(31)
Dear Crush,
Mahapdi ang mata ko ng ako ay gumising. Siguro ay dahil sa pag-iyak ko. Tamad akong bumangon pero nagugutom na ako. Pumunta ako sa kusina at kumain. Sunod non ay umupo na lang ako sa couch sa sala at binuhay ko yong tv. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa tv, ni hindi ko nga maintindihan ang sinasabi nong pinapanood ko dahil ikaw lang ang nasa isip ko. Paano na tayo?! Wala nga palang tayo sa simula palang.
Kakayanin mo kaya akong antayin sa loob ng lima hanggang anim na taon?! Kakayanin kaya natin na malayo sa isa't isa kung sa simula pa lang ay nasanay na tayo na tayong dalawa ang palaging magkasama?! Iniisip ko palang sobrang hirap na. Sorry.
"Hindi ka aattend sa ball niyo?!" tanong ni Lio na bigla nalang umupo sa tabi ko. Mukhang galing lang siya sa pagwowork out. Madalas niya kasing pagkaabalahan ang pagpunta sa gym.
" Hindi." tipid na sagot ko.
" Magka-away ba kayo nong future boyfriend mo?!" tanong niya. Inirapan ko siya dahil mukhang nang-aasar nanaman.
" Hindi." sagot ko. Tumawa naman siya ng nakakaloko.
" Eh bakit hindi ka pumasok?! Bakit ilang araw ka na niyang hindi sinusundo at hatid dito sa bahay?! At bakit hindi ka aattend ng ball, mamayang gabi?!" sunod sunod na tanong niya habang nakangisi sakin.
" Hindi na niya ako sinusundo dahil hindi naman niya tungkulin yon at makakapunta naman ako sa school kahit walang sundo." palusot ko. "Manliligaw ko siya at hindi alalay. Hindi ako pumasok dahil wala naman akong gagawin don. Magpiprepare lang sila para sa ball at magpapayabangan ng isusuot na gown at date. Hindi ako pupunta dahil ayokong pumunta at wala naman akong hilig sa ganyan. Satisfied?!" tuloy tuloy kong sabi at tinaasan ko siya ng kilay. Natawa naman siya kaya lalo akong nainis.
" Hindi pala magka-away ah! Dahil ba toh don sa pag-alis mo?!" bigla naman siyang sumeryoso ang mukha. Nakatitig lang ako sa kamay ko." Well, I guess." kibit balikat niyang dugtong.
Tumayo naman ako at pumunta na lang sa kwarto. Iniinis lang ako nong pinsan ko. Habang kayo ay nasa school siguro ngayon at nagkakatuwaan. Sino kayang kadate mo?! Si Tacey siguro. Well, maganda naman siya at matalino. Baka hindi ka niya iiwan, hindi katulad ko. Lumandas nanaman ang luha sa aking pisngi. Iniisip ko pa lang na may ibang babae na magpapasaya sayo, ang sakit sakit na.
Nang gumabi na ay kumain lang ako at nahiga na sa kama. Sobrang lungkot na hindi ka makita kahit isang araw ano pa kaya ang ilang taon?! Hindi ako makatulog dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ko, masasayang imahe mo ang aking nakikita. Imahe na ayaw kong makitang nasasaktan. Bumangon ako ng may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ito at nakita ko si Lio. Nakangisi siya at parang nang-aasar nanaman. Kununot ang noo ko at isasara ko na sana yong pinto ng kwarto pero pinigilan niya ako.
" Yong manliligaw mo nasa baba, nagkamali ata ng pinuntahang party." natatawa nitong sabi. Kinabahan naman ako bigla at bumilis ng todo ang tibok ng aking puso.
" A-anong ginagawa niya dito?!" naguguluhan kong tanong.
" Malay ko ba don. Puntahan mo na lang kaya." sabi nito. Tumungo ako sa bintana ng aking kwarto at binuksan ito. Agad kang hinanap ng mga mata ko.
Nang tumingin ako sa may gate namin ay nakita kita. Nakatalikod ka at medyo madilim sa parte na tinatayuan mo. Agad akong kinabahan ng bigla kang lumingon at nagtama ang mata natin. Isinara ko kaagad ang bintana at humarap ako sa salamin. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Binuksan ko ang gate namin at lumabas ako. Hindi ako makatingin sayo.
" T-tapos na ba yong ball?!" kinakabahan kong tanong. Nanlalamig ang mga kamay ko at sobrang kaba ang aking nararamdaman. Para kang isang prince charming sa fairytale dahil sa suot mong tuxedo. Sobrang formal ng ayos mo at mukhang handa na para sa isang ball na hindi ko alam kung tapos na o hindi pa.