Part 9

12 4 0
                                    


(9)

Dear Crush,

"Bitiwan mo nga ang kamay ko!" mahinang sigaw ko.

Nakita ko kasi yong mga tingin ng mga kaklase namin. Si Krea naglakad na papunta don sa upuan niya kanina. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

"Gusto mo din naman." hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.

"Ang yabang mo!" singhal ko sa kanya.

Gwapo siya, may pagkamisteryoso, at mahangin. Hindi gaanong ngumingiti kabaliktaran mo na palaging nakangiti. Gwapo siya tulad mo. Mahangin din.

Nang matapos ang klase ko ay inaantay ko kayo sa room. Nagugutom na ako pero gusto ko rin naman na sabay sabay tayong kumain ng lunch.

"Inaantay mo ba ako?" halos sapakin ko siya sa sinabi niya sakin. Nakaupo pa rin kasi si Grio sa tabi ko.

"Ang lawak ng imagination mo!" sabi ko sa kanya.

"Tatanggi ka pa, gusto mo lang ako makasabay sa lunch eh." ayoko mang magtaray pero di ko mapigilan. At ayoko mang maging brutal sa ibang tao, sayo lang kasi ako brutal eh. Sinasagad na ng Grio na toh ang pasensya ko.

Isang malakas na hampas sa likod ang binigay ko sa kanya.

"Piliin mo ang taong pagtitripan mo at una at hindi sa huli wag ako!" namumula na siguro ang mukha ko sa galit.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya nanaman yong kamay ko at tumayo siya. Bumilis yong tibok ng puso ko sa paghawak niya.

"Tara na! Sasamahan na kita para di ka na magtaray diyan." halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Umalis ka mag-isa mo! At isa pa hindi ko kakayanin ang makasabay sa pagkain ang isang mayabang na katulad mo!Gusto mo bang kasuhan kita ng harrassment?" pinilit kong makawala ang kamay ko sa kamay niya pero ang higpit ng hawak niya.

"Menor de edad pa ako kaya balewala lang ang pagsasampa mo ng kaso. Sa itsura mong yang baka ikaw pa ang mapagkamalan na hinarass ako.Tatayo ka o tatayo ka?" parang gusto kong pumatay ng tao ngayon.

"Akala mo kung sinong gwapo mukha namang paa. At sino ka para sundin ko?"

"Mukha ka namang talampakan. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin." tapos hinila niya ako palabas ng pinto.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

Hindi na ako makalad ng maayos dahil sa paghigit niya at lalo na ng makasalubong namin kayo. Nanlaki ang mata ko at nakatingin lang kayo sa kamay namin at sa lalaking kasama ko.

"Grio!" nilingon naman niya ako pero ang tingin ko ay nasa inyo pa rin.

Medyo lumuwag yong kapit niya sakin kaya nakawala yong kamay ko.

"Sino yan Eca?" nakatingin ka pa rin sa kamay namin habang tinatanong mo yan.

"Boyfriend niya, bakit may problema?" nanlaki nanaman ang mata ko lalo na ang sayo. Kung nagulat ka mas nagulat ako.

"B-boyfriend? Eh wala ngang nanliligaw sakin tapos magkakaboyfriend ako? At ikaw pa?" naguguluhan kong sabi.

"Choosy ka pa talaga, nagugutom na ako. Kaya bilisan mo diyan."maawtoridad niyang sabi.

"May boyfriend na pala ang baby girl natin at hindi man lang nagkukuwento." sabi nila pero ikaw parang nabato na sa kinatatayuan mo.

"No... w-wala akong boyf-" di ko na natapos yong sasabihin ko dahil hinila na ako ni Grio papunta sa canteen.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon