(4)
Dear Crush,
Ang aga aga busy ang lahat sa school. Naalala ko na may laban nga pala kayong mga volleyball players at iba pa sa kabilang school. Nakajersey ka at bagay na bagay sayo.
Tinawag ako ng mga girls papunta sa direksyon niyo. Pumunta naman ako. Nakatingin sakin yong mga pinsan mo. Bigla naman akong nailang sa mga tingin nila kaya nakatungo akong naglalakad.
"Yan ba yong crush ni Ace?" tanong ng isa sa pinsan mong babae pagkadating ko.
"Hi!" sabi ko.
"Uyyyyy!"" panunuya ng mga pinsan mo. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila, baka si Lara at ikaw.
"Hi insan!" sabi ng pinsan mo sakin.
"Huh? kelan pa kita naging pinsan?" naguguluhan kong tanong.
"Sussss!" hindi nila sinagot yong tanong ko dahil nagtawanan kayo.
."Namumula si Eca!" sabi niyo.
" Ewan sa inyo!" umirap ako at humalukipkip na lang sa isang tabi.
"Walang goodbye kiss?" sabi nila.
"Oo nga wala bang goodbye kiss Eca?" pang aasar mo.
"Yong pader ang ikiss mo!" sigaw ko sayo. Ngumisi ka naman na parang natutuwa ka pa at namumula na ako sa harapan mo. Hindi na ako makatingin sayo dahil pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga ngiti mo.
"Ang sweet naman." sabi mo.
"Anong sweet don? Natikman mo ba at matamis?" seryosong tanong ko sayo pero sa masungit na boses ko.
"Hindi ko natikaman pero naramdaman ko naman." sabi mo dahilan para katyawan tayo ng mga nandoon.
"Baliw!" sigaw ko sayo.
"Goodluck naman diyan!" sabi mo.
Kung dati lagi kang may goodluck sakin at isang kurot sa cheeks ngayon halos hindi na ako makatingin sayo ng diretso.
Nakangiti ka lang at parang normal lang ang lahat para sa inyo pero ako parang abnormal na ang paghuhuramentado ng puso ko.Ganon kahiwaga ang mga salitang binitiwan mo noon sa sakin na pati puso ko apektado. Tagos eh!
"Goodluck sa inyo!" sabi ko sa mga boys ng hindi tumitingin sayo. Kinurot ko ang pisngi nila tulad ng ginagawa ko noon..
"Asan yong akin?" tanong mo at parang naiinis ka na inignore kita. Inabala ko ang tingin ko sa ibang players na naglakad patungo sa sasakyan.
"Eca, yong kay Ace daw!" sigaw nila. Hindi ko yon pinansin.
" Aalis na daw kayo!" sabi ko at hindi pinansin ang mga sinasabi nila.
Nakasakay na sila sa van pero ikaw nakatayo pa rin sa harap ko. Nakatingin ka lang sakin ng seryoso.
"Ace!" sigaw nila mula sa van. Parang wala kang narinig. Tumingin ako sayo.
"T-tawag kana." what's with the stuttering words?
"Hindi ako aalis hanggat di mo ako ginogoodluck at kinukurot sa pisngi." halos maestatwa ako sa sinabi mo.
"G-goodluck!" nauutal pa nga ako. Bahagya akong tumingkayad at kinurot ka ng marahan sa pisngi.
"Bye! Ingat ka habang wala ako ha!" sabi mo habang tumatakbo papunta sa van.
Natulala naman ako sa kinatatayuan ko. How can you treat me like that? Halos mahimatay na ako kapag kausap ka tapos ikaw hindi. Unfair!
Nang umalis kayo papunta sa kabilang school ay parang malungkot ang mga girls.
"Eca, crush mo ba si Ace?" tanong nila sakin.
Nanlaki naman ang mata ko at panay ang tibok ng puso ko sa tanong na yon.
"ha? H-hindi noh!" sagot ko.
"Weeehh? ayyiieee!!" pang aasar nila sakin.
"Edi wag kayong maniwala!" sabi ko na lang.
Habang nagkaklase napapatingin ako sa upuan mo. Nakakamiss pala na hindi ka makita.
Napansin ko rin ang bakanteng upuan ni Lara. Kasama nga pala siya sa game dahil isa siya sa player ng chess.
Magkasama kaya kayo ngayon? Sana hindi.
"Namimiss mo si Ace noh?" sabi ng mga kaibigan natin.
"Ha? Di ah!" pagdepensa ko.
Masyado na ata akong halata sa pagkamiss ko sayo.
"Deny pa Eca!" sabi nila.
Habang wala ka akala ko makakapag-aral ako ng maayos dahil hindi kita makikita. Mali pala, mas lumala kasi. Nakakamiss ka. Iniisip ko pa kayo ni Lara. Baka siya yong nag aabot ng tubig mo. Baka siya yong nandiyan sa tabi mo at nagchicheer sayo.
Namimiss mo kaya ako? Kasi ako, oo sobra na.
Nararamdaman mo rin kaya ang nararamdaman ko? Siguro hindi dahil parang kapatid lang naman ang turing mo sakin. Isang baby na laging dapat may nagbabantay.
Sana hindi ko na lang nararamdaman toh para sayo. Ang bata bata pa natin. Sana kasi di mo na lang ako inasar para close pa din tayo tulad noon.
Ang bilis magbago ng mga bagay bagay. Sana ganon din yong nararamdaman ko para sayo.
Sana bumalik tayo sa dati. Nakakamiss na Ace. Yong tawanan at biruan na laging may halong kalokohan.
Ako lang ba ang may problema satin? Ako lang ba ang sineryoso masyado ang mga ginagawa mo sakin? Pakiexplain naman, Ace.
Kinabukasan ang saya saya niyong mga boys, nanalo kasi kayo. Lumapit ka sa akin na sobrang lapad ng ngiti.
"Eca, nanalo kami!" sabi mo.
"Ah congrats!" simpleng sabi ko.
Iniwan kita at lumapit ako sa mga kaibigan natin.
"Congrats, sana nakapanood ako ng game niyo." sabi ko.
"Sa kanila ang bilis mong magsabi ng congrats pero sakin hindi." napatingin silang lahat sayo. Parang may pagtatampo sa boses mo.
"Nauna nga akong nag congrats sayo!" sabi ko na lang tapos umalis na ako sa kumpulan niyo.
" Nauna nga pilit naman!" sabi mo pa.
"Bahala ka nga!" naiinis kong sabi sayo.
Nagseselos ka ba? Alam mo bang dahil diyan sa mga kilos mo at mga sinasabi sakin lalong lumalalim yong nararamdaman ko? Sana pwedeng pigilan.
Nang dumating si Lara, lalong umingay sa loob ng room natin. Ang daming bumabati sa kanya. Pinagmalaki mo pa siya.
"Si Lara talaga ang pinakamagaling!" sabi mo kaya nagsimula ulit ang kantyawan sa room.
"Proud boyfriend!" tawa nila sa inyo.
Di ko naman sinasadya na maibagsak ko ng malakas yong libro sa upuan ko dahilan para tingnan niyo ako. Kinuha ko ito at lumabas ako ng room.
"Ang babata pa pagboboyfriend agad ang nasa isip!" sabi ko sa kawalan habang lumalabas ako.
Hindi ko alam kung narinig niyo o hindi. Basta ang alam ko naiinis ako. Naiinis ako na makita ka kasama si Lara. Naiinis ako na siya na yong bida para sayo.
Ako naman dati di ba? Ako yong pinagmamalaki mo dati, yon nga lang bilang bestfriend mo....