Natapos akong kumain at dumiretso sa bahay ni Megan. Nagaalala lang ako sa babaeng yun.
Pag pasok ko sa bahay niya ay hindi ko siya nasilayan sa sofa. 'Baka nasa taas.' sabi ng isip ko. Umakyat ako sa taas at nakita ko ang isang pinto na nakabukas ng konti. Dahan-dahan akong pumasok.
Nang...
Pffff.
"Shit, Gabrielle! Bastos!", nakahawak ito sa twalya niya na nakapulupot sa katawan niya.
"Takte! Bakit mo ako binato ng unan?", tanong ko. 'Great, what a dumb question.'
"Gago ka ba?! Kita mo ba ang ayos ko?! At bakit hindi ka marunong kumatok?!", nakataas ang kilay nito at sinisigawa na ako.
"Jeez! Sorry!", tumalikod ako, palabas na sana ako nang makakita ako ng mga papeles sa tuktok ng drawer nito.
"Gabrielle, hindi ako makapag-bihis sayo eh!", binato na naman ako ng unan ni Megan.
Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas, baka mag-erupt na ang Mt. Pinatubo. Bumaba na ako at naupo sa sofa.
"Gab! Ano nangyari? Nakarinig kami ng sigawan.", nagaalalang tanong ni Criz kasama sina Yusuke, Lawrence at Johy.
"Wala naman, nagalala lang ako kay Megan, wala kasi siya dito nung pumasok ako.", paliwanag ko.
"Yeah, and he sneaked into my room without knocking.", anas ni Megan. Pababa na siya ng hagdan.
"Megan, okay ka lang?", tanong ni Lawrence.
"Yup.", sabi niya at ngumiti dito.
"At bakit ka naman pumasok sa kwarto ni Megan aber?", taas ng kilay ni Johy.
"Well, as you see. Wala siya dito kanina, so I assumed na nasa taas siya. At umakyat ako, hindi ko naman alam na nagbibihis siya...", paliwanag ko ng pinutol ni Criz.
"What the hell, Gab?! Pumasok ka ng hindi kumakatok at nakita mo pa siyang nakahubad?!", sigaw ni Criz na halata ang pagkairita. 'Tssss.'
"Hindi ako nakahubad, Criz. Magbibihis pa lang, at wala siyang nakita.", hinahon ni Megan kay Criz. Dahil nangangamatis na ang mukha ni Criz. Ganyan talaga siya kapag galit or something.
"Whoa, chill ka lang.", hawak ni Yusuke sa balikat ni Criz.
"Don't touch me!", lumapit sa akin si Criz at bigla akong sinampal.
"What the fuck, Criz?! What's your problem?!", sigaw ko rito nakahawak ako sa kaliwang pisngi ko. At doon pumasok sina Anne, Cy at Chardie.
"Anong nangyayari?!", tanong ni Chardie nang makitang namumula si Criz. Lumapit siya rito. "Are you okay, Baby?", 'Baby?! What the fuck?! Baby?! Really?!'
"Gabrielle!", biglang lumapit sa akin si Anne, at tinignan ang pisngi ko.
"C'mon now, Criz. Chill ka lang sabi nga ni Megan, walang nakita si Gabrielle.", sabi ni Johy habang tinatapik ang balikat nito.
"Whatever!", bigla itong umalis at tinignan ako ng masama ni Chardie. 'Anak ng?! Siya pa may ganang magalit ah!' Susuntukin ko na sana si Chardie, nang pinigilan ako ni Lawrence.
"Chill ka, Bro. Alam mong hindi pa magaling yang balikat mo. Hayaan mo na si Criz.", sabi nito.
"What happened ba?", tanong ni Anne.
"Wala.", ayoko ng maraming tanong bahala na sila magkwento. Nabubwisit ako.
Umalis na ako ng bahay ni Megan at nagpunta sa isa sa mga kotseng nakaparada. Humiga ako ibabaw nito at tinignan ang mga bituin. 'Buti pa sila, nandyan lang.' napabuntong-hininga na lang ako. Nakarinig ako ng may palapit sa akin.
"Go away, I don't want to talk.", sabi ko agad.
"Sorry kanina. Sana hindi ko nalang biniring up 'yun. Hindi ko naman alam na may magagalit.", boses ni Megan.
"No, it's not your fault. I should've knock.", sabi ko rito pero hindi pa rin ako nalingon. Naramdaman kong umakyat siya sa ibabaw ng kotse at umupo sa tabi ko.
"So, kayo ba ni Criz?", tanong nito.
"Nope, I'm her bestfriend.", sabi ko.
"I see. So, sila ni Chardie?", tanong niya uli. 'Hays..'
"You know, Megan. I really don't know. At wala akong pakialam kung may namamagitan sa kanilang dalawa.", sabi ko na medyo napataas boses ko.
"Sorry. I didn't mean to ask you.", yumuko siya.
Napabuntong-hininga ako. "Sorry. Dapat hindi kita tinaasan ng boses.", sabi ko sa kanya at saka siya tinapik sa balikat.
"Exercise tayo bukas?", nakangiting tanong niya.
"Sure.", ngumiti ako at tumingin uli sa langit.
Kinabukasan, hindi kami nagpapansinan ni Criz. Todo iwas siya sa akin. 'Galit pa rin siguro siya.' sa isip-isip ko. Paalis na sila para mag-raid at kalalabas lang ni Megan sa bahay niya.
"Ready?", tanong nito sa akin.
"Yup, tara.", sabi ko.
Nagpaalam na ako kina Yusuke na naiwan pa rin.
"Brother, exercise lang. Bantayan mo kapatid ko ah.", sabi ko at tumango lang ito. Ngumiti ako. Paalis na kami ng lumapit si Anne.
"Saan kayo pupunta?", tanong nito.
"I-eexercise lang 'tong balikat ko.", sabi ko.
"I see. Ingat ka huh.", niyakap niya ako.
"Ikaw rin.", sabi ko. Nakatingin lang sa akin si Megan.
Naunang bumitaw si Anne at sumakay na sa kotse. Silang dalawa ni Johy ang magkasama sa kotse. At si Chardie naman at Criz sa isa. Nag-aayos pa sila ng gamit.
"Ano tititigan mo na lang ba o aalis na tayo?", sabi ni Megan na halatang naiinip na.
"Tara na.", sabi ko. Saka kami lumakad patungo sa eskinita papuntang likod.
=============================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below.
Nga pala, sa mga nag-suggest, nagpapasalamat ako. Yung mga sinuggest niyo ay malapit niyo nang mabasa. Chill lang. :)
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...