Part 17

8 4 0
                                    


(17)

Dear Crush,

Masayang masaya ako ng lumabas ako sa classroom dahil goal accomplished ang nangyari, naperfect ko lang naman ang mga exams. I'm sure Papa will be proud of me.

Naglakad ako patungo sa tapat ng room niyo upang ibalita sayo ang magandang nangyari. Nakangiti akong naglalakad.

Nang nasa tapat na ako ng room niyo ay sumilip ako sa may bintana. Nakita kita na seryosong nagsasagot sa test paper. Kumukunot ang noo mo sa harap ng test paper. Ang gwapo mo pa rin kahit seryoso kang nakaupo.

Nanlaki ang mata ko ng bigla kang lumingon at bakas ang pagtataka sa mukha mo. Siguro ay dahil ngayon lang ako pumunta dito sa may room mo. Nakita ko ang agad na pagpasa mo ng test paper sa teacher at dali dali kang lumabas.

Wrong move! Dapat pala inintay na lang kita sa room. Naistorbo ko pa ata ang pag-eexam mo. Nawala ang ngiti sa labi ko aat napalitan ito ng pag-aalala na baka hindi mo nasagutan yong iba.

"Oh, nangyari sayo? Kanina lang nakangiti ka tapos para saan yang mukha na yan?!" nagtataka mong tanong sakin ng makalabas ka na ng room.

"Bakit ka kasi lumabas?!" sabi ko. Lalo ka namang nagtaka.

"Anong gusto mo, hindi na ako aalis sa room na yon?!" pang-asar mong sabi.

"Paano kapag bumagsak ka at hindi mo pa yata sinagutan yong iba sa pagmamadali mong lumabas?!" naiinis kong sabi sayo pero nginitian mo pa ako na para bang sobrang nakakatawa ng mga sinabi ko.

"Uuuy, gusto niya rin akong maging kaklase next school year!" panunukso mo dahilan para uminit nanaman ang pisngi ko.

"Tigilan mo ko ng mga kalokohan mo sa buhay! " sigaw ko sayo.

"Aminin mo muna.!" panunuya mo pa kaya lumakad na ako papunta sa kung saan. Naramdaman ko naman ang pagsunod mo at nasa right side na nga kita. Nakangiti ka at parang sobrang saya mo.

"Bakit ka masaya?!" tanong ko sayo at katulad kanina ngiti nanaman ang una mong sagot. Bakit ba ang pogi mo sa simpleng ngiti na yan?

"Kasi namumula ka nanaman-" hindi kita pinatapos dahil binatukan na kita at napahawak ka naman sa batok mo na kunwari ay iniinda ang sakit ng batok ko. "Ang brutal mo talaga! " sigaw mo sakin pero hindi pagalit.

"Bakit ka nga masaya?!" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"Eh kasi masaya ka."

"Ano namang  connect non sa kasayahan mo?!" follow up question ko.

Lumapit ka sakin as in yong sobrang lapit kaya parang kakapusin ako ng hininga. At parang sirang plakang nagwawala ang puso ko sa sobrang lapit mo.

Ipinatong mo ang braso mo sa balikat ko. Akbay in short. Kelan mo ba ako huling inakbayan? Parang hindi na ako sanay dahil naiilang na ako. Parang hindi na friendly gesture ang dating nito sa akin. Dahil sa tuwing magkakalapit ang distansya nating dalawa bumibilis na ang tibok ng puso ko.

"Because you're my happiness ." nakangiti mong sabi. Parang nabingi ako. Parang panaginip lang ata toh.

Natulala ako sa kawalan. Hindi pa napaprocess ng utak ko ang sinabi mo.

"So ,how about you? What's the reason of that smile?!" natigil ang malalim kong pag-iisip ng magsalita ka.

Naalala ko nanaman na naachieve ko yong goal ko. Perfect exams!

Napangiti ako at tumingin ako sayo para ibalita ang nangyari. Ngumiti ka pabalik sakin.

"Perfect ako sa mga exams ko!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap kita sa sobrang tuwa. Medyo napaatras ka pa dahil sa bilis ng pangyayari.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon