Third-Person's POV
"Mga inutil! Ang tatanga niyo! Mawawalan na tayo ngayon ng test subjects dahil sa katangahang ginawa niyo!", sigaw ng Heneral sa isang private.
"Hindi po sana kami mauubos kung hindi dahil kulang yung mga equipment na dala namin.", bulong nung isa.
"May sinasabi ka ba, Private?!", galit na tanong ng Heneral.
"Sir, None, Sir!"
"Sige! Makakaalis ka na!", sigaw uli nito. Dali-dali namang umalis ang Private na kinakabahan.
"Kailangan ko uli gumawa ng plano!"
"Heneral Cruz, bakit ba kailangan natin kuhain yung mga batang yun?", tanong ng isa pang Heneral.
"Dahil nasa isa sa kanila yung DTX01! Alam niyo naman na tayo ang mananagot kapag nalaman ng kinatataas na nawala yun sa atin, hindi ba?!", galit na suntok ng Heneral sa kanyang lamesa.
"At kaya natin sila kailangan kuhain dahil pwede natin silang gawing test subjects, hindi pa natin nasusubukan sa buhay na tao ang bagong gawa. That way, makakagawa tayo ng mga undead army.", dugtong pa ng Heneral.
Nagkatinginan lang ang ibang Heneral.
Makaraan ang dalawang araw.
Gabrielle's POV
Ang bango.. Ang bango ng naaamoy ko. Nakakarinig ako ng mga beat. Nagugutom ako; kailangan kong kumain.
Binuksan ko ang mga mata ko. 'Ang liwanag! Nasaan ako?' Nakarinig ako ng tawa sa likod ko. Tinignan ko ito, pero hindi ko siya maaninag dahil napaka-blurry ng paningin ko.
"Nagugutom ka na ba?", tanong ng anyo. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ako makapagsalita. Parang nanunuyo ang lalamunan ko, nauuhaw ako.
"Gruhh..", yan ang narinig kong lumabas sa labi ko.
"I see. Ito kainin mo.", may iniabot itong napakasarap sa pang-amoy ko. Kaya hindi ko magawang lumapit dito, pero may isang pumipigil sa katawan ko.
Hinanap ko ang dahilan kung bakit hindi ako makalapit sa anyo. At nakita ko ang kadena sa mga paa ko. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nasa parang isang clinic ako. Ang puti puti. Ang sakit sa mata.
"Gwraah...", narinig ko na namang lumabas sa bibig ko.
"Huwag kang malikot, Gabrielle. Ibibigay ko naman sayo 'to eh. Gusto mo 'to diba?", lapit ng babae. Mas lalo akong nabaliw ng maamoy ang bango nito.
Ang sarap sa ilong.. Ang sarap.. Lumapit ako dito..
"Oops! Hanggang dyan ka na lang.", sabi nito. Pero hindi ako nagpapigil. Lumapit pa rin ako sa kanya.
"Gabrielle, dyan ka lang. Sinasabi ko sayo.", pananakot nito. Pero lumapit pa rin ako. Gusto ko siya... Gusto ko siyang kainin.. (Not in a perverted way!)
Pero katulad ng kanina. Hindi pa rin ako makalapit dahil sa kadena. Yumuko ako para tanggalin ang kadena, pero hindi ko matanggal.
Naiinis na ako! Hindi ko matanggal 'tong lintek na kadenang 'to.
"Gaah... Rwaarh..", rinig ko na naman.
"Pasaway ka Gabrielle.. Tsk tsk.", biglang may binunot itong bagay sa tagiliran niya.
Bang!
"Aaaaaaaaah!", sigaw ko.
"Okay ka lang kuya?", tanong sakin ni Lawrence.
"Huh?", nakakapagsalita ako?
"Hihihi. Mabuti naman at gising ka na..", tawa ni Lawrence. 'Whoa! Talk about dejavu.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...