Part 48

7 3 0
                                    


(48)

Dear Crush,

Halos malaglag ang panga ko sa ginawa mo. Agad kitang naitulak nang mapagtanto ko ang ginawa mo. Sinamaan kita ng tingin samantalang nakatingin ka lang sa akin na tila ba natulala ka. Hindi ko alam kung saan ka natulala. Nasagi sa isip ko si Keon. Yong batang tinawag kang Papa. For sure anak mo siya dahil kamukhang kamukha mo. Pero bakit mo ako hinalikan?! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?! Na nakipaghalikan ako sa taong may pamilya na?!

" Nice one dude! " sabay high five sayo nong isang lalaki na kaedaran lang din natin. Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang tinitimbang ko pa ang mga pangyayari.

" Sabi ko naman sayo eh! Paano ba yan?!" nakangisi mong sabi doon sa lalaking katabi mo habang nakatingin ka lang sakin. Inilahad mo ang kamay mo at nilagyan ito nong lalaki ng pera.

" Ang tinik mo talaga! Next time ayoko nang makipagpustahan sayo! Lagi akong talo! " dismayadong sabi nong lalaki. So nagfefeeling binata ka pa rin na nakikipagpustahan. Ibang iba ka na ngayon.

" Tss. Kelan ba ako tinanggihan ng babae?! "may pagmamayabang mong sabi at tsaka ka lumapit sa kin ng sobra. " Nagustuhan mo ba yong halik ko?!" you said teasingly. Nag-init naman ang pisngi ko kasabay ng pag-init ng dugo ko sa sinabi mo. Ngumisi ka ng nakakaloko at kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa pisngi mo. Napahawak ka naman sa kaliwang pisngi mo sa lakas ng pagkakasampal ko.

" Bastos! " galit na sigaw ko sayo. Alam kong pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Hindi ikaw yong Ace na nakilala ko. Nag-iba ang ugali mo at ang pagkatao mo.

" Ngayon ka pa talaga nag-react?! Ang sabihin mo nagustuhan mo yong halik ko! " hinawakan mo yong labi mo at kinagat mo yong ibabang labi mo. Kahit sino sigurong babae ay mapapatulala sayo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako dito. Hindi ko maiwasang na mapatingin dito. " Kung gusto mo ulit na maulit sabihin mo lang. Gusto mo ngayon na din eh-" hahalikan mo nanaman sana ako pero nagulat na lang ako ng makita kang nakahiga sa sahig. Hawak hawak mo yong gilid ng labi mo pero nakangisi ka pa rin. Tinulungan ka naman nong kasama mo na tumayo. " Problema mo pare?!" maangas na sabi mo kay Rence na mukhang galit na galit. Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.

" Eh siraulo ka pala eh! " susugurin ka na sana ulit ng suntok ni Rence pero mabuti na lamang at agad kong nahawakan ang braso niya para pigilan.

" Rence tama na nakakahiya! " pagpigil ko.

" Binabastos ka ng lalaking toh! Dapat siya ang mahiya! " sigaw sakin ni Rence. Mukhang hindi ka niya namumukhaan. Kung sa bagay, hindi ganyan ang Ace na nakilala namin. Palangiti siya at mabait. Hindi nakikipagbasag ulo.

"Naiinggit ka ba na nahalikan ko ang girlfriend mo?! Tss. " bumaling ka sa akin na may nakakalokong ekspresyon. " For sure mas magaling akong humalik sayo. Miss, sinong mas magaling humalik sa amin ng boyfriend mo?!" parang nag-init nanaman ang ulo ko ng dahil sa sinabi mo. Nagtiim ang bagang ko sa tanong mo.

" Tara na nga Chesca! Baka kung ano pang magawa ko sa lalaking yan! " galit na sabi ni Rence sa akin. Tiningnan naman kita sa mata. Baka sakaling maalala mo ako. Na ang nasa harapan mo ay ang babaeng minahal mo at itinuring na prinsesa ng buhay mo.

" Dude tara na, baka hindi ka makaattend doon sa pupuntahan mo bukas ng may maayos na mukha." natatawang sambit nong kasama mo. Nakatingin lang ako sayo kahit na kanina pa ako niyaya ni Rence na lumabas na ng coffee shop na yon. Inilagay mo naman ang kamay mo sa bulsa ng maong pants mo at tsaka astig na tumingin sa akin. Napakagwapo mo.

" Sana magkita pa tayo. Kapag namiss mo yong halik ko, tawagan mo lang ako." at tsaka mo inabot yong calling card sa akin. Tiningnan ko lang ito. Nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Nang mapansin mo na hindi ko ito kinukuha eh hinablot mo ang kamay ko. Grabeng kaba nanaman ang naramdaman ko at boltahe ng kuryente nanaman ang naglakbay sa sistema ko. Ipinatong mo dito yong card na may number mo at tsaka ka ngumisi. " Take this. Hindi na ako magsisinungaling pa Miss, malambot ang labi mo." at tsaka ka lumakad palabas ng coffee shop ng hindi lumilingon. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas ng kalabog at ang bilis ng pagtibok. Nakatulala ako at ang isang kamay ko ay nakahawak sa labi ko. Ikaw pa rin aang nakakuha ng first kiss ko.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon