A/N: Sensya, Guys kung hindi ako masyadong makapag-up ng maayos. Si Nettu (Net) kasi, ayaw umayos. Tumawag na ako sa PLDT, ireset daw ang modem. Hala, nung isang araw ko pa nirereset yung modem namin. Bwiset lang diba? Pag-tiyagaan niyo po muna sana yung konting update. :<
Sana kahit papaano ay nagugustuhan niyo yung ina-up kong Chapters this week. :) Comment naman kayo kung maganda or panget, kung may kulang o bitin? Yung mga friends ko kasi puro mura abot ko kapag bitin sila. Hehe!
Promote lang uli:
Meeting One Direction by Oh_it'sElla. Kapatid ko po iyan. Siya po ang pinaka-maganda kong kapatid sa balat ng lupa. Please read her work. Nakakakilig na ewan na mabibitin kayo. Kaya pwede niyong mura-murahin yan. Hindi na daw po siya 1DFan kaya tatapusin na daw niya yan. Pero may second book ang gaga. =)) Kaya po, suportahan natin ang kapatid kong napaka-ganda. Syempre ako rin -- suportahan niyo. Hindi kasi ako maganda. Cute lang. Echos. :)
Anyway! Ito na po ang update ko ngayon. Have fun.
=============================================================================
Mga ilang minuto ring humahagulgol si Anne bago siya magsalita. Militar ang Papa niya. Edi ibigsabihin maaaring may alam ‘to?
“Um, ibig sabihin ba n’un may alam ka sa mga nangyayari ngayon?”, tanong ko.
“Sa totoo lang hindi ko alam kung makakatulong ba ‘tong sasabihin ko sa’yo.”, tinignan niya ako sa mata. Tinitignan niya kung naniniwala ako sa kanya. May mga takot sa mga mata niya, takot na baka ipagtabuyan siya. Hindi ko rin alam ang magiging desisyon ko once nalaman ko ang totoo. Malaking tulong din naman si Anne sa amin..
Tumango ako para malaman niyang naniniwala ako at ituloy niya na ang sasabihin niya.
“May sinabi kasi si Papa noon, na kailangan naming magtago; na kailangan naming umalis. Noong una ayaw niya pa sabihin yung dahilan.. Dalawang linggo bago kumalat ang virus kung tawagin nila, doon niya lang sinabi..”, tumutulo na naman ang luha niya. Pinahid ko ‘to gamit ang kamay ko. “Thanks.. Sinabi niya sa amin na, inutusan ng presidente ang mga officers ng military at mga scientist dito sa bansa natin, upang humanap ng gamot para sa isang sakit – at iyon nga yung virus.”, nakatitig lang ako sa kanya habang nagkukwento siya. Tama nga si Criz, may kuneksyon nga ang militar.
“Tapos?”, Kailangan kong makinig sa kanya ngayon. Kailangan kong malaman..
“Alam mo yung mga nawawalang tao noong mga nakalipas na linggo?”, tanong niya, at tumango ako. Ibig sabihin sangkot din ang militar doon. Ang buong akala ko mga sindikato.. “Sila rin ang may kagagawan nun. Kumukuha sila ng mga tao upang itest yung ginawa nilang gamot panlaban sa virus. Bata man o matanda, lalaki o babae. Lahat pinag-experimentuhan nila.”
“Parang mga test subject, ganun?”, tumango naman siya.
“Oo, ganun nga.. Sabi pa ni Papa na, sa isang facility daw sa Bulacan yung pinag-gawaan nila nun. At iyong mga test subject nila hindi nakakatagal sa gamot. I mean, agad-agad ding namamatay. May mga tao pang sa una daw ay nagwawala at makalipas ang ilang minuto, mamamatay na rin, yung iba nagsusuka ng dugo, lahat ng yun kinuwento niya sa amin.”, umiiyak na naman siya.
