(14)
Dear Crush,
"Bakit naman ako magseselos?" medyo mataray na sabi ko sayo. Pero ang totoo, sobrang nangangatog na ang tuhod ko.
"Your statements sounds like that!" ngumiti ka pa ng nakakaloko at mukhang wala lang sayo kung malapit ang mukha natin sa isa't isa. Pero ako naiilang na ako sa distansya nating dalawa.
"Asa!" tinulak kita sa balikat mo kaya medyo napaatras ka.
"Aminin mo na kasi!" natatawa mong sabi sakin. Todo iwas naman ako ng tingin sayo dahil kinakabahan talaga ako.
"Ewan ko sayo hindi ka pa rin nagbabago!" lumakad na ako palayo sayo pero hinabol mo ako.
"Hindi talaga nagbabago ang pagtingin ko para sayo." natigil naman ako sa paglakad dahil sa sinabi mo.
Sana hindi mo lang ako pinagtitripan. Sana kasi totoo na lang at wala nang biro.
"Wag mo nga akong ipagtripan." lumakad ulit ako pero this time hinawakan mo yong palapulsuhan ko at iniharap mo ako sayo.
Yong tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera. Yong parang tayong dalawa lang ang tao dito sa loob ng gym, parang may sarili tayong mundo kapag ikaw ang kasama ko.
"Hindi ko kaylanman ipagtitripan ang isang katulad mo. Oo madalas dinadaan ko sa biro ang lahat, pero ang may mga bagay talagang dapat sineseryoso. At yon ay ang damdamin ko para sayo." hindi ako makapagsalita dahil parang umuurong nanaman ang dila ko. Hindi rin ako makahinga ng maluwag dahil sa mga sinabi mo.
Pero dapat hindi agad ako maniwala sa mga sinasabi mo dahil alam ko na madalas ka lang talagang magbiro at sa akin pa. Isa lang akong nakababatang kapatid para sayo. Kinikilig talaga ako sa mga sinasabi at ginagawa mo para sakin. Parang sobrang special ko kapag ikaw ang kasama ko. Pero ayokong umasa. Baka lalo lang akong masaktan.
"Tigil tigilan mo ako ng mga kalokohan mo!"
Habang naglalakad tayo palabas ng school ay tawa ka pa rin ng tawa dahil sa mga korny mong linya sakin. Kahit korni naman eh mabenta pa rin sakin. Pinipigilan ko lang ang sarili kong kiligin sa mga banat mo dahil panigurado aasarin mo nanaman ako.
Nang makarating na tayo sa may gate ay medyo nalungkot na ako dahil uuwi ka na at matatapos na ang araw na to.
"Bye-" pinutol mo agad ako ng akmang magsasalita.
"Hatid na kita sa inyo." natulala nanaman ako sayo.
Yong buhok mo na kahit walang hair wax at magulo ay bagay na bagay sayo. Yong masayahin mong mata na parang laging nakangiti. Yong kilay mo na laging kumukunot kapag naaasar ka na. Yong labi mong madalas ay may mapaglarong mga ngisi. Every single part of you is perfect.
"Tititigan mo na lang ba ako?!" nakataas kilay mong tanong at samahan mo pa ng ngiti mong pang-asar. Napatalon naman ako sa biglaan mong pagsasalita.
"May muta ka kasi." sabi ko at naniwala ka naman kaagad kaya kinuha mo yong panyo sa bag mo habang ako ay tawa naman ng tawa sayo. At least nakalusot ako sa pang-aasar mo.
"Ano okay na ba?!" nagpapanic mong tanong.
"Okay na."
"Lakarin na lang natin pauwi, tutal malapit lang naman ang street natin dito." tumango na lang ako at pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko.
Nagdiriwang ngayon ang mga paru paro sa tiyan ko. Nakakakilig isipin na muli kitang makakasabay pauwi katulad dati. Tapos dalawa lang tayo at para tayong nagdidate. Ang sarap mag-imagine ang saklap naman ng realidad.
"Baka magalit girlfriend mo kapag nakita ka niya na kasabay ako." tiningnan mo ako ng mataman at tiningnan ng nakakaloko nanaman. Para bang joke yong sinabi ko sayo.
