(52)
Dear Crush,
" Di ba ang sabi ko sa iyo, antayin mo na lang ako don?!" bulyaw ko sa iyo habang lumalabas tayo.
" Naiinip na kasi ako eh. At tsaka okay lang naman yon."simpleng sagot mo.
" Paano mo nga pala nalaman kung saan ang room ko?! " mataray kong tanong sa iyo.
" Hoy Miss maingay, baka nakakalimutan mo na ako lang naman ang may ari ng beach resort na ito. Kaya pwede kong alamin kung saan ang room mo! " pagmamayabang mo. Napatungo na lang ako. Shocks! Bakit ba madalas ang pagkapahiya ko ngayon?!
" O edi ikaw na!" tanging nasabi ko.
" Hindi ko talaga alam kung bakit parang sobrang gaan ng pakiramdam ko sa iyo. Yong tipong kumportable ako, sa iba naman hindi. Tapos kanina lang talaga tayo nagkakilala kahit na dalawang beses na tayong nagkita noon." seryosong sabi mo. Naramdaman ko ang pagtigil mo sa paglakad kaya't napatigil rin ako. Humarap ako sa iyo at ngayon ko lang napansin na nakabeach attire ka na. Kitang kita ko ang magandang pagkakadepina ng braso mo sa suot mong sando. At yong katawan mo na sobrang well-toned na bakat bakat sa sando mo. Why are you so hot like that?!
" May sense kasi ako! " sabi ko. Nakita ko naman ang pagngisi mo.
" Sadyang iba ka lang siguro talaga sa ibang babae. Dahil sila madalas itsura ko muna ang titingnan. Pero ikaw napansin ko kanina na hindi ,dahil kung yong kagwapuhan ko ang napansin mo at bigla ka na lang nagkacrush sa akin katulad ng ibang babae hindi mo ako sisigawan ng katulad kanina." nag-iwas nanaman ako ng tingin. Buti na lang at hindi pala masyadong halata yong kaba ko kanina habang kausap kita at nong nagulat ako na ikaw pala ang kameeting ko.
" Sadyang di lang talaga ako naattract sa iyo!" sabi ko sabay talikod ko sa iyo. Nagulat naman ako ng bigla mong hilahin yong braso ko kaya't napaharap ako sa iyo. Konting distansya na lang ang naglalayo sa ating katawan. Labis labis ang aking kaba habang nakatingin lang ako sa dibdib mo. Hinawakan mo ang baba ako at bahagya itong iniangat. Kahit anong pag-iwas ng tingin ko ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ako makatingin sa iyo dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako.
" Now, look at me." seryoso mong sabi. Pilit mong hinahanap ang tingin ko. Nang hindi na ako makawala sa tingin mo ay napatitig ako sa iyo. Parang sobrang peaceful ng lahat. Parang tayong dalawa lang ang nakatayo sa harap ng payapa na dagat at sa ilalim ng matirik na araw na ang mainit na sinag ay tumatama sa ating balat. Sobrang perfect ng lahat. Ikaw at ako. " Now, tell me kung hindi ka pa rin naattract." hindi ako makapagsalita. May mga gusto akong sabihin pero parang may pumipigil dito. " Baka matunaw naman ako niyan." nabalik ako sa sarili ko ng bigla mong pisilin yong ilong ko. Napahawak naman ako rito at napaiwas na lang ako ng tingin.
" Mamasyal na nga tayo, ang dami mong kalokohan diyan." pag-iwas ko sa tanong mo. Nauna na akong maglakad sa iyo. Agad ka rin namang sumunod kaya magkasabay na tayo sa paglalakad sa buhanginan.
Naglakad lakad lang tayo at hindi ako masyadong narelax dahil puro kaba ang nararamdaman ko. Sa tuwing naaabutan kitang nakatingin sa akin napapaiwas na lang ako. Sa tuwing nagbibiro ka parang ang dating sa akin eh totoo. Parang dati lang. Nang makaramdam tayo ng pagod ay bumalik na rin agad para kumain. Tawa ka ng tawa sa akin kasi ang lakas lakas kong kumain. Tapos palagi ka lang nakatitig sa akin kaya naman ganon na lang ako hindi mapakali.
Nang humapon na eh nanood lang tayo ng mga tao na nagtatampisaw sa dagat. Nakaupo lang tayo sa buhangin ng magkatabi. Sa tuwing may dadaang mga sexy na babae grabe sila kung magpacute sa iyo. Grabe kung rumampa sa harap mo at magpapansin. Ngumingisi ka lang samantalang ako ay hindi mapakali dahil may kung ano nanaman akong nararamdaman na hindi maganda. Basta naiinis ako!
