Lawrence naman hindi na nangasar at tinuloy na nila ang pagkain nila. Medyo nakakailang kasi nakikita ko sa dulo ng mga mata ko, na nakatingin sina Anne at Chardie sa amin. Pero inalis ko na sa isip ko yung hanggang sa matapos kami sa pag-kain.

Nagsitayuan na sila at ang mga lalaki ang maghuhugas ng plato, so tumayo na ako dala ang pinggan ko. Pumasok ako sa kusina at akmang huhugasan ko na yung plato ay pinigilan ako ni Johy.

"Hindi ka pa dapat naghuhugas, pogi. Alam mong hindi pa okay yang balikat mo.", kinuha niya sa akin yung plato at siya ang naghugas nito.

"It's been two weeks, Johy. Of course, namamaga pa siya but it doesn't mean na wala akong magagawa.", nakatingin lang siya sa hinuhugasan niya.

"Yeah, sabihin na nating kaya mo na nga. What if lalong namaga pa 'yan? Edi mas lalo kang mahihirapan. We want you to get better, okay? So magpahinga ka na lang sa sala.", wala na akong nagawa. Tama siya kailangan kong gumaling para mas lalo akong makatulong.

Paalis na ako ng kusina nang magsalita pa siya.

"Ano tingin mo kay Anne?", tanong niya sa akin.

"What do you mean?", tanong ko. I'm not playing dumb, gusto ko lang ng straight-to-the-point.

"Maganda? Cute? Pretty? Adorable? Nice? Sexy? Attractive? Mga ganon.", tapos na siya sa paghuhugas at nagpupunas na siya ng kamay sa towel na nakasabit sa ref.

"Maganda, yes. Nice, yes. Yun lang.", sagot ko sa kanya.

"Hmm. I see.", sagot niya at lumapit sa akin. "Then how about me?", pang-aakit niyang tanong sa akin.

"Whatever.", umalis na ako, dahil alam kong wala nang patutunguhan yung pinaguusapan namin.

"I was just kidding.", habol niya sa akin.

"Whatever, Johy.", tumawa lang siya.

Nakarating kami sa sala pero wala sila. I'm guessing nasa labas ang mga ito at nagbabantay. Wala ng araw nang makalabas kami ng bahay ni Johy at...

Hindi nga ako nagkamali. Dahil andito nga sila. Naguusap sila habang nakaupo sa mga bench. Nakapalibot ito sa isang drum na ginawa nilang bonfire. Medyo malamig yung gabi kaya siguro ginawa nila.. Saan naman nila nakuha yung ibang bench? Tinawag ako ni Lawrence.

Lumapit ako at umupo sa pagitan ni Lawrence at Anne.

"Okay! Kumpleto na, yung inumin na lang ang kulang.", sabi ni Yusuke at tumayo. Pumasok siya sa loob ng bahay para kunin yung 'inumin'. Nagtaka ako at tinanong ko si Johy.

"Ano meron?"

"Magcecelebrate tayo kasi gising ka na.", nakangiti lang siya.

"Hindi na kailangan.", sakto naman na lumabas si Yusuke na may dalang Emperador sa kanang kamay, pitchel na nakaipit sa kilikili. Sa kaliwa naman isang apat na baso na nakaipit sa mga daliri niya.

"It's time to PARTEEEEEEEEEH!", sigaw niya at natatawa pa.

"Nababaliw naman siya.", sabay kuha ni Lawrence ng isang baso kay Yusuke. Inagaw ko 'to at pinandilatan ko siya ng mata.

"Hindi ka iinom.", sabi ko.

"Ano bayan! Apocalypse na't lahat bawal pa rin?!", naiinis na sabi niya sa akin at tumalikod.

"Osige, dahil pogi ako pwede ka nang uminom.", binigay ko na yung baso.

"Letse.", mabilis niyang kinuha yung baso. Tawa ng tawa yung iba.

"Teka! Kulang yung baso! Waiting.. Balik ako!", tumakbo uli si Yusuke sa loob.

"Nababaliw na yun.", sabi ni Lawrence. Tumawa lang kami ng tumawa.

Hays.. Kung titignan mo sila ang saya-saya nila kahit ganito nangyari.

========================================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon