(36)
Dear Crush,
" Pakiulit nga ng sinabi mo?!" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses mo. Napalingon ako sa may bandang likuran ko at nakita kita na nakangisi habang nakatingin sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon din. Binalot ng kaba ang nararamdaman ko. Napapikit ako ng mariin dahil baka nagiilusyon lang ako na andiyan ka sa may likuran ko, nakatayo at nakangisi. Pero hindi. Totoo, nariyan ka.
"A-ah k-kanina ka pa ba diyan?!" kinakabahan ako. Parang kailangan ko ng hangin para makahinga ng maayos. Hindi ako makatingin sayo sa sobrang kaba ko.
" Medyo lang at parang nabingi ata ako o sadyang narinig ko yon mula sayo?!" sabi mo gamit ang mapang-asar na boses mo. Nakatungo lang ako dahil nahihiya ako.
"A-ano bang narinig mo?!" nahihiya at mahina kong tanong habang nakatungo.
" Ano nga ba ang huli mong sinabi?!" mapanghamon mong tanong na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Hindi rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
" Uh-h mabuti pa maiwan na namin kayong dalawa. Bye! " pagpapaalam ni Krea at Grio. Nginitian ko sila at pinanood ko ang paglalakad nila palayo. Nang mawala na sila sa paningin ko ay inaabala ko ang tingin ko sa daliri ko.
" Tumingin ka nga sakin." utos mo pero hindi ko makagawang sundin. Parang hindi ko maigalaw yong katawan ko. Naramdaman ko ang paglapit mo sakin hanggang sa makita ko na ang sapatos mo. Nasa harapan na kita. Hinawakan mo yong baba ko at nagdulot ito ng matinding kuryente sakin. Iniangat mo ito hanggang sa magtama ang tingin natin. " Now, look at me and tell me the truth." mahinahon mong sabi sabay ngumisi ka ng nakakaloko at tinitigan ako.
" A-ah ang dami ko na kasing sinabi. Di ko na maalala kung alin don yong tinutukoy mo eh! " pagpapalusot ko sabay hawak sa batok ko para iwasan yong tanong mo. Nginitian kita ng pilit dahil kinakabahan talaga ako.
" Then look at me and tell me about your feelings." wala na ata talaga akong lusot.
" Kinakabahan?!" patanong kong sambit.
" Bakit ka kinakabahan?!" nag-isip namab ako ng maayos na isasagot.
" Kasi baka narinig mo yong huling sinabi ko kay Krea kanina?!" tuloy tuloy kong sabi. Ngumisi ka lalo ng ubod ng lapad at ako ay lalo namang kinakabahan.
" Ano ba yong huling sinabi mo sa kanya kanina?!" nakakahypnotized yong titig mo na nakakapanlambot ng tuhod.
" Na gusto kita, matagal na." shocks! Agad akong tumayo at naglakad ng mabilis ng mapagtanto ko kung ano yong sinabi ko sayo. Narinig ko naman ang walang sawa mong tawa sa likuran ko.
" Hey! Wait! " hinawakan mo yong braso ko dahilan para tumigil ako sa paglakad. Iniharap mo ko sayo at nakatingin lang ako sa ground kung saan tayo nakatayo.
" Bakit ka tumakbo?!" tanong mo.
" K-kasi nahihiya ako tapos kinakabahan pa ako. Aiissh naman eh! Nakakahiya talaga! " sabi ko habang nagpapapadyak sa harapan mo pero hindi pa rin ako tumitingin sayo.
" Parehas naman tayo ng nararamdaman kaya bakit ka mahihiya?! Alam mo bang sobrang saya ko ng marinig yan mula sayo?! Parang musika sa tenga ko ang mga salitang yon." para akong baliw na pinagdidikit ang dalawang palad ko na nanlalamig sa sobrang kaba. Nakaramdam naman ako ng init ng palad ng hawakan mo ito at naglakbay nanaman ang kuryente sa kamay ko patungo sa sistema ko. Dinala mo ang kamay ko sa dibdib mo. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso mo. " Ganyan kabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sayo." nakatingin lang ako sa kamay nating dalawa na nakapatong sa dibdib mo.
