(30)
Dear Crush,
Hindi ako makatingin sayo at sa tuwing tumitingin ako ng hindi sinasadya ay agad din akong nag-iiwas. Nang maglabasan na ay nagpaalam lang ako kay Krea at tuluyan na ring nakisabay sa mga kapwa ko estudyante sa paglabas. Ang lungkot pala ng buhay ko kapag wala ka. Mag-isa lang akong maglalakad at wala pa akong kausap.
" Eca! Uuwi ka na?!" nagulat naman ako ng bigla nalang ulit sumulpot si Rence sa gilid ko.
" Ah oo." sagot ko. Ngumiti siya at parang ang saya saya.
" May date ka na ba sa Senior ball.?!" nakangiti nitong tanong. Ni hindi ko na nga maalala na may senior ball pala.
" Ah..." nangapa ako ng salita. Hindi ko alam kung may date ako kasi siya palang naman ang nagtatanong at parang ayoko namang pumunta doon.
" Kung wala pa..." bigla siyang lumuhod at nagulat naman ako sa ginawa niya.
" Will you be my date?!" hindi ako makapagsalita. Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang mata ko ng makita kita. Malungkot ang mga mata mo na nakatingin lamang sakin. Diretso at sobrang seryoso." Ah, Rence sorry. P-pero may date na ako." pagpapaumanhin ko. Tumayo naman siya na parang bigo ang itsura at pilit na ngumiti. Wala akong date, yan ang totoo.
" Ang swerte naman ng lalaking yon. I hope I can be that man!" nakangiti niyang sabi na alam kong peke naman ang ngiti na yon. Hindi siya pwedeng maging ikaw dahil nag-iisa ka lang.
Nang lumingon ako sa kinatatayuan mo kanina lang ay wala ka na ngayon. Hinanap ka ng mga mata ko pero wala." Mauna na ako, Rence." nauna na akong maglakad at inabala ko ang sarili ko sa pag-iisip ng magagandang bagay. Katulad ng pagkakaroon ng crush ko sayo nong elementary. Hayyss.
Nang pumasok ako kinabukasan ay puro kulay pula ang nakita ko. Ang mga students ay mga nakapula at mukhang ako lang ang hindi na-inform. Nakauniform ako at sila nakared tshirt. Yong iba may mga flowers pa. Nang pumasok ako sa room ay namumula talaga. Ano bang meron?!
"Happy Seniors Ball, Eca!" salubong sakin ng mga kaklase natin ng makapasok na ako sa room.
" Anong meron ngayon?! " nagtatakang tanong ko.
" Senior Ball na kaya bukas ng gabi at bago magkaroon ng ball may program muna. Mamaya may mga games sali tayo." sabi ni Krea na inaayos ang bulaklak sa gilid ng tenga niya.
" Okay na kayo ni Grio?!" biglang tanong ko.
" Oo, hindi naman tumatagal ang away namin. Usap lang then ayon magkakaayos na kami." tumingin naman siya sakin. " Actually gusto ko talagang magkaayos kami para siya yong partner ko sa ball. Hindi ko ata kaya na iba ang kadate niya.!" parang yong nangyari lang sakin kahapon. Magkasama lang kayo ni Tacey pero naiinis na ako, ano pa kaya kung magkadate kayo?! Natigil ako sa pag-iisip ng bigla akong tapikin ni Krea.
" Guys! Magsisimula na yong game! Punta na tayo sa quadrangle! " sigaw nong mga kaklase natin. Hindi pa kita nakikita at oo umaasa ako na yayayain mo ako. Umaasa ako na maaayos toh! Hindi ko pala kaya. Parang ang laki ng parte ng buhay ko ang nawala.
Nagtungo kami sa quadrangle at sobrang daming estudyante. May iba na sobrang iingay. Naupo kami at nakita ko yong ilang kaibigan natin. Nagngitian lang kami at nagbatian.
Unang game ay yong mga ginupit na puso mula sa cartolinang pula na ginupit sa gitna. Ang kabilang bahagi ay inilagay sa table na nasa right side at yong kabilang bahagi ay nasa left side. Ang kailangan lang gawin ay kukuha ang mga girls ng iisang piraso sa mga hinating puso na nasa right side at left side naman ang boys. Kailangan lang mahanap kung sino ang nakakuha nung kalahati ng puso na nakuha mo at kapag napagpair niyo yong heart kayo ang panalo.
