Part 3

19 3 0
                                    


(3)

Dear Crush,

Nagfaflag ceremony tayo, pawis na pawis na ako. Kinalabit mo yong balikat ko dahil kapantay lang kita sa pila ng section natin. Hindi kita pinansin.

"Pawis na pawis ka na, eto ang panyo oh!" sabi mo. At nagbingibingihan lang ako sayo.

Natapos ang flag ceremony at may exercise pa. Si Lara yong nasa unahan dahil siya yong nangunguna sa exercise. Dati naman nakakasayaw ako ng maayos at magaan ang pakiramdam, pero bakit ngayon nacoconscious na ako sa bawat galaw ko. Dati nagtatawanan pa tayo habang tumatalon sa exercise, ngayon kayo na lang ng mga kaibigan natin.

Nagpasalamat ako ng matapos yon. Diretso ako sa room at hinagilap agad ang libro.

"Oy nagbago na si Baby Eca!" sabi nila sa akin.

Ako kasi yong baby niyo sa barkada. Ako palagi ang may special treatment kahit na hindi lang naman ako yong babae don.

"Kailangan ko lang talaga makapasa guys!" sabi ko habang nakatutok pa rin sa inaaral ko.

"Pasado ka naman lagi ah!" sabi mo. Hindi na ako sumagot.

Recess time nagyaya kayo na maglaro sa ground.

"Di ka talaga sasama Eca?" tanong nila.

"Hindi, kayo na lang." simple kong sagot.

"Maglalaro kayo?" narinig kong sabi ni Lara. Nakangiti siya at sobrang jolly.

"Oo." ikaw ang sumagot.

"Sali naman ako." sabi ni Lara. Pumayag kayo at lumabas na sa room.

Nakatingin lang ako sa bintana habang pinapanood kayong maglaro. Dati ako yong nandiyan sa pwesto ni Lara. Nakakainggit kayong tingnan.

Nakikipagapir ka pa kaya Lara minsan at nakikipagtawanan. Kahit na pawisin si Lara ang ganda pa rin niya.

Masaya kayo habang ako nakatingin lang sa malayo. Naisip ko tuloy na okay lang pala sa inyo na wala ako. Masaya rin pala kayo kahit na hindi ako ang kalaro niyo.

Pagod na pagod kayo ng pumasok sa room at nagtatawanan pa tungkol sa laro niyo sa labas. Hindi ko kayo pinansin at nagkunwari akong nag-aaral pero ang totoo nakatingin lang ako sa libro.

"Sali niyo ulit ako sa susunod ha!" sabi ni Lara sa inyo.

"Oo ba." sagot mo.

Pakiramdam ko ng mga oras na yon balewala na ako sa inyo. Na wala na akong puwang sa barkada dahil mukhang napupunan na ni Lara.

Parang lumalayo na din ang loob ko sa inyo.

Tama ba yong ginagawa ko?

Sa tuwing titingin ako sa inyo nakatingin ka sakin kaya mag-iiwas na lang ako ng tingin.

Minsan inaasar pa rin tayo ng mga kaklase natin na may LQ daw. At madalas inaasar kayo ni Lara dahil madalas na ang pagtabi mo sa kanya. Sabi nila kayo na daw. Kunwari wala akong nararamdamang kung ano pero ang totoo nasasaktan ako.

"Uuwi na kayo?" tanong ni Lara ng nagliligpit na tayo ng mga gamit pauwi.

"Oo." sagot nila.

"Pasabay ha!" may kung anong galit ang namuo sa akin.

"Sige."

Naglalakad tayo at nagtatawanan kayo samantalang ako nasa tabi lang. Siguro wala namang mababago sa inyo kapag wala ako. Tahimik lang ako sa isang tabi.

"Ipagdala mo naman ng gamit." tukso nila sayo.

Kinuha mo yong gamit ni Lara. Napatingin ako sa gamit ko na madalas ikaw ang nagdadala. Napabuntong hininga na lang ako.

Kung dati ako palagi ang bida ngayon si Lara na.

"Bye Lara!" isa isa kayong nagpaalam kay Lara ng nadaanan natin ang bahay nila.

"Bye, bukas ulit!" sabi niya.

Ako lang ang nanatiling tahimik. Tumahimik na din kayo ng naglalakad tayo.

Sa dami ng iniisip ko di ko namalayan na malapit na pala tayong maghiwahiwalay.

"Eca bye!" nginitian ko lang kayo.

Pagdating sa bahay nag-aral kaagad ako.

Hinatid ako ng Papa ko kinabukasan sa school, at nandon na kayo sa may gate inaantay ako.

"Eca,goodmorning." bati mo.

Tumango lang ako sayo. Napansin ko na kumpleto na tayo pero nakatayo pa rin tayo sa harap ng gate..

"Di pa ba tayo papasok?" tanong ko sa inyo.

"Antayin lang natin si Lara." sabi mo.

Nasaktan ako , dati naman walang Lara satin eh.

"Ah ganon ba, mauna na ako ha." sabi ko sa inyo at tumakbo na ako papasok sa school.

Dumating kayo na nagtatawanan kasama si Lara. Echapwera na ba talaga ako?

Naging tahimik ako at lagi na lang nakaupo sa isang tabi.

Nang magpunta ako sa CR nagulat ako sa nakasulat sa pader.

Lara<3Ace 4ever

Parang kumirot ang puso ko sa nakita ko.


DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon