Part 22

11 4 0
                                    

(22)

Dear Crush,

"Anong ngiti naman yan?! Parang sobrang saya mo ah!" pagpuna ni Krea.
Tumawa ako at umiling na lang.

"Hindi naman masamang ngumiti di ba? " natatawa kong sagot.

"Hindi naman. Pero habang tumatagal paiba ng paiba yang ngiti mo. Nagets mo na ba lahat ng ginagawa ni Ace para sayo?!" natigil ako sa pagsukat ng isusuot na damit para sa intramurals nang marinig ko ang pangalan mo.

Nagsusukat ako dito sa bahay nila Krea ng ilang pang sports na damit niya. Required sa Ms./Mr. Intrams na nakasports attire habang pumaparada.

"Anong tungkol sa ginagawa ni Ace?!" umupo ako sa sofa na katapat nong inuupuan niya. "Krea, may gusto ba sakin si Ace?!" seryoso kong tanong.

Sobrang tagal ko nang gustong malaman kung may gusto ka ba sakin. For all the things that you did for me, I was ignoring the thoughts about something like that. I know that you're fun of making jokes but I can't help to get your every jokes seriously. That's one of the reason why I was here, liking you from behind, from afar and secretly.

"Seriously?! Gosh! Totoo nga yong sinabi niya, slow ka talaga. Ayokong pangunahan ang pinsan ko about diyan kaya mas mabuting siya ang tanungin mo. Ang manhid mo! " nagpatuloy siya sa paghahalungkat ng costume sa isang malaking box na puro damit.

"Tinanong ko na siya-"

"Talaga?! Anong sabi?! Ibig sabihin umamin na siya?!" mabilis niyang sabi pero bigla siyang napaisip" Eh bakit mo tinatanong sakin kung may gusto siya sayo kung tinanong mo na?! May duda ka ba sa feelings niya?!" agad kong naihampas sa kanya ang hawak kong unan.

"Hindi nga kasi niya nasagot. Dumating pa kasi yang boyfriend mo ayan tuloy eh di sana nalaman ko na." dismayado kong sabi.

"Ibig sabihin ba niyan iniisip mo siya?! May gusto ka rin sa kanya noh?! " kinikilig niyang wika.

"Curious lang ako kung bakit ganon yong treatment. Alam mo yon, parang more than best of the best friend na yong turing niya eh. Yong kilos niya.Ayy ewan! Bahala siya basta hindi dapat ako magkagusto sa kanya." pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

"So may gusto ka na ba sa kanya?! Kung sa bagay hindi mahirap magustuhan yon, bukod sa gwapo, matalino, mayaman, sporty, matikas, mapagmahal-"

"Oo na nasa kanya na ang lahat. Kitang kita ko naman sa halos araw araw ba naman kaming magkasama. Hindi mo na kailangang ienumerate sakin lahat." natatawa kong sabi.

"So sagutin mo ang tanong ko na kanina mo pa iniiwasan. May gusto ka ba kay Ace?!" nakatitig lang siya sakin na tila ba hinihintay niya talaga ang sagot ko.

Umuurong ang dila ko at parang kinabahan ako. Wala nakakaalam na may gusto ako sayo. Ayokong may makaalam baka mapahiya ako. Kung pwede nga na itago ko ito habang buhay gagawin ko. Baka ito pa ang makasira sa ating pagkakaibigan.

"No. Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. Hanggang friends lang kami. Ayokong magkagusto sa kanya." may halong lungkot at kasiguraduhan ang mga salitang binitawan ko. Ayokong magsisi sa huli pero sadyang ganito ata talaga ang buhay. Sometimes we need to take the risks for someone or something you treasure for a long time.

"Dude, better to back off!" napalingon ako ng marinig ko ang mapang-asar na boses ni Grio sa may kusina.

"Shut up or I kill you!" nanlaki ang mga mata ko ng makita kita. Agad akong nakaramdam ng kaba ng makita kita.

Malamlam ang iyong mga mata at malungkot na nakatingin sakin. Kanina pa kaya kayo diyan? Humakbang kayo papalapit sa kinauupuan namin at tumabi ka sa akin. Dumagundong nanaman ang puso ko.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon