(61)
Dear Crush,
May mga bagay lang talaga sigurong nangyayari kahit hindi natin gustong mangyari. May mga bagay rin na kahit anong pilit natin hindi mangyayari. At madalas kung saan tayo masaya madalas naman na panandalian lang ito.
Kapag sa simula't sa simula nakatutok na ang buong atensyon mo sa isang bagay lang na gusto mong mangyari mahirap na itong iwasan at kalimutan. Lalo na kung tumatak na ito sa iyong puso at isipan mahirap na talagang kalimutan.
Akala ko noon madali lang pumasok sa isang relasyon basta mahal na mahal ng dalawang tao ang isa't isa. Akala ko sapat na ang pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal mo sa isang tao para maging masaya kayong dalawa. Akala ko basta't masaya kayo parati nang masaya at sabay niyong haharapin ang bawat problema na dumadating. Ang tagal kong naghintay Parts ko. Ang tagal kong nagtiis na malayo sa iyo kahit na sobrang sakit at kahit na madalas kitang namimiss. Kahit malayo ako sa iyo ikaw lang ang laman ng puso at isip ko, wala akong ibang pinapapasok doon kasi para sa akin ikaw lang ang nagmamay-ari non. Ikaw lang ang may hawak ng susi ng puso ko na kahit na sino ay hindi kayang buksan.
Akala ko hindi na ako masasaktan kasi natupad na yong pangarap natin na matagal na nating hinihintay nasa musmos na edad pa lamang tayo. Akala ko lang pala. Napangiti ako ng mapakla habang naglalakad papunta sa park. Sa park kung saan ang dami mong pinangako sa akin bago tayo maghiwalay noon. Magaling ka na sa sakit mo at masaya ako doon. Ngayon ako naman ang may sakit, ang sakit na ng puso ko Parts ko.
" Ay hindi na pala kita Parts ko, kasi wala na palang tayo." sabi ko habang patuloy na lumalandas ang luha sa pisngi ko.
Bakit naman kasi ang bilis?! Ilang buwan palang simula nong maging tayo. Tapos nakipaghiwalay ka kaagad sa akin. Siguro tama ka, tigilan na natin kasi masakit na. Hindi na maganda dahil sobrang nakakasakit na.
Kapag ikaw naman sinusunod ko naman ah?! Kapag sinasabi mo na huwag akong makipag-usap sa ibang lalaki ginagawa ko naman ah?! Kahit makipagngitian lang ako sa kanila kahit kaibigan ko naman pinipigilan mo rin ako, sinusunod ko naman ah?! Ano pa bang kulang?!
Naging selosa ba ako masyado kaya't hindi ko namamalayan na nasasakal ka na?! Nasasakal na rin naman ako ah?! At dahil doon ang sakit sakit na! Nakita mo ba akong kayakap ang ni isa sa mga kaibigan kong lalaki?! Di ba hindi?! Nakita mo na ba akong nakipagkiss sa lalaki?! Syempre sa iyo lang, at wala ng iba pa. Sa iyo lang ako nangarap na ikaw lang ang kasama ko habang ako'y nabubuhay.
" Umiiyak ka nanaman Eca. Tama na, tigilan mo na. Mahirap na, at sobrang sakit pa...." hindi ko maiwasan ang panginginig ng boses ko habang kinakausap ang sarili ko.
Naupo ako sa bench at pinunasan ko na yong luha ko kahit na wala itong tigil na lumalandas sa pisngi ko. Napatingin ako sa langit na madaming bituin. Kumikislap sila na tila ba kaysaya nila. Napangiti na lang ako.
" Siguro pinaglalaruan nanaman ng tadhana ang buhay ko. Sanay na ako pero hindi ko maiwasang hindi masaktan. Lord, tulungan niyo naman po ako oh! Pagod na po akong masaktan ng paulit ulit ng dahil kay Ace. Hindi ko na po alam kung sino o anong mali sa amin." umiiyak kong sabi.
Gabi na pero hindi ito alintana. Gusto kong hanapin ang sarili kong nakulong sa iisang mundo. Ang sarili kong nakulong sa bawat pangako mo at pagsasabi mo ng 'I love you' sa akin. Hanggang kelan mo ba ako sasaktan?! Hanggang sa tuluyan nang maging manhid ng husto ang puso ko?!
Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Basag talaga ang puso ko! Pero kailangan kong maging matatag at bigyang atensyon naman ang sarili ko. Puro na lang kasi ako Ace ng Ace eh. Puro ikaw ang laman ng buong pagkatao ko na parang hindi ka na mawawala sa sistema ko. Kung nanghihinayang ka at ayaw mo pang makipaghiwalay sa akin kanina eh di dapat sinundan mo ako. Dapat hindi mo hinayaang mangyari yon kasi alam mo naman na masasaktan ako ng sobra. Pero mukhang wala na. Mukhang nagsawa ka na. Mas pinahalagahan mo yong kaibigan mong higad kesa sa bestfriend mo since childhood days na naging girlfriend mo. Palagi mo pang sinasabi na ako ang magiging asawa mo balang araw pero hindi rin pala matutuloy.
