Part 56

6 3 0
                                    


(56)

Dear Crush,

Sobrang sakit ng ulo na parang pinupukpok ito ng martilyo. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko na medyo mahapdi pa. Napatingin ako sa may bintana at napagtantong umaga na pala. Inilibot ko rin ang mata ko sa buong kwarto at parang nanibago ako. Iba rin yong amoy nong kama. Naamoy ko na ito eh. Tama, ganito yong amoy mo palagi. Teka?!

May narinig naman akong pagsarado ng pintuan kaya napapikit ako agad. Nagkunwari ulit akong tulog. Amoy na amoy ko yong napakabangong body wash. Shocks! Paano ako nakarating sa kwarto mo?! Dahan dahan kong iminulat ang kabilang mata ko upang silipin kung ikaw ba talaga?! Agad ulit akong napapikit ng makita ko ang sobrang well-toned mong balikat at likod na may tumutulo pang butil ng tubig habang may nakapatong na kulay puting tuwalya sa balikat mo. Fresh na fresh ka kahit likod mo pa lang ang nakikita ko, bagong ligo ka. Nagkakasala na ata ako. Narinig ko ang mga yabag ng paa mo palapit yata sa akin. Kinabahan agad ako.

" Kung okay ka na pwede ka nang umalis. May coffee diyan sa table kung may hang over ka pa." malamig mong sabi. Napamulat naman ako ng mata at agad na umupo sa kama. Wala na akong pakialam kung gulo gulo ba ang buhok ko.

"May nagawa ba ako sa iyo?!" mahinahong tanong ko. Nakatingin lang ako sa iyo habang isinusuot mo yong sando mo. Nang nakita ko na nakahawak ka na sa doorknob eh agad kitang pinigilan. " Please wait lang! Maghihilamos lang ako, madali lang toh! Saan ba ang banyo?!" natataranta kong sabi. Agad ko rin namang pinasok ang banyo ng may makita akong pintuan. Naghilamos lang ako at nagmumog na rin. Tinuyo ko ang mukha ko gamit yong suot na damit ko habang lumalabas ako ng CR.

" Pwede bang ibaba mo yang damit mo?! Paano na lang kung ibang lalaki ang nakakakita ngayon sa iyo?! Malamang nabastos ka nanaman." napatigil naman ako ng bigla kang magsalita. Hindi ka makatingin sa akin at tila naiilang ka. Napagtanto ko na konti na lang eh makikita na pala yong pang-ilalim ko sa damit. Agad ko itong ibinaba.

" Ah a-ano paano ako napunta rito?!" ang tanging naaalala ko lang eh nong humingi ako kay kuyang bartender ng maiinom dahil nauuhaw na ako. Then wala na.

" Tss. Naglasing ka lang naman kagabi. Nakipagsayaw sa isang manyak at mukhang adik na lalaki sa bar. At habang kinakaladkad kita palayo don sa lalaki eh nagpupumiglas ka pa at kung ano ano pa ang sinabi mo. Tapos sinukahan mo pa ako at ayaw mo nang kumalas sa pagkakayakap sa akin. That's why andito ka ngayon." hindi pa malinaw sa alaala ko lahat ng nangyari sa akin kagabi eh malakas ang pakiramdam ko na totoo yong sinabi mo.

" Sorry na. At tsaka bakit ba pinagtaguan mo ako kahapon?!" nakasimangot kong sabi. Napabuntong hininga ka naman at tumingin sa akin ng diretso.

" Ano bang pumasok sa kokote mo at pumunta ka don sa bar na yon huh?! " medyo may pagkairita mong sabi. Napatungo naman ako.

" Sabi kasi nila masaya raw sa bar eh. Tapos nakakatanggal daw pansamantala ng kalungkutan at problema. Eh namomroblema ako sa iyo kahapon kung bakit hindi kita makita kaya sumama ako don kay Dana." pagpapaliwanag ko sa iyo.

" Bakit mo pa ako hahanapin?! Di ba magkasama kayo nong boyfriend mo kahapon. I saw how the two of you kissed." pumungay ang mga mata mo at napuno ng kalungkutan.

" Hindi niya ako nahalikan kasi agad ko siyang nasampal! Hindi ko siya boyfriend dahil may mahal akong iba at hindi siya yon! " sigaw ko sa iyo. Ginulo mo naman ang buhok mo.

"Akala ko ikaw na yong pupuno sa aking buhay. Hindi pala. Mahirap pala talagang magmahal sa tao g hindi mo mahal." pinihit mo yong doorknob at lalabas ka na sana pero agad kitang hinila pabalik. Hindi na ako nakapagpigil dahil agad kitang hinalikan. Alam kong nagulat ka sa ginawa ko. Sobrang pakiramdam ang dulot nito sa sistema ko. Agad rin akong bumitaw at parehas tayong naghahabol ng hininga. Nakatitig lang tayo sa isa't isa.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon