(18)
Dear Crush,
"Class, tomorrow all of you should participate on our activity. It's community service. Maglilinis tayo ng kapaligiran. Kaya inaasahan namin ang inyong cooperation for this. Nalalapit na ang summer vacation niyo at bago yon we decided na tumulong muna ang mga nasa loob ng eskwelahan na ito. Is that clear?!" sabi ng teacher namin.
May mga nagreklamo dahil mainit daw at nandito sila sa school para umupo at mag-aral. Pero hindi na ako nakigulo dahil wala rin namang mangyayari.
"Bakit kasi may nalalaman pang community service eh!" reklamo ni Krea sa isang tabi habang nasa library kami at nagreresearch.
"Isang beses lang naman yon sa isang taon kaya hayaan na." mahinahong sabi ko naman.
"Kelan kaya kita maririnig na magreklamo tungkol sa mga pinapagawa satin ng school na to?!" natawa naman ako sa sinabi niya.
Alam ko naman na normal lang na ganon ang mga reaksyon at komento ng mga estudyante pero minsan naiinis din ako dahil sa mga sinasabi nila. But I'm used to it.
"Sometimes we need to follow some rules just to be organize. Dahil kung walang mga ganyan na activity hindi tayo matuto ng mga bagay na hindi lang sa paaralan dapat matutunan. Sila ang mas nakakaalam kung ano ang bagay na magbibigay sa atin ng kaalaman bilang estudyante. At sabi nga di ba, experience is the best teacher. At kapag naisagawa natin yong community service na yon, we learn something as well as we help our environment." sagot ko.
"Ikaw na talaga, I can't blame my cousin." sabi niya habang nagbubuklat ng libro.
"What do you mean?!" nakakunot noo kong tanong at tiniklop ang librong hawak ko.
Parang nacurious ako agad lalo na kapag ikaw ang topic. Parang ang dami kong gustong malaman tungkol sayo dahil para sakin hindi pa kita ganon kakilala.
"You should ask him." para naman akong nagbasa ng bitin na nobela sa sagot ng pinsan mo.
Paano naman kita tatanungin? Ano yon papasagutin kita ng slumbook para don?
Para hindi ako mahalatang sobrang intresado sayo ay tumango na lamang ako at tinanggap ang sagot ng pinsan mo.
Nang matapos ang lahat ng kailangang gawin ay bumalik na kami sa room para sa ilang subject pa.
"Sabay ulit kayo nong Ace na yon mamaya noh?!" pang-uusisa ni Krea habang nakangiti.
Hindi ako makasagot dahil nahihiya akong magsalita.
"Uyy! Don't worry sanay na kami." medyo nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ganon talaga kapag bestfriends!" pagdepensa ko sa kahihiyan na nararamdaman ko.
"O-okay, if that's what you said."
Kasama ako sa cleaners ngayon kaya hindi pa ako lumalabas ng room. Yong ibang kamember ko ay nag aayos ng upuan. Kumuha ako ng walis tambo at nagwalis nalang ako.
Hindi ka pa naman siguro darating, at tsaka hihintayin mo naman ako kung sakali na dumating ka na ngayon. Pero nakakailang yon, baka panoorin mo ako na nagwawalis.
Nagulat naman ako ng bigla nalang may umagaw ng tambo sa kamay ko at pagharap ko ay ikaw na pala yan. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at kaba.
"Anong ginagawa mo?!" walang kamuwang muwang kong tanong sa biglaang pagsulpot mo.
Sumilay ang napakalapad na ngiti sa iyo labi. Ang mga masayahin mong mata ay nakatutok sa pagwawalis.
"Hindi ka dapat gumagawa ng ganitong bagay." halo halong tanong at bagay nanaman ang nabuo sa utak ko.
Inagaw ko sayo ang tambo pero pilit mo itong inilalayo. Kaya nagmartsa ako patungo sa may likuran para kumuha ng isa pa. Pero kasing bilis mo ang kidlat sa sobrang bilis ng pagkadating mo sa aking harapan para agawin nanaman ito.
"Don ka nga sa room niyo maglinis." bulyaw ko sayo pero ngumisi ka lang sakin dahilan para lalo akong mainis.
"I'm done, at tsaka I want to help you with this. I don't want you to be tired." parang nagliwanag ang mundo ko."Maupo ka lang diyan at ako na ang bahala, okay?! Mas gusto ko yong tingnan mo na lang ako habang ginagawa ito para ganahan ako."nag-init ang pisngi ko. Siguro'y napansin mo ang paninitig ko sayo.