“Teka, teka. Ano ba yung virus na ‘yun at ano ang nagagawa nun?”, tanong ko sa kanya. Natigil siya at halatang nagiisip.
“Hmm.. Sa pagkakatanda ko.. DT0X1 ang pangalan nung virus, yun ang nakita kong nakalagay sa mga papeles na pinakita sa akin ni Papa, ayon sa mga nakasulat dun, binubuhay nito yung mga patay. Obvious naman.. Tinanong ko nga siya kung para saan ‘yun at kailangan pang gawin yun. Ang sabi niya sa akin, ay pakana daw ‘to ng US. Kung sakali daw magkadigmaan uli, ipanglalaban nalang nila mga ‘yun’. Dahil may nagbabadya atang away ang America at Russia.”, sabi niya. “Pero, hindi nila alam na once na makapatay ito, mabubuhay naman yung pinatay nito. Which is nangyayari ngayon at sa iba pang bansa.”, tuloy niya.
“Kaya ba humingi sila ng tulong sa atin at sa iba?”, medyo nage-gets ko na.
“Oo.”, maikli niyang sagot.
Ito na ang oras para malaman kung paano nakalabas ang virus.
“Paano naman nakalabas ang virus at napunta sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas?”, tanong ko.
“Ayon kay Papa, may isang test subject na nakawala pagkatapos maturukan nung gamot. Gamot pa ang tawag ni Papa noon sa virus. Dahil ang akala niya at nila na gamot ito. At sabi pa ni Papa, hindi lang daw sa Bulacan, may facility pa sa ibang part ng Visayas at Mindanao. Maging dito sa Maynila.”, matapos niyang sabihin yun ay tumahimik na ako.
Madaming naglalaro sa isip ko.. Hindi ko na alam ang sasabihin o itatanong ko sa kanya ngayon. As in blangko. Kumbaga sa exams, namental block.
“Hindi ko na alam kung nasaan sila Papa ngayon.”, out-of-the-blue niyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya. “Naglayas kasi ako nung sinabi niya sa amin yun. Ayokong sumama sa kanila..”, nagbabadya na namang tumulo ang mga luha na gumigilid sa mga mata niya.
“Bakit? Saan ba kayo pupunta dapat?”, tanong ko at hinimas-himas ang likod niya.
“Sa Bulacan.. Gabrielle, huwag na tayong pumunta dun. Huwag na natin silang pakialaman. Hayaan na natin sila, please? Wala akong tiwala sa kanila.”, nagmamakaawa niyang sinabi sa akin habang hinihila yung kamay ko.
Nag-isip ako nang matagal at tumitingin-tingin sa kanya.
"Nanloloko ka naman, Gabrielle!", sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako. "Seryoso, Gabrielle. Ayoko talagang mapahamak tayo. Kaya please? Huwag na.", maiiyak na naman siya sa tono ng boses niya. Sana lagi na lang siyang ganito. Ang sweet e! Natawa ako sa iniisip ko. Bigla ako nitong kinurot sa tagiliran.
"Osige. Hindi na..", sabi habang natatawa parang bata lang.
"Seryoso naman kasi Gabrielle.", hinampas niya ako sa balikat.
"Oo na nga diba? Osiya. Sasamahan na kita magbantay.", sabi ko. Tumango siya at lumabas na ng pinto. Kinuha ko naman yung crossbow ko at sinabit sa katawan ko saka sumunod sa kanya.
Habang nakaupo kami sa bench ng garahe ay hindi ko magawang hindi mag-isip. Tama si Anne. Siguro maganda nga kung hindi nalang kami makialam, at hayaan nalang namin sila. Pero sinabi niya ring may iba pang facilities bukod sa Bulacan, at mayroon din dito sa Maynila. Ibig sabihin, hindi ring malayo na makita nila kami? Hindi kaya sila yung dahilan kaya nawawala yung mga zombie? Kailangan naming mag-ingat..
=============================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...