Hapon na nung simula kong masilayan yung abandunadong ospital. Tumigil sa gilid si Megan, sinundan ko siya, at sumunod naman si Yusuke.
"Dito tayo?", tanong ni Yusuke nung makababa.
"Oo, dito tayo, malaki naman oh.", sabi ko. Medyo malaki naman yung four storey building na ospital, hindi ba? Mukha talaga siyang abandunado, meron pa ngang parts na hindi pa tapos eh.
"Nakakatakot naman dyan!", sabi ni Anne habang hawak-hawak si Buster.
"Adventure 'yan!", sigaw naman ni Cy. Nabatukan tuloy ni Chardie.
"Oo nga, adventure yan!", dugtong ni Lawrence. Tinignan ko siya ng masama. Ngumiti lang siya, at tumingin uli sa abandunadong ospital.
"Paano mo nalaman na may abandunadong ospital dito?", tanong ni Criz kay Megan.
"Nagbabakasyon kami dito. Nadadaanan namin yan.", simpleng sagot niya.
"Ahhh..", sabay-sabay namin tango. Natawa naman siya.
"Para kayong alien.", nagkatinginan kaming apat nina Yusuke, Criz at Johy.
"Tatayo na lang ba tayo dito?", biglang tanong ni Anne.
"Sorry naman. Excited?", natatawang sagot ni Johy.
"Hindi naman. Nakakatakot kasi. Dito pa talaga kayo sa gilid tumambay, tapos may matataas pang grass dito. Baka mamaya biglang may sumulpot na zombie. Patay pa tayo.", reklamo nito.
"Ona, ona. Tara na nga. Nagsusungit na naman 'tong si Anne." bored na sabi ni Yusuke.
"Gago ka ah.", sagot nito.
"Huwag nga kayong mag-away.", saway naman ni Criz sa dalawa. Napailing nalang kami ni Megan sa mga 'to.
"Tara na.", sabi ko. At sumakay na uli sa kotse.
Pinagpatuloy uli ang road trip, hanggang sa malapit na kami.
"Ayan malapit na tayo. Ang plano natin, walang maghihiwa-hiwalay ah. Delikado. Malaki pa naman 'yan. Baka mawala kayo, at baka may mga nakatirang zombie diyan.", instruct ko sa kanila. Tumango naman ang mga kasama ko sa kotse.
"Stay close, don't wander around. Okay, got it.", sabi ni Criz.
"So saan tayo mag-stay?", tanong ni Anne.
"Ground floor tayo. Ayokong irisk na magkakalayo tayo. Mahirap na.", sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.
Nang makarating kami sa area ng ospital, bumaba na kaming lahat.
"Tara, i-check muna natin.", sabi ni Megan.
"Osige. Maiwan kayo, Anne, Johy, Cy at Lawrence.", sabi ko. Tumango naman yung iba at kanya-kanya nang kinuha mga battle gear. Pumunta na rin ako sa kotse para kunin si Junior.
"Hala! Bakit hindi ako kasama?", sabi ni Lawrence.
"Kasi delikado.", simpleng sagot ko habang inaayos si Crossy sa katawan ko.
"Hays, malaki na ako!", reklamo niya.
"No, Lawrence. You'll stay here whether you like it or not, understand?", madiin kong sabi.
"You're so unfair!", sabi niya.
"Oo. Kaya pumunta ka na kila Johy.", wala siyang nagawa kundi magdabog papunta sa kinatatayuan nila Johy.
"Ready ka na?", tanong ni Megan sakin.
"I'm ready when you're ready.", ngiti ko sa kanya.
"Okay, let's go."

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Gizem / GerilimPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...