(13)
Dear Crush,
"May sasabihin ako sayo." seryosong sabi ni Grio sakin.
"Ano naman yon." nakangiti kong sabi.
Parang lumulutang pa rin ako ngayon. Sabihan mo ba naman ako kahapon ng 'I miss you' . Kinikilig talaga ako, iba ka talagang magpakilig Ace.
"Alam mo bang kahapon ko pa napapansin yang pagiging lutang mo?" masungit na sabi ni Grio sakin habang naglalakad kami papunta sa room namin.
"Sinabihan kasi niya ako na miss na daw niya ako, grabe tagos yon dito sa puso ko!" kinikilig kong sabi habang yakap yakap ko pa ang libro ko.
"Ah kaya ka pala tulala ka kahapon dahil diyan. " malungkot niyang sabi, nabigla naman ako dahil parang nagdadrama siya ngayon.
"Selos ka noh?! Kasi walang nakakamiss sayo!" halos umusok ang ilong niya sa sinabi ko. Tumakbo na ako papunta sa room. At nanlaki ang mata ko ng hindi ko mabalanse ang katawan ko. Hindi ko naman alam na nakatayo ka pala malapit sa pintuan ng room namin. Kaya ayon natumba ako sa katawan mo.
Doble dobleng boltahe nanaman ng kuryente ang umaakyat sa katawan ko. Mula sa pagkakahawak ko sa dibdib mo. Nakatingin lang ako sayo at nakatingin ka lang rin sakin. Parang walang tao sa paligid at tayong dalawa lang.
Parang minimemorize mo yong bawat parte ng mukha ko. Habang ako nakatingin lang sa mga mata mo.
Yong puso ko parang sasabog na. Sunod sunod na pagtibok ang tangi kong naririnig. Siguro sa lakas ng pintig ng puso ko naririnig mo na rin ito.
"Magtitinginan na lang ba kayo diyan?!" napatalon ako ng marinig ko si Grio.
Inalalayan mo akong tumayo. Mabuti nalang at ganon ang ginawa mo dahil kung hindi baka natumba nanaman ako, nagjejelly nanaman yong tuhod ko eh.
"A-are you o-okay?" tanong mo.
"O-okay lang, s-sorry di k-ko kasi alam na andiyan ka pala." sigurado akong namumula na ang mga pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko ang init nito.
"S-so u-uh mauna na ako, may class pa ako eh." nagtataka ako kung bakit nauutal ka rin.
Tumango na lang ako sayo. Naglakad ka na palayo at nakatingin lang ako sa likod mo.
"Obvious!" sabi ni Grio bago siya umupo sa upuan namin sa likod.
Siguro si Krea ang pinunta mo dito sa room. Pero teka, wala naman si Krea dito. Anong ginawa mo dito sa room.namin?
Nang magkaroon kami ng vacant period ay nagdesisyon akong pumunta sa library sa kabilang building. Si Grio naman ay may gagawin daw kasama ng barkada niya.
Habang naglalakad ako papunta sa library ay nakita kita. Yakap yakap mo si Krea. Then you patted her shoulder. Ngumiti ka sa kanya.
Nagkaroon nanaman ng lungkot sa puso ko. Nasaktan nanaman ako sa nakita ko. Kanina lang pinakilig mo ako tapos ngayon nasasaktan nanaman ako.
Unti unting tumulo ang mga luha ko. Ayoko na talaga. Nasasaktan ako sa tuwing masaya ka.
Tumakbo ako sa Cr at naghilamos. Siguro hindi mo ako magustuhan kasi hindi naman ako maganda tulad ni Krea.
Imbis na pumunta sa library ay bumalik na ako sa room. Hindi rin naman kasi ako makakapagconcentrate sa pagbabasa sa library kung pupunta ako kaya sa room na lang.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang klase. Yong katabi ko naman na si Grio nakakatitig lang kay Krea. Napansin ko rin ang mga ngiti niya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya ng palabas na ako sa room pagkatapos ng klase.
