Part 43

5 3 0
                                    


(43)

Dear Crush,

" Ikaw pala Rence." sabi ko ng mapagtantong si Rence pala ang tumawag sa aking pangalan. Nginitian naman niya ako. Nakabusiness attire din siya at pormal na pormal.

" Kumusta na?! Small world, dito pa tayo nagkita. Lalo kang gumanda." natatawa niyang sabi. Kung ikaw sana Ace ang nagsabi na lalo akong gumanda malamang naiihi nanaman ako sa kilig ngayon. Tiningnan ko naman si Hanz ng makahulugan para itakas ako sa harapan ni Rence dahil wala ako sa mood makipagngitian sa kanya pero hindi ata nagets ng pinsan ko.

" Okay lang naman." walang ganang sagot ko at tsaka umiwas ng tingin.

" Magkaibigan ba kayo?! Tingnan mo nga naman, magkakilala pala ang apo ko at ang napakabait na batang si Rence." singit ni grandpa habang nakangiti at pabalik balik ang tingin sa amin ni Rence.

" Schoolmate grandpa." mabilis na sabi ko. Narinig ko naman ang mumunting halakhak ni Lio sa may likuran ko. If I know pinagtatawanan niya nanaman ako.

" They look good together di ba?!" sabi ni grandpa doon sa tatay ni Rence na tumatango tango pa.

" Bakit hindi muna kayo mag-usap?! You know talking teenager things!" natatawang sabi ng tatay niya. Nakatungo lang ako at parang gusto ko nang umuwi kesa makipag-usap sa kanila.

" I think so Dad! Matagal tagal na rin kaming hindi nag-uusap. Palagi kasi si Eca na busy sa iba eh." natatawang sambit ni Rence sa kanyang ama at parang ibig siyang ipakahulugan sa sinabi niya.

" Sige maglibot libot muna kayo. Give to her your company, Rence." sabi ni Grandpa na ikinainis ko. Kapag tumanggi ako iisipin nila na parang ang bastos ko naman. No choice!

" Let's go?!" sumunod naman ako kay Rence pagkatapos kong bigyan ng makahulugang tingin yong dalawang pinsan ko.

Napunta kami sa may harap ng pool na maraming decorations at may mga maliliit na lights na nakakabit sa paligid. Walang tao dito dahil lahat sila ay nasa loob. Gabi na at sobrang ganda dito. It's relaxing. " Balita ko may sakit si Ace?!" seryosong sabi niya. Nakatalikod ako sa kanya habang nakatuon lamang ang buong atensyon ko sa pool na may iilang balloons pa na nakalutang.

" Meron nga." malungkot na sabi ko. Kumusta ka na kaya?! Nahihirapan ka siguro ngayon, kung nandyan lang sana ako sa tabi mo aalagaan kita katulad ng pag-aalagang ginawa mo sa akin. Kung andiyan lang siguro ako sa tabi mo ngayon, gagawin ko rin ang mga bagay na ginawa mo para sa akin huwag lang akong mahirapan at masaktan.

" Alam mo kung ako si Ace, hindi ako papayag na iwan ka ng dahil lang sa sakit na yon. Ang weak niya! Inuna niya yong sakit niya kesa sayo." nagtiim naman ang bagang ko sa sinabi ni Rence. Kumunot ng mariin ang noo ko sa sobrang inis sa sinabi niya.

" Pwes, hindi ikaw si Ace! At tama ang ginawa niya!" mahahalata sa boses ko ang galit sa aking pagkakasabi. Narinig kong tumawa siya ng mahina.

" Hanggang ngayon ganyan ka pa rin sa kanya. Iniwan ka na niya oh! Wake up, Eca! Dahil for sure pagbalik non, kung makakabalik pa siya or makakasurvive siya eh hindi ka na niya maaalala. Baka nga may iba na yon eh. " mabilis na dumapo sa pisngi niya ang mainit kong palad. Tumulo ang luha sa mga mata ko at tuluyan na itong lumandas sa pisngi ko. Agad din niyang nasapo ang pisngi niya na ngayon ay medyo namumula na.

" Wala kang pakialam! Wala kang karapatang magsabi ng ganyan! At higit sa lahat wala kang alam! " umiiyak kong sigaw sa kanya. Nakita ko naman ang malademonyong ngisi sa labi niya.

" Ikaw nga eh, wala ka ding alam! Wala kang alam na matagal na kitang minamahal ng palihim! Kasi palagi na lang na kay Ace ang atensyon mo! Anong napala mo kay Ace?! Di ba umiyak ka lang?! Di ba iniwan ka lang din niya?! Mas mabuting matuluyan na lang siya sa sakit niya para mabaling naman ang atensyon mo sa iba at hindi lang sa kanya! I think, this is my chance." tiningnan ko siya ng masama habang matatalim ang tingin niya sa akin.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon