(10)
Dear Crush,
Sasanayin ko na ang sarili ko na wala ka. Sabi ni Grio sakin pagseselosin namin si Krea. Naisip ko na baka yon na yung way to forget my feelings for you. Kasi hindi na kita laging makakasama, pinagbawalan ako ni Grio para daw makatotohanan yong gagawin namin.
Naghuramentado agad yong puso ko ng makasalubong kita sa hallway. Papasok pa lang ako sa classroom, hindi ako makatingin sayo.
"Asan boyfriend mo? Di mo man lang talaga sinabi sakin. Ang bata bata pa natin Eca, wag mong masyadong madaliin ang lahat . Baka naguguluhan ka lang kaya mo sinagot yong mokong na yon." may halong pagtatampo at galit sa boses mo. Ayaw mo siguro na may kasama akong iba maliban sa inyo.
"Sorry..." kahit pangalan mo hindi ko magawang banggitin.
Nakatingin ka lang sakin na may blankong ekspresyon. Nakatungo lang ako.
Pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko sayo.
"Franchesca, ano pang ginagawa mo dito sa labas?!" nag-angat naman ako ng tingin ng tawagin ako ni Grio sa buong pangalan ko. Nagtiim ang panga mo.
"Ma-mauna na ako." sinabayan ko na si Grio papasok sa room namin.
Kung parehas lang sana tayo ng nararamdaman kaya kong umamin sayo, pero hindi. Hindi mo ako gusto at hindi mo ako magugustuhan.
Nang makaupo na kami ay sumulyap ako sa labas nakita kita, malungkot ang mga mata mong nakatingin sakin.
Kinakabahan ako sa tingin mo. Pwede bang malaman ang iniisip mo? Galit ka siguro sakin. Sorry kailangan kitang iwasan, iiwasan ko ang nararamdaman ko para sayo.
"Wag mo siyang tingnan ng ganyan." napalingon ako kay Grio. Nagtaas lamang siya ng kilay.
Nang lingunin ko ulit yong kinaroroonan mo wala ka na don. Nalungkot ako. Nakakamiss ka na.Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko.
Bigla na lang akong inakbayan ni Grio kaya nagulat ako.
"Andiyan na si Krea. Act that we're in love." hindi ako magaling na aktres.
Natulala si Krea ng makita niya ang mga braso ni Grio sa balikat ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.
"Mukha namang wala siyang pakialam sayo!" bulong ko sa kanya.
"Deep inside, nagseselos yan." bulong niya ulit.
"Weeh? Baka nagiilusyon ka lang." idiniin naman niya yong akbay niya sakin.
"Ang bigat ng braso mo, pwede bang wag mo na akong akbayan nangangalay na ako." reklamo ko sa kanya.
"Etong itsurang toh, mag iilusyon? Tss."
"Yabang!"
Natapos ang klase namin at break time na. Niyaya niya ako na pumunta na sa canteen.
Ayokong lumabas ng room, baka makasalubong nanaman kita. Nakakaguilty. Nagsisinungaling ako sa inyo, sayo.
"Kapag di ka sumama-" tumayo naman ako bigla at hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na ang sasabihin niya.
Nauna ako sa paglakad at hinahabol.niya ako. Nang maabutan niya ako ay agad niya akong inakbayan. Naiilang ako, kapag nga ikaw ang umaakbay sakin grabe na ang kaba ko paano pa kaya kung siya.
"Namumuro ka na sa pag-akbay sakin ha! "
"Isipin mo na lang na ito yong bonus mo." gusto ko siyang sapakin at ayon ginawa ko na.
"Wag ka ngang brutal!" sabi niya.
"Wag ka ring mayabang!"
Habang umoorder siya eh naghanap naman ako ng upuan.
Nakatingin lang ako sa entrance ng canteen. Pinapanood ang mga pumapasok.
Natulala ako ng makita kita. Mag-isa ka lang. Parang nagslow motion ang lahat. Ang gwapo gwapo mo talaga. Magulong buhok, medyo red na lips, smiling face na minsan ay pang-asar, pangtoothpaste commercial teeth, makapal na kilay. Perfect!
May kumirot naman sa puso ko ng makita kita at sinalubong ka ni Krea. Nagngitian kayo at umupo ka sa upuan na nasa tapat niya. Bagay kayo, maganda siya at pogi ka.
Nag-usap kayo at nagtatawanan. Hindi ko marinig dahil medyo malayo ang table niyo samin.
"That's why I choose you to be my partner for my plans." nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko si Grio. Nakatingin siya inyo.
Ngayon alam ko na kung bakit ako yong kailangan niya. Pero paano kung si Krea yong kasayahan mo? Hindi ko kayang mawala siya sa sayo kung ganon. Gusto kong maging masaya ka. Pero kung ang kapalit naman ay ang pagtuklas mo sa nararamdaman ko para sayo, hindi ko na alam. Ano bang pipiliin ko? Ang maging masaya ka o ang pagtatago nitong pesteng nararamdaman ko?
Mahal ni Grio si Krea yon ang sabi niya. Childhood friend ni Grio si Krea at elementary pa lang daw nainlove na sila sa isa't isa. Pero dahil may pagkaloko si Grio palagi siyang nilalapitan ng mga girls at dahil don nagseselos na si Krea. Don nagsimula ang misunderstanding nila. Hanggang sa nagtry daw kalimutan ni Krea si Grio at nagpipretend na hindi sila naging magkaibigan until now. Their feeling is mutual, Grio said. But Krea is still in pain, minsan na siyang niloko ni Grio ng hindi daw sinasadya.
What if Krea is just using you to avoid Grio? Paano ka? Masasaktan ka, Ace. Paano kung mahal pala ni Krea si Grio?
Ang sakit na makita ka na masaya ng dahil sa kanya. Ang sakit na makita ang mga ngiti mo para sa kanya. Ganito pala ang nagkakaroon ng palihim na nararamdaman para sa isang tao, nasasaktan din ng palihim.
Masaya ka pero hindi mo alam na may nasasaktan sa likod ng kasayahang nararamdaman mo.
Ang unfair, sana pare parehas na lang masaya ang lahat. Sana wala na lang masasaktan. Sana kapag may gusto ka maibabalik nito yong pagkagusto mo sa kanya. But life is not simple as that. Walang ganyan sa mundo. Kailangan mo pang masaktan kahit paulit paulit. Crush lang ang nararamdaman ko pero itong sakit na nararamdaman ko, parang iba na.
Happiness and feelings can collide but pain will appear to destroy it,sometimes in just a snap!