"Papagalitan mo yong sarili mo?!" natatawa mong sabi at naguluhan lang ako.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Eh kasi ikaw lang naman ang girl best friend ko at wala na akong ibang girlfriend na maituturing. Pero alam mo mas maganda siguro kung ilagay natin sa unahan yong 'best' para maging best girlfriend." hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Malakas ang kutob ko na binibiro mo lang ako pero yong puso ko parang naniniwala na sayo.
"Puro ka talaga kalokohan!" bulyaw ko sayo.
"Pero aminin mo nagselos ka sa pinsan ko noh?!" natigil naman ako sa paglakad at humarap ako sayo.
"Sinong pinsan!?" nakakunot noong tanong ko.
"Si Krea." simple mong sagot.
"So ibig sabihin, magpinsan lang kayo? Pero ang sabi ni Grio,........" nakaramdam ako ng inis kay Grio dahil naisahan niya ako. Ang sabi niya ikaw ang bagong boyfriend ni Krea.
"Tinulungan mo siya dahil nagseselos ka samin ng cousin ko?! Huh?" pang-asar mong sabi kaya parang nag-init ang mukha ko.
Ang bilis mong hulaan lahat ng ginagawa ko kaya di na siguro ako magugulat na isang araw alam mo na na crush kita.
"Tumigil ka nga! Tinulungan ko siya dahil kailangan niya ng tulong ko. At hinding hindi ako nagseselos.!"
Nauna akong maglakad ng mabilis sayo dahil tinatago ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya, huling huli mo ako lagi.
"Uy! Sorry na, kung hindi man yon totoo edi hindi. Huwag ka lang magalit sakin." parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi mo.
Nakasunod ka lang sakin habang naglalakad tayo. Hindi ko mawari kung bumibilis ba ang tibok ng puso ko nang dahil sa paglalakad o nang dahil sa mga binibitiwan mong salita?!
Kapag ginagawa mo ang mga ganyang bagay, hindi mo lang alam kung gaano katindi ang epekto nito sakin. Lalo akong nagkakacrush sayo, lalo kitang hinahangaan.
"Eca, galit ka ba?! Okay sorry na kung naiinis ka na sa mga sinasabi ko. Please namimiss lang talaga kita." seryoso mong sabi mula sa likod. Gusto kong sabihin sayo na ganon din ako, namimiss na rin kita ng sobra. Pero ayoko muna. Baka magkamali ako.
Muli kitang hinarap at nakita ko ang seryoso mong mga mata na nakatingin lang sakin. Ang labi mo na bahagyang kumukurba na para bang gusto mong magsalita pero pinipigilan mo lang.
Tahimik ang paligid at tanging pintig lamang ng puso ko ang aking naririnig. Ang mga paru paro sa akin tiyan ay hindi matigil sa kanilang pagdiriwang.
"Hindi ako galit sayo" nginitian kita at tumalikod na ako sayo "Hindi ako galit, sadyang naiilang lang ako kapag kasama ka kasi nga............ crush kita at miss na miss ko na ang lahat." mahina kong sinabi ang huling lintanya ko.Sinadya ko yon.
"Anong sabi mo?! Wag ka ngang bumulong diyan! Sabihin mo sakin lahat ng gusto mong sabihin, makikinig ako Eca." pumunta ka sa harapan ko at iniangat mo ang baba ko. Pilit mong pinagtatapat ang tingin natin. Parang kinukuryente nanaman ako lalo na at hawak hawak mo ako.
Nang hindi na ako makaiwas sa tingin mo ay bumilis pa lalo ang pintig ng puso ko. At grabe grabeng kaba ang hatid nito sa aking sistema.
"Come on ,talk." seryoso pero may pagkamalambing mong sabi sakin. Hindi na maalis ang kaba na aking nararamdaman.
"Na-Namiss kita ng sobra." may halong kaba kong sabi sayo.
Gumuhit ang ngiti sa labi mo at nag-init agad ang pisngi ko. Agad akong tumakbo palayo sayo habang nakatulala ka pa sa kinatatayuan mo.
Hindi ko akalain na makakaya kong sabihin yon ng harapan sayo. Grabeng kaba.