(23)
Dear Crush,Second day ng intramurals natin at ngayon din ang finals sa basketball game. May laro kayo ngayong araw kaya hindi mo ako masusundo.
Nagbihis lang ako at bumaba na para kumain ng agahan at makapasok na sa school para manood ng laban.
Habang kumakain ako ay may narinig akong malakas na busina ng sasakyan sa labas ng bahay kaya natigil ako sa pagkain. Lumabas ako at tiningnan ko kung sino at kanino yong sasakyan na bumusina.
Lumabas ang isang nakangiting lalaki na sobrang gwapo sa kulay itim na sasakyan. Nakatingin siya sakin at lumundag ako sa tuwa ng marealize ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Tindig niya pa lang kilala ko na. I missed this man!
"Hey! Kelan ka pa bumalik?!" masayang tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
"Last day lang, kumusta ka na?! Long time no see!" sabi niya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Ganon pa rin naman, pasok ka! I'm sure matutuwa si Mama at Papa pag nakita ka." sabi ko kay Lio. Pinsan kong lalaki at sobrang gwapo niya na ngayon. Lalong nadepina ang katawan niya. Naging maayos siyang pumorma.
"So kumusta ka naman?! Bakit ka umuwi dito sa Pilipinas?!" nasa States kasi siya lumaki at minsan lang umuwi dito sa Pilipinas.
"Namiss lang kita, at tsaka bakasyon." tipid niyang sabi.
"Kumusta naman sila Tita?!"
"Okay naman, laging busy pa rin sa work. Ikaw kumusta naman ang buhay estudyante?! For sure ang dami mong suitors!" natatawang sambit mo.
Speaking of suitors. Si Ace. May game nga pala ang manliligaw ko 'daw' ngayon.
Naalala ko na kailangan ko pa nga palang mapanood yong game niyo. Anong oras na andito pa rin ako sa bahay. Tumayo ako na tila nagpapanic. Baka magtampo ka kapag di ko napanood. Nagtaka naman ang pinsan ko ng nagmamadali akong tumakbo paakyat ng kwarto. Kinuha ko yong bag ko.
"May pasok ka pala. Di bale matagal tagal naman bago ako bumalik sa States, so we can bond together."
"Oo eh, instrams namin ngayon at kailangan ko pang mapanood yong game nong bestfriend ko. Antayin mo na lang sila Mama diyan. Mauna na ako mamaya na lang tayo magkwentuhan."pagkatapos ay hindi ko na inantay ang sagot niya at lumabas na ako ng bahay.
Nang makarating ako sa gym ay sobrang ingay. Halos umuga ang tinatapakan ko sa lakas ng tilian.
Nakita ko yong mga maibigan natin na malulungkot at medyo galit ang mukha na nakatingin sa court kaya agad kong nilapitan.
"Bakit ngayon ka lang ba?!" tanong nila sakin habang umuupo ako katabi nila.
"Wala naman akong sinalihang laro kaya okay lang na hindi ako maagang pumunta dito. " paliwanag ko pero umiling lang sila.
"Pero yang manliligaw mo, kanina pa walang focus sa laro. Tingnan mo yong scoreboard. Matatalo pa ata ang seniors dahil sa kanya. Kapag nasa kanya ang bola mabilis lang makuha ng kalaban. Hayys" tinuro ka nila at nakita ko na parang wala kang lakas maglaro.Ang laki ng lamang ng kalaban. Tumayo ako at parang naiinis ako sa kinikilos mo. Parang wala kang kalakas lakas. Parang problemadong ewan.
"HOY ACE! KAPAG HINDI KAYO NANALO HINDING HINDI KITA PAPANSININ AT KAKALIMUTAN KO NA NAGING BESTFRIEND MOKO.!" malakas kong sigaw na siyang nagpatahimik sa buong gym.
Napagtanto ko na nasa akin ang lahat ng atensyon nila. Uminit ang pisngi ko at tila nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko.Umupo ako nang dahan dahan sa bleachers sa sobrang pagkahiya.