(45)
Dear Crush,
Sa loob ng halos limang taon na nakalipas at ipinamalagi ko dito sa States tinutok ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral at ngayon may posisyon na rin ako sa isang company na pagmamay-ari ni grandpa. Naging workaholic ako. Sa tuwing namimiss kita palagi kong tinitingnan yong photo album natin, mga pictures na nagpapaalala ng lahat. Paulit ulit kong binabasa yong sulat na ibinigay mo sakin. Nakakamiss ka. Kumusta ka na kaya?! Tiwala ako na magaling ka na. Alam ko na kayang kaya mong labanan ang sakit na yon.
" Chesca, napirmahan mo na ba yong bagong proposal?!" tanong ng kakarating lang na si Lio sa opisina na ibinigay ni grandpa sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dito ko natuklasan na loko siya sa maraming bagay pero kapag sa trabaho pala sobrang seryoso niya.
" I signed it a while ago." sagot ko. Umupo siya sa couch na nasa loob ng office ko at seryosong nakatingin sa isang folder na hawak niya. Bahagyang nagkakasalubong ang makapal na kilay niya. " Any problem?!" tanong ko.
" Nah! May iniisip lang. By the way, di ba may party na gaganapin tonight?! " binaba niya sa center table yong folder at itinaas niya ang paa niya. Sa dami kong ginagawa eh nakalimutan ko na na inimbitahan nga pala ako ni Rence para doon sa party. Rence became a long time friend of mine. Siya yong kasabay kong nagsunog ng kilay hanggang sa mmakatapos at tinuturuan ako pagdating sa pagmamanage ng negosyo na nagagamit ko rin naman. Naging close kami pero hindi pa rin niya maiwasan isingit ang ppanliligaw niya sakin na palagi kong tinatanggihan.
" Uh yes, thanksgiving party daw nila Rence." sagot ko. Humarap ulit ako sa laptop ko at nireview ang mga kailangan kong tapusing trabaho. Gabi na pero sinasadya ko talaga na magpagod sa trabaho para hindi ako madalas umiyak kapag naalala kita. Para kapag tapos na ako sa trabaho matutulog na ako at gigising kinaumagahan para magtrabaho ulit. Konti na lang magkikita na rin tayo.
" You take your work seriously. Baka tumanda kang dalaga niyan. No boyfriend since birth take note."natatawa niyang sabi sa akin. " If I were you sasagutin ko na si Rence. Mukhang tatanda ka na kakaantay kay Ace." sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Bata pa kaya ako! At tsaka para saan pa ang pag-aantay ko ng limang taon, baka ako na lang ang hinihintay ni Ace sa Pilipinas." puno ng pag-asa kong sabi sa kanya. " And never akong nagkagusto o magkakagusto kay Rence. Ikaw nga eh, hangang ngayon single ka pa rin! Palagi niyo akong tinutulak kay Rence samantalang wala rin naman kayong lovelife! " sabi ko. Inayos ko ang ilang papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa ko.
" Ako pa talaga,Eca?! Tss. May girlfriend kaya ako." medyo naging matamlay naman ang mukha niya. Natigil ako sa ginagawa ko at lumakad ako papunta sa may couch na inuupuan niya.
" Hindi mo siya totoong mahal. Natatakot ka na ipakilala siya kaygrandpa kasi takot kayo sa rules niya?!." walang preno kong sabi. Bigla namang nagdilim ang tingin ni Lio sa akin. Ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin sa akin. Narinig ko ang malalim niyang paghinga.
" Hindi ako natatakot sa rules niya. Naipakilala ko na siya kay grandpa, kay mommy, kay daddy ikaw na lang ata ang hindi. Pero sobrang pagguho ng mundo ang nangyari. They can't accept her. Lagi nilang sinasabi na hindi kami bagay. Magkaiba kami ng mundo. Isa siyang simpleng empleyado ng isang kompanya ni grandpa. At ang gusto ni grandpa na ang babaeng papakasalan ko eh mayaman at may maipagmamalaki pagdating sa natapos. Sorry kung palagi kitang pinagtutulakan kay Rence. Akala ko kasi mapapalitan din yong laman ng puso mo. Na kapag ginawa ko yon hindi ka matutulad sa akin, my life stuck to only one person I love even though they are against to our relationship. Parang ikaw lang kay Ace." umupo ako sa tabi niya at pumangalumbaba. Tiningnan ko siya sa mga mata niya.