Part 19

6 4 0
                                    


(19)

Dear Crush,

Nagpagulong gulong ako dito sa kama ko. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin lahat ng mga sinabi mo.

Ganito ba talaga?! Ganito ba talaga ang magkacrush?! Na kahit patulog ka na iisipin at iisipin pa rin kita?! Na kahit anong ginagawa ko lilitaw at lilitaw ka sa utak ko?!

At paano kung totoo yong mga punchlines mo or something na may kahulugan para sa akin?! Hindi ko na alam Mahirap din pala kapag yong crush mo ay mahilig magbiro. Kasi minsan hindi ko alam kung kelan ka ba seryoso sa mga sinasabi mo.

Ace, magpatulog ka naman. Hindi ka ba napapagod? Kanina ka paikot ikot sa utak ko. Kanina ko pa iniimagine ang mga ngiti mo.

Ano to, 24 hours na nandyan ka? Hindi naman sa ayoko. Ayoko na ngang mawala ka sa isip ko eh. Pero magkakasama pa tayo bukas at ayokong magmukhang zombie sa harap mo.

Dinungaw ko ang alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng aking maliit na cabinet. Kasing taas lamang ito ng aking kama. At tanging ilaw na nagmumula sa aking lampshade ang nagbibigay liwanag.

11:36 pm

Gabing gabi na pero gising na gising pa ako. Pinatay ko ang ilaw at nagtalukbong na ako ng makapal kong kumot.

Nagising ako nang dahil sa malakas na katok na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Unti unti kong iminulat ang aking mga antok na antok pang mga mata. Agad ko namang nakita ang magandang sikat ng araw na nagmumula sa nakaawang kong bintana. Agad tumama sa aking balat ang dala nitong liwanag.

Naglakad ako papunta sa aking pintuan upang tingnan kung sino yo g kumakatok. Pero pagbukas ko ay wala naman. Naglakad nalang ako papunta sa harap ng aking bintana. Binuksan ko ito at hinawi ang nakatabing na puting kurtina.

"Rise and shine! Good morning sunshine!" maligaya kong sabi.

Panibagong araw nanaman. Panibagong araw ng pag-iisip sa kung ano ano.

Tumalikod ako at nahagip ng aking mata ang orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na alas nuebe na pala.

Dali dali akong lumabas ng kwarto kahit na hindi ko alam kung anong itsura ang meron ako ngayong umaga.

"Yes po." nagulat ako ng marinig ko ang boses mo.

Anong ginagawa mo dito sa bahay? Paano ka nakapasok dito?! Ang dami kong tanong.

Agad din akong bumaba ng hagdan para masigurado kung ikaw ba talaga yong nagsalita.

Nakita kita na nakaupo sa sofa na katapat ng inuupan ni Papa. Agad akong kinabahan ng nag-angat kayong dalawa ni Papa ng tingin sakin.

"Good morning!" nakangiti mong sabi samantalang si Papa ay hindi ko maipaliwanag ang itsura.

Ang gwapo. Kapag ganito ang makikita ko araw araw sa paggising ko eh aba choosy pa ba ako?! Nakawhite shirt ka at shorts. Kahit simple lang lumilitaw pa rin ang iyong kagwapuhan.

Ngayon lang nagsink sa utak ko ang lahat. Sinabi mo nga pala na susunduin mo ako para sa community service mamaya.

"Nak, tumalikod ka nga." mahinahong sambit ni Papa. Kumunot ang noo ko sa utos niya.

"Po?!" nakita naman kita na medyo natatawa.

"Sabi ko tumalikod ka." pag-uulit niya.

Sinunod ko ang utos ni Papa.

"Better. Next time wag mong haharapin ang bisita mo na may magulong buhok na daig pa ang dinaanan ng malakas na bagyo. Yang suot mo nakapantulog ka-" agad kong pinutol si Papa dahil naramdaman ko na ang hiya.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon