Part 54

6 3 0
                                    


(54)

Dear Crush,

Ito na ba lahat ang kapalit ng sakit na naidulot nito noon. Sobrang saya lang. Ang mayakap kang muli at mahagkan ay wala ng mas sasaya pa. Hindi ko na maitago ang ngiti sa aking labi habang yakap yakap mo ako.

Kumalas ka sa yakap at hinawakan mo yong magkabilang pisngi ko. Parang minimemorize mo ang bawat feature ng mukha ko. Nagtaka naman ako.

" A-anong ginagawa mo?!" naguguluhan kong tanong.

" Ewan ko nga eh." simpleng tugon mo. Tinanggal ko yong kamay mo sa mukha ko dahil naiilang na talaga ako sa tingin mo.

" Tss. Seloso pa rin." naiiling na sabi ko.

" What do you mean?!" kinabahan naman ako agad.

" Ah wala, sabi ko masyado kang seloso. Magkaibigan lang naman tayo at tsaka marami akong kaibigan kaya kung seloso ka talaga marami kang pagseselosan." palusot ko. " Mabuti pa tigilan mo na yang kakaganyan mo- Ahhhhhhh!" halos mahulog ang puso ko ng bigla mo akong buhatin papunta sa dagat. Panay ang padyak ng paa ko para makawala sa braso mo nahulog na nga yong tsinelas na suot ko pero wala itong nagawa dahil ang lakas mo. Ni hindi ka man lang natinag. " Ace! Bitiwan mo ko!" paulit ulit kong sigaw pero tawa ka lang ng tawa.

Naramdaman ko na ang malamig na tubig sa aking balat. Bigla mo naman akong binitawan sa tubig pero agad din akong nakatayo. Sinamaan kita ng tingin habang nakangisi ka. Agad kitang sinabuyan ng tubig at ganon rin ang ginawa mo.

Habang tumatagal lalong nagiging masaya. Tawa tayo ng tawa sa pinaggagawa natin. Tumigil ka sa pagsaboy ng tubig kaya mabilis kitang ginantihan. Napahilamos ka na lang sa mukha mo. Tumakbo ako hanggang sa hindi ko namalayan na palalim na ng palalim yong hinahakbangan ko. Hanggang sa uumabot yong tubig hanggang dibdib ko.

Napatalon naman ako ng biglang may humapit sa bewang ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga mo sa may tenga ko na siyang nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Sobrang kaba nanaman ang naidulot nito.

" Huli ka! " tumatawa mong pagdedeklara with your manly voice.

" Bitiwan mo na ko. Please! Nakakapagod na. Hahahaha" pagrereklamo ko ng bigla mo akong kilitiin sa ilalim ng tubig.

" Okay sige na nga! " pagsuko mo. Kinalas mo yong pagkakahapit sa bewang ko at naglakad na tayo papuntang pampang.

Napatulala naman ako ng mapaharap ako sa iyo ng makaahon na tayo. Bakat na bakat yong katawan mo sa suot mong sandong puti.

" Tulala ka diyan?!" untag mo na nagpagising sa aking nangangarap na diwa. Bakit ba naattract ako sa katawan mo?! Parang sanay sa work out sa sobrang ganda ng biceps. At yong tindig mo nako! Hindi ko masisisi ang mga babae kung bakit ganon na lang kung habulin ka ng tingin. Napailing na lang ako.

" Tara na!" sabi ko na lang.

Hindi ko mapigilang pansinin ang mga naggagandahang babae na nakabikini at nakatingin sa iyo habang naglalakad tayo. Nakakunot lang ang noo ko at naramdaman ko nanaman ang selos.

" A-ano ba ang gusto mo sa isang babae?!" kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko inaasahan.

" Bakit mag-aapply ka?! " taas kilay mong tanong habang nakangisi. Medyo uminit naman ang pisngi ko.

" Hindi!" bakit pa naman ako mag-aapply? Napatingin ako don sa mga nagpapacute na babae. " Sagutin mo na lang kasi! " pagpupumilit ko.

" Well simula nong makilala kita nalaman ko na kung ano nga ba ang taste ko sa isang babae." kumunot.naman ang noo ko sa pagtataka at tumingin ng diretso sa iyo. Nakangisi ka lang naman habang nakatingin doon sa mga babaeng kanina pa hi ng hi sa iyo. Nakaramdam naman agad ako ng inis.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon