(53)
Dear Crush,
Masaya akong naglakad papunta sa kwarto ko. Sobrang gaan gaan ng pakiramdam ko. Kaya pa nating ipagpatuloy ang naudlot nating lovestory na nagsimula rin sa matibay na friendship. Tiwala lang Ace, okay lang sa akin kung hindi mo ako maalala at least ngayon pinaparamdam mo naman sa akin ang mga bagay na ipinaparamdam mo noon.
Papasok na sana ako pero natigil ako nang makita ko si Dana na nakasandal malapit lapit sa door nong kwarto. May kausap siya sa cellphone. Hindi ko naman sinasadya na marinig dahil sobrang lakas ng boses niya.
" Yes po Sir. Actually mukhang masaya po si Ma'am ngayon. Kung noong unang pagkikita po namin eh mukha siyang namatayan aba kanina po sobrang kabado naman at halata na masaya siya." tumatangong sabi niya. Nanliit naman ang mata ko sa narinig ko. I place my arms over my chest while standing in front of the door. " Ay naku opo, hindi naman po niya napansin eh. At tsaka kailangan nga po niya ito, para makapagpahinga naman siya." bahagya siyang tumigil at tumawa. " Opo, ah sige po, baka dumating na po si Ma'am Chesca. Bye po." ibinaba na niya ang phone niya at nakangiting humarap. Agad namang nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ako na nakatayo sa harap ng pinto. Nasapo niya ang dibdib niya.
" Ma'am kanina pa po ba kayo diyan?!" kinakabahan niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
" Hindi naman masyado." lumapit ako sa kanya at pinanliitan ko siya ng mata.Mababakas naman ang takot sa mukha niya. " Sinong kausap mo?! At bakit parang narinig ko ang pangalan ko?! Anong pinag-usapan niyo?!" sunod sunod kong tanong sa kanya. Binuksan ko naman yong room at pinapasok siya. " Spill! " sabi ko sa kanya.
" Ang totoo po niyan sinet-up lang po kayo ng lolo at pinsan niyo. Ang totoo po niyan nakiusap lang po sila doon sa Papa ni Sir Ace na kung pwedeng magpanggap si Sir Ace na bigating investor, well bigatin naman po talaga siya. Tapos narinig ko po noon na baka daw po magwork ang pagkakanulo sa inyo ni Sir Ace kesa doon sa ginagawa ng lolo niyo para magustuhan niyo si Sir Rence." mukhang kinakabahan talaga siya habang nagkukuwento at napapakamot pa siya sa ulo. " Na-meet na po ng lolo niyo si Sir Ace sa States nong bago pa po ako ipadala dito ng lolo niyo." nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.
" Nagpunta sa States si Ace?!" gulat kong tanong.
" Opo, dahil po sa business meeting nga po niya together with your grandpa. Matagal na pong tapos yong deal na yon na pineke po ng grandpa niyo para ssubukin po niya kung gaano niyo daw po kakayanin ang lahat para lang sa kagustuhan niyong makauwi dito sa Pilipinas. Gusto lang naman ng lolo niyo na makapagrelax kayo dahil masyado po kayong nakafocus sa trabaho nong nasa States kayo. And naisip po ng family niyo na nasa edad na rin kayo to enter a relationship. Baka daw po tumanda kayong dalaga kakaantay doon sa love of your life na-" napangiti naman ako imbis na mainis. Kahit na hindi ko masyadong naintindihan ang mabilisang pagpapaliwanag niya.
" You will know how worth your waiting is at the end of the day when you see the smile in the heart of that someone you wait for a long time. It's all worth it!" nakangiti kong sabi at naupo ako sa kama ko.
" Nasasapian na po ba kayo, Ma'am?!" nagpapanic na tanong ni Dana sa akin.
" Hindi noh! Tss. Pahiram ako ng phone mo! " seryosong sabi ko sa kanya.
" S-sino pong tatawagan niyo?! Please po Ma'am Chesca, huwag niyo po akong isumbong sa lolo niyo. Malapit na rin po akong magpakasal sa boyfriend ko at kailangan po namin ng pera. Baka tanggalin po ako ng lolo niyo kapag nalaman niya na sinabi ko sa inyo." kinakabahan niyang sabi habang iniaabot sa akin ang phone niya.
" Ang OA mo Dana. Hindi naman ako ganon kasama para gawin yon." sabi ko sa kanya. Idinial ko naman ang number ni grandpa.
" Hello, Dana." bungad ni grandpa.