(47)
Dear Crush,
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita. Patuloy pa rin ako sa walang humpay na pag-iyak. Hindi ako makahinga ng maayos na parang ang sikip sikip ng dibdib ko. Nakaupo pa rin ako sa bench at parang hindi ko magawang kumilos dahil sa nangyari. Lalo kang nagmature at tumitingkad pa rin ang kakisigan at kagwapuhan mo. Magaling ka na pero hindi mo naman ako naaalala. Akala ko ako pa rin. Akala ko tayo pa rin hanggang huli. Akala ko kapag nakabalik na ako maaayos na ang lahat. Akala ko kaya kong ibalik sa dati ang lahat. Nakahawak ako sa kwintas na binigay mo. Ang tanging bagay na pinapahalagahan ko at pinanghahawakan sa loob ng mahabang panahon na pag-aantay ko sayo. Nakasabit pa rin sa leeg mo ang kalahati nito, may pag-asa pa kaya tayo?!
" Ma'am uuwi na po ba tayo?!" nag-angat ako ng tingin kay Manong driver na halatang nag-aalala na. Pinalis ko ang luha ko at tsaka humugot ng malalim na hininga.
" Mauna na po kayo, pakisabi na lang po kila Mama na dito muna ako." mahinahon kong sabi. Umalis na rin siya at naiwan ako.
Nakatulala pa rin ako sa kawalan at binabalikan ang lahat ng mga pangyayari dito sa park na magkasama tayo. Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Siguro mapapagkamalan na akong baliw nito. Kitang kita ko kung gaano ka kasaya kanina. Ang daya mo naman eh! Akala ko ba ikaw ang soon to be husband ko?! Bakit ngayon may anak ka na?! Ako nga hindi nagkaboyfriend kasi hinihintay kita tapos nauna ka na pala at iniwan akong nag-iisa. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Buti pa ang ulan dinadamayan ako sa sakit at kalungkutan. Nagulat naman ako ng biglang nawala yong patak ng ulan na tumatama sa balat ko. Nag-angat ako ng tingin at laking gulat ko ng makita ko siya. Hawak hawak niya ang payong para hindi ako mabasa ng ulan.
" Rence?!" gulat kong utas. Malungkot ang mga mata niya.
" Hindi ko kaya na nakikita kang ganyan." mahinahon niyang wika habang nakatayo pa rin. Nag-iwas ako ng tingin.
" Bakit ka nandito?!" tanging buhos ng ulan ang naririnig sa paligid . Nawala na ang mga taong kanina ay nagkakatuwaan dito.
" Napadaan lang ako at nagulat ako ng makita kita. Nakabook na talaga ang flight ko kanina for business thing. Hindi ko alam na nakabalik ka na pala dito. " paliwanag niya.
" Sorry, hindi na ako nakapagpaalam pa sayo. Nahihiya na kasi ako eh. Sorry nga pala don sa ginawa kong eskandalo sa thanksgiving party, alam mo naman na hindi pwede di ba?!" paliwanag ko.
" Sinubukan ko lang ulit. Akala ko kasi kaya kong turuan ka na mahalin ako higit pa sa isang kaibigan. Pinaiyak ka nanaman niya." utas niya. Noong nasa States kahit na hindi ko hiningi sa kanya ang pagdamay sa akin tuwing namimiss kita binibigay niya pa rin. Palagi siyang nasa tabi ko sa loob ng limang taon habang nag-aantay ako sayo.
" Hindi natuturuan ang puso na magmahal. Love came out of nowhere, very unexpected." wika ko.
" I see, you proved it to me everytime you rejected me." may halong pagkadismaya at sarkastiko ang boses niya.
Hindi ako umimik at nakatulala lang ako sa kawalan. Biglang umihip ang malakas na hangin at napayakap ako sa aking sarili. Nilalamig na ako dahil nabasa na ang suot kong damit. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Salamat Rence." tanging nasambit ko. I think I need this hug from someone who is always there for me. Humihikbi pa rin ako at iniisip ka Ace.
" Basta para sayo, andito lang ako." sabi niya. Kumalas siya sa yakap at ipinatong sa balikat ko ang jacket niya. " Ihahatid na kita sa inyo." sabi niya. Inalalayan niya akong tumayo at tumango na lang ako. Naglakad lang kami papunta sa bahay dahil malapit lang naman ito sa park. Tahimik lang at walang ni isa sa aming dalawa ang nagsasalita. Nang nasa tapat na kami ng bahay eh nginitian ko siya.