(35)
Dear Crush,
Niyaya ako ni Krea na samahan siya sa comfort room kaya sumunod na lamang ako. Nasa gym kayo ngayon at kinakausap kayo ng coach niyo. Totoo na talaga na kakausapin kayo at walang halong biro hindi katulad kahapon na sinali mo pa lahat ng estudyante dito sa school sa mga pakulo mo kahapon. Pero sa totoo lang kinilig ako.
" Ang haba talaga ng buhok mo. Umaabot hanggang don sa kabilang dulo ng field! " natatawang sabi ni Krea. Nakita ko kung paano ako tingnan ng mga schoolmates natin na parang instant famous ako.
" Ewan ko sayo. Tigilan mo nga ako." pagpipigil kilig kong sinabi. Pumasok na kami sa comfort room at pagpasok namin may narinig kaming usapan ng dalawang nasa magkabilang cubicle.
" Ang swerte ni Eca! Kinikilig pa rin talaga ako! " sabi nong nasa bandang left na cubicle. Nakatingin lamang ako doon at si Krea naman ay siniko ako habang natatawa.
" Siguro nga sila na eh. Sobrang perfect kaya nila. Hayys kailan naman kaya darating ang Ace ng buhay ko?! " kinikilig na sabi nong nasa kabilang cubicle.
" Ikaw na! Pinag-uusapan ka ng bayan!" sabi ni Krea bago pumasok sa isang cubicle. Natawa na lang ako sa mga naririnig kong kwentuhan sa CR.
Ang daming nagpapantasya sayo, sa isang katulad mo. Ang daming gustong makakilala ng isang katulad mo Ace. Marami kaming nagkakagusto sayo pero ako ang pinakamaswerte dahil ako ang gusto mo.
" Antayin na lang daw natin sila Grio at Ace sa room sabi nila kanina. " sabi ni Krea ng pabalik na kami sa room. Kanina pa niya kinukwento ang lahat ng naramdaman at nasaksihan niya kahapon.
" Ah okay. " sabi ko.
" Sana si Grio gumawa din ng ganon para sakin. Nakakainggit ka kaya. Ayan naiinsecure nanaman ako." sabi niya. Naiiling na lang ako sa mga sinasabi niya. Nang makarating kami sa room eh konti na lang ang nandoong kaklase natin.
" Iba iba naman kasi ang way ng mga lalaki kung paano nila pakikiligin ang mga babae. Iba yong kay Grio sa mga naiisip ni Ace. Minahal mo nga siya ng ganyan tapos nakakita ka lang ng hinaranang babae magdedemand ka na sa kanya ng ganyan. " nakakunot noo kong sabi.
" Kung sa bagay. Iba iba nga siguro sila. Kung si Ace showy masyado siya naman sweet kapag kaming dalawa lang. " tumigil naman siya sa pagsasalita at tiningnan ako ng sobra. " Kinilig ka ba kahapon?!" nakangiti nitong tanong. Hindi ko na din mapigilan ang sarili kong mapangiti sa tuwing naalala ko yon.
" Sino bang hindi kililigin?! Si Ace kaya yon! " tinusok niya ako sa tagiliran ko kaya napatalon ako sa kinauupuan ko. Tawa naman siya ng tawa.
" Ayiieee.. So kinilig ka nga?!" pang-aasar niya.
" Oo na! Ang gwapo niya kaya tapos ihhh nakakakilig talaga! Kita naman siguro sa pamumula ng pisngi ko kahapon di ba?!" kinikilig kong sabi. Tinawanan niya naman ako.
" Halata nga eh hanggang ngayon oh! " napahawak naman ako sa pisngi ko ng ituro niya ito. Sino bang hindi magiging ganito?!
" Tama na nga! Kanina mo pa ako inaasar!" pagrereklamo ko.
" Hindi kita inaasar sinasabi ko lang ang totoo at lahat ng nakita ko. " sabay hampas niya ng mahina sa braso ko.
" Krea halimbawa kaya mo bang iwan si Grio para sa pamilya mo?!" bigla kong tanong sa kanya na nagpatigil sa kanya sa pagtawa.
" Siguro oo. Pamilya yon eh. At kung mahal talaga ako ni Grio maiintindihan niya ako kahit na anong mangyari." seryoso niyang sabi saka niya ako tinitigan ng seryoso." Bakit mo natanong?!" nagtataka niyang tanong.