Part 51

8 3 0
                                    


(51)

Dear Crush,

" Bakit ka naman nakangiti diyan?!" nagtatakang tanong mo sa akin. Kinabahan ba naman ako agad. Tapos bigla kang ngumisi ng nakakaloko. "Siguro type mo ako noh?!" pang-aasar mo. Umirap naman ako sa iyo para itago ang kakaibang kaba na nararamdaman ko.

" No way highway! Hindi ako magkakagusto sa isang preskong katulad mo! " bulyaw ko sa iyo. Gustong gusto ko nang sabihin sa iyo kung ano ba ako sa buhay mo noon. Kung ano ba tayo noon. Pero hindi na siguro mahalaga pa yon dahil mas matimbang ang tinitibok ng puso natin. Dito natin masusukat kung gaano ba natin kamahal ang isa't isa. Pasensya na kung magiging madamot ako sa iyo. Sorry for being selfish. Mukhang masaya ka ngayon kahit na hindi mo naaalala ang nakaraan.

" Talaga lang huh?!" nakangisi mong wika.

" Talaga! At tsaka taken na po ang puso ko." biro lang yon para sa akin dahil ikaw lang naman talaga sa simula pa lang ang nakabihag ng puso ko. Pero mukhang sineryoso mo. Nagsalubong nanaman ang makapal mong kilay at tsaka mataman akong tiningnan.

" Bakit hindi mo ibaling sa akin ang atensyon mo?! Malay mo makalimutan mo pala siya kapag ako na ang nakasama mo?!" kibit balikat mong sabi at puno ng pagyayabang. Sobra nanaman ang pagpapakilig na dulot mo sa akin. Pinipigilