(42)
Dear Crush,
Buong byahe akong kinukulit at inaasar nong katabi ko. Kung ano ano ang tinatanong niya sa akin kaya naman tinulugan ko na lang si Lio. Naiinis na din ako minsan sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa ating dalawa.
May kotseng nag-aantay sa amin paglabas ng airport ng makarating na kami. Binuksan ni Lio ang pinto para sa akin at doon siya umupo sa tabi nong driver sa unahan. Inabala ko ang mga mata ko sa labas ng bintana. This gonna be starting a new life without you.
Tumigil ang kotseng sinasakyan namin ni Lio sa isang malaking bahay. Ang bahay ng grandpa namin.
" Hello, my dearest Chesca! " salubong sa akin ni grandpa pagpasok ko sa engrandeng pinto ng bahay niya. Chesca ang tawag nila sa akin dito. Ilan lang sa mga pinsan at kakilala ko ang tinatawag akong Eca. Andito rin ang ilang pinsan ko na halos lahat ay pinagmamanage na ni grandpa ng ilang companies na hawak niya. At ako na ang susunod. I'm the youngest one granddaughter of him.
" Hello grandpa. How are you?!" magalang kong sabi sa kanya. Kung dati ay malaki ang bahay na ito ngayon ay mas lumaki pa ito at kitang kita ang pagiging modernized.
" I'm okay, apo. Always busy, you know." kibit balikat niyang sabi sa akin. Bigla naman siyang nilapitan nong isang babae na private nurse niya ata.
" Sir, it's time to take your medicine." magalang niyang sabi kay grandpa.
" Makipag-usap ka muna sa mga pinsan mo diyan. Mamaya na lang tayo mag-usap. Iinom lang ako ng gamot ko." paalam ni grandpa sa akin.
Pumunta naman ako sa malawak na sala kung saan naroon ang mga pinsan ko. Masayahin din sila katulad ni Lio. Binigyan nila ako ng espasyo para makaupo. Hindi pa rin ako makangiti simula nong dumating kami.
" Chesca, may sakit ka ba?! Sobrang tamlay mo naman yata?!" nag-aalala nilang tanong sa akin. Si Lio naman ay busy sa pagpindot nong cellphone niya kaya hindi na siya nakikisali at tsaka alam niya na pag-iinitan ko lang siya ng ulo.
" Pagod lang ako sa byahe." sabi ko na lang kahit hindi naman masyado. Buong byahe ikaw lang ang nasa isip ko.
" Mabuti pa magpahinga ka muna baka pagkagising mo hindi na ganyan ang itsura mo. Ngiti ngiti din 'couz, ganyan ka ba kalungkot sa Pilipinas?!" natatawa nilang sabi.
" Magkalayo kasi sila ng happiness niya! " natatawang pang-aasar ni Lio kaya binato ko siya ng throw pillow.
" Shut up, Lio! " naiinis kong sigaw ko sa kanya.
" Love problems huh?!" pang-aasar nila sa akin. Dati hindi ako ganito sa kanila. Dati nakangiti ako at nakikipagtawanan. Ngayon hindi na, ang daming nagbago.
" Magpapahinga lang ako! " sabay tayo ko at pumunta na ako sa dating kwarto ko dito. Agad akong nahiga sa kama at tumitig sa ceiling. Imagining you and you and you! There's only you! How are you, right now?! No communications for four to five to six years with you! Maalala mo pa kaya ako?!
Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko tanging ikaw lang ang nakikita ko. Sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip ay may kumatok sa kwarto ko.
" Come in! " sigaw ko. Nang bumukas ito ay nakita ko si grandpa kasunod sa likod niya yong isang pinsan kong lalaki. Kaedaran lang din ni Lio. Kumpara naman kay Lio, serious type naman ang isang ito at hindi palatawa.
" Magready ka na Chesca, may event party tayong pupuntahan mamayang gabi." sabi ni grandpa na ikinabigla ko. Kakarating ko lang may pupuntahan agad agad?!
" Grandpa! pwede namang hindi niyo na po isama si Chesca. She need to take some rest." seryosong sabi nong pinsan ko kay grandpa.
" Ganon talaga yon Hanz! Ipapakilala ko siya sa mga malalaking businessman mamayang gabi sa party. Siya na lang ang hindi pa nila nakikilala. Kaya Chesca be prepared. Ipapadala ko na lang dito yong susuotin mo mamaya. May aasikasuhin lang ako." lumabas na si Grandpa sa kwarto ko at nakatayo pa rin si Hanz. Habang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ni grandpa.