(44)
Dear Crush,
Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong bakasyon. Madalas pa rin ang pagdalaw ni Rence sa bahay na ikinakatuwa ni grandpa. Pero hindi ko nilalabas dahil naiinis ako sa kanya. Lalo na nong nagsuggest siya na pwedeng magkapareho na lang kami ng university na papasukan. Kung saan daw ako mag-aaral eh doon na rin siya mag-aaral. Mabilis naman itong sinang-ayunan ni grandpa.
" Good luck sa first day, Chesca! " sabi sa akin ng mga pinsan ko. Papasok sila sa trabaho nila samantalang ako naman ay papasok sa school. Sa kanilang lahat si Hanz lang hindi masyadong busy dahil magaling siya pagdating sa trabaho kaya siya ang palagi kong nilalapitan at nakakausap. Lumapit ako kay Hanz.
" Ikaw ba maghahatid sa akin?!" tanong ko sa kanya. Ayokong ihatid naman ako ni Lio dahil buong bakasyon ay palagi niya akong pinagtutulakan kay Rence na bigyan ko raw ng chance.
" Uy Rence! Sakto lang ang dating mo, ready na si Chesca! " sabi ng mga pinsan ko maliban kay Hanz na always tahimik. Napalingon naman ako at napakunot na lang ng noo.
" Goodmorning! Tara na?!" nakangiti niyang sabi sa akin. Inirapan ko lang siya at humarap muli ako kay Hanz.
" Tara na Hanz, baka malate ako sa first day of class eh!" sabi ko kay Hanz at binalewala ang presensya ni Rence sa harap ko. Hindi ko siya tinatapunan ng tingin dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi niya noon.
" Andito ka na pala Rence! Ingat ka sa pagdadrive ha?! Kasama mo ang prinsesa namin." sabi ni grandpa na biglang sumulpot at tinapik si Rence sa balikat. Tiningnan naman ako ni Hanz at tumango na lang siya sa akin.
" Oo naman po makakaasa kayo! I'll take care of her! " magalang at may pagmamalaki na sabi ni Rence. Humarap naman ako kay grandpa.
" Si Hanz po ang maghahatid sa akin o kaya kahit sinong driver diyan." sabi ko kay grandpa.
" Nakapagpaalam na si Rence sa akin apo na siya na ang makakasabay mo sa pagpasok sa school kaya umalis na kayo bago pa kayo malate." sabi niya sa akin. Nagpaalam naman ako sa kanila at sumunod na lang sa gusto nilang mangyari. Mababakas ang tuwa sa mukha ni Rence samantalang ako ay daig pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hindi na ako nagreklamo pa. Gusto ko nang makalayo sa kanya.
" Araw araw ka bang meron?! Ang init ng dugo mo palagi! " natatawa niyang sabi. Inirapan ko siyang muli at inabala ko ang sarili ko sa labas ng bintana. Hindi ko siya pinapansin kahit na anong sinasabi niya na kung ano ano.
Nang makarating na kami ay hindi pa niya binubuksan yong sasakyan kaya hindi ako makababa. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nakatingin sa akin ng seryoso.
" Wala ba talagang pag-asa?!" seryoso niyang sabi. Nakatingin lang siya sa akin na parang gusto na yata akong tunawin sa titig niya. Ayan na lang palagi ang tinatanong niya sa akin na isa lang palagi ang tangi kong sagot. Alam naman niya wala talaga dahil hindi ko kayang buksan ang puso ko para sa iba. Nasa iyo kaya ang kalahati na siyang susi sa puso nating dalawa para mag-isa.
" Matagal ko nang sinabi sayo ang sagot diyan! At matagal mo na rin namang alam na wala talaga! " sigaw ko sa kanya. Hinampas naman niya ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha rito. Ginulo niya ang buhok niya at hindi ko malaman kung nagagalit ba siya o ano. Napatingin ako sa wrist watch ko. " Pwede bang buksan mo na ito?! Malilate ako sa first class ko! " sigaw ko nanaman sa kanya. Nang buksan niya ito ay mabilis akong lumabas at naglakad papasok. Hinanap ko kaagad kung saan ang room ko at nang makita ko na ay agad akong pumasok dito. Nagtinginan sa akin ang mga magiging kaklase ko pero nandon lang ako at naupo sa bakanteng upuan sa dulo. Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Rence. So magkaklase pala kami.