(12)
Dear Crush,Habang nakahiga ako sa kama ko eh yakap yakap ko ang jacket mo. Hindi naman siya natagusan. Ang bango, kasing bango mo. Iba na ang pabango mo hindi na baby cologne.
Sa kalagitnaan ng kilig ko ay kumatok naman si Mama ,dahilan para itago ko yong jacket sa likod ko.
"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong niya. Agad naman akong tumango.
Nang matapos ang pagsagot sa mga tanong ni Mama about sa studies at pagmemenstruation ko ay nakahinga na ako ng maluwag.
Parang katabi na rin kita dahil dito sa jacket mo.
Pinalabhan ko muna yong jacket para maisoli ko na sayo kinabukasan. Sayang nag eenjoy pa ako sa pagyakap pero lahat may hangganan.
Ang saya matatapos rin yan. Ang sakit matatapos rin yan. Lahat matatapos rin, yon nga lang hindi natin alam kung kelan.
"May assignment ka na ba?" tanong ni Grio sakin pagkarating sa room.
Magulo ang buhok niya pero bagay pa rin sa kanya. Nakakunot ang noo niya na para bang sinusuri ako. Tapos may mapaglarong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Ang pogi din niya.
Alam na ng mga classmates namin na magboyfriend-girlfriend kami. Ang buong akala ng mga nakakakita totoo yong relationship namin. Kaya kapag nakikita nila kaming laging magkasama tinutukso kami.
"Oo nga pala!" napakamot na lang ako sa ulo ko.
Kinuha ko kaagad yong notebook ko at magsisimula na sana ako kaso nagsalita siya.
"Research yan, at hindi mo masasagutan yan ng walang reference." doble kaba na ako ngayon. Isusulat pa pala yong sa papel.
Tatayo na sana ako papunta sa library kaso pinigilan niya ako.
"Kung pupunta ka sa library, malilate ka ng sobra dahil kailangan mo pang buklatin ang makakapal na libro. Mabuti na lang lagi akong handa sa ano man, kaya heto pinagsulat kita kagabi." lumapad naman ang ngiti ko sa kanya. Matalino si Grio, top student yon. At hindi ko akalain na ipagsusulat niya ako ng ganito.
"Thank you!" tapos niyakap ko siya. Sorry di ko sinasadya na mayakap siya. Nadala lang ako ng emosyon ko.
"Ayiiiieee ang sweet niyo naman." halos manlaki ang mata ko ng makita na nakatingin pala samin ang buong klase.
Gusto kong kainin na ako ng lupa dito sa kinatatayuan ko. Agad akong bumitaw sa yakap at umayos ng upo. Nag-iinit na ang mukha ko kaya panigurado namumula nanaman ako nito.
"Magpapakasweet ka na lang rin lang gusto mo pa sa harap ng lahat." nakangisi niyang sabi kaya naman nagtilian yong iba naming kaklase.
"Nadala lang ako noh!" bumalik na ako sa kinauupuan ko at kinuha ko na rin yong papel na may research.
"Tatanggi ka pa diyan. Wag kang maiinlove sakin ah,para lang to kay K." sabay turo niya don sa dibdib niya at gusto ko na siyang sapakin sa mga pinagsasasabi niya.
"Talagang hindi ako magkakagusto sayo! Isa lang ang taong gusto ko!" pagmamataray ko sa kanya.
"Nga pala, hindi libre yang research paper mo." huhugot na sana ako ng wallet ko.
"Libreng lunch okay na." pahabol niya.
"Ang mahal naman ng research mo, di bale babayaran kita." umiinit talaga ang ulo ko.
"Aba ipagsulat ka ba naman ng isang tulad ko malamang mahal yon." pagmamayabang niya.
"Tss."
Sa kalagitnaan ng pang-aasar nila sakin ay nakatitig lang ako sa papel na nasa harap ko. Dahil kapag hinarap ko sila baka lalo lang akong mamula nito.