"Ayoko nga masisira ang view ko." sabay harap ko sa bintana para iiwas ang tingin sayo.
"Sige na nga, pero sana ako lang ang titingnan mo. Wag sila, ako lang. Ako lang tititigan mo." seryoso mong sabi na siyang nagdulot ng malakas na kabog sa aking dibdib.
Yong mga paru paro sa tiyan ko ay ipinagpatuloy ang kanilang madalas na pagdiriwang at medyo nanlalambot ang aking tuhod ng dahil sa mga sinabi mo.
Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at bago ka magpatuloy sa ginagawa mo ay sumulyap kang muli sakin at binigyan ako ng isang may kasiguraduhang ngiti.
Okay, I give it up to you! Bakit ba lagi nalang akong sumusunod sa kung anong sabihin mo? Para bang sobrang powerful ng mga salita mo at napapasunod ako nito.
Habang naglalakad tayo pauwi ay tahimik lang ako. Ikaw ang may dala ang mga libro at portfolio ko samantalang ako naman ay yong bag ko lang.
"Bakit ang tahimik mo?!" sabi mo at parang nakuryente ako ng bigla mo na lang akong akbayan.
"W-wala lang maisip na sabihin." naiilang kong sagot sayo.
"Bukas susunduin kita sa inyo." nakangiti mong sabi.
"Sige, antayin na lang kita bukas." simpleng sagot ko.
"Mas dadamihan ko yong niluluto ko para kumain ka ng marami. Ang payat payat mo." napatingin naman ako sayo. At nagkibit balikat ka lang sakin.
"Malakas na nga akong kumain eh." depensa ko.
"Ayaw mo na ba ng luto ko?! Baka napipilitan ka lang. Alam mo okay lang naman na magsabi ka ng totoo na hindi mo na gusto ang niluluto ko. Matatanggap ko naman yon. Truth hurts but I can accept that. Kaya-" agad akong tumigil sa paglakad at hinawakan kita sa braso.
Tumingin ka sakin kaya nagtama ang ating mga mata.
"Maliban kay Mama at Papa, ikaw na ang pinakamagaling na cook na nakilala ko. Favorite ko ang luto ng isa sa pinakapaborito kong tao sa mundo. At ikaw yon. Hindi ako magsasawa. " hindi ko malaman kung nagustuhan mo ba ang sinabi ko dahil parang naestatwa ka sa kinatatayuan mo. Nakatingin ka lang sakin at unti unting ngumiti ang mapupula mong labi.
"Talaga?! " tuwang tuwa mong sabi na parang kasing tuwa ko kapag nakakamit ko ang mga pinaghihirapan ko.
"Oo, kaya wag ka nang magdrama. " sabi ko sayo.
"Masaya lang ako na marinig yan mula sayo. Akala ko kasi-" tinakpan ko kaagad yong bibig mo dahil yon nanaman ang sasabihin mo.
"Hindi nga kasi ako magsasawa sa luto mo kaya wag ka nang magdrama, okay?!" tumango ka naman. Ang cute mong tingnan. Ang gwapo ah basta lahat na. Kung mind reader ka nga siguro baka matagal mo nang nalaman ang pagpapantasya ko sayo. Salamat at hindi.
Nagpatuloy tayo sa paglakad na sobrang lapad ng ngiti mo. Pangtoothpaste commercial na ngiti.
Nang makarating tayo sa tapat ng bahay ay iniabot mo sakin ang mga libro ko. Tiningnan mo muna ako ng mataman at tsaka mo dinilaan ang iyong mapulang labi.
"Sana hindi mo rin ako pagsawaan." paramg pinipiga ang puso ko sa sinabi mo.
Hindi ba ay dapat ako.ang magsabi sayo niyan? Baka kasi nasasawa ka na sakin. Pero ako kaylanman ay hindi magsasawa sayo. Aba saan ka ba nakakita na yong crush mo parang nililigawan ka araw araw dahil sa kung ano anong pagpapakilig ang ginagawa?!
"Para kang yong favorite kong luto mo, hindi ko magagawang pagsawaan favorite ko eh!" nginitian kita at mukhang natigilan ka nanaman at natulala.
Agad akong tumakbo papasok sa gate namin at hindi na man lang ako nagpasalamat pa dahil ngayon ko lang naprocess yong sinabi ko.
Parang binigyan kita ng clue na may gusto ako sayo. Ang daldal ko talaga.