The Apocalypse: Chapter 50

804 18 3
                                        

Nang makalabas na kami sa gate ng subdivision. Bigla akong kinalabit ni Lawrence.

"Buti kaya mong magdrive ano?", tanong niya galing backseat.

"Hindi naman ako baldado 'no. Nakagat lang at sa kaswertehang palad, naging super human. Norml pa rin naman ako. Pero, naririnig ko heartbeats niyo. Kairita nga eh.", sagot ko sa kanya.

"Ewwwww!! Teka.. Okay ka na ba?", tanong nito.

"Yep, nakita mo na naman akong lumakad ng maayos kanina.", pakli ko.

"Umm.. Okay. Bro.."

"Uhm?"

"Asan na 'yung transmitter?", tanong niya.

"Nasa akin, bakit?", sagot ko.

"Pagdating natin sa SM Sucat, amina ah.", sabi nito.

"Huh? Bakit?", tanong ko uli.

"Jusko bastaaa!", sabi nito

Palabas na kami ng Canaynay Ave. wala uling masyadong walkers kaya magandang umalis ngayon.

Nauuna sina Megan sa amin at nasa huli sina Yusuke.

"Bro, parang may napapansin ako kina Yusuke at Johy.", biglang saad ni Lawrence.

Tumawa naman 'yung dalawa - si Anne at si Criz.

"Oo, napapansin ko nga rin. Madalas silang mag-away eh.", sabi ni Anne.

"Ano naman pinagaawayan nila?", tanong ni Criz dito.

"Uhm.. Small things, like kung sino sasama sa raids.", mukhang nahihiya pa rin si Anne kay Criz.

"You know, Anne. Medyo galit pa rin ako sayo, sa nangyari dito sa damuhong 'to.", sabi ni Criz while waving her hands.

"I know..", sagot ni Anne. Tinignan ko siya sa rear view mirror. Nakayuko at namumutla.

"But, you know.. Advantage na rin 'to..", tuloy ni Criz at tinapik ako sa balikat.

"Ano ba?", kunwaring naiirita ako.

"Ikaw naman, masyado kang iritable.", sabi nito.

"Ewan ko sayo..."

"Anyways, as I was saying.. Ayun.. Advantage nga kasi NAGING accurate lahat ng SENSE ni Gab. You know, for short.. NAGING matalas siya.", at ngumiti ng pagkakatamis sa akin.

"Says the girl who cried like a baby..", balik ko sa pangaasar niya.

Narinig ko pang bumulong si Lawrence ng 'There they go again..'

"But!", biglang tinaas ni Criz ang kaliwang kamay niya na parang si Tery Aunor.

"Pinakain niyo ba ng maayos 'to?", sabi ko at tumingin sa rear view mirror. Nag-shrug lang silang dalawa.

"Hindi! Seryoso kasi!", sabi Ni Criz na medyo nagfufume na.

"Okay, what?", I rolled my eyes at her.

"Well... Anne, I forgive you.", saad niya sabay lumingon kay Anne at ngumiti. I know that smile.. It means she's sincere.

Ngumiti naman si Anne.

"Thanks.."

"Okay, at dahil okay na ang lahat, akin na ang transmitter, Bro.", biglang tapik ni Lawrence.

"Aysh! Bakit ba?", tanong ko.

"Akin na kasi.", pilit nito.

"Fine! But, don't do anything stupid..", sabi ko at kinuha yung transmitter sa bulsa ko.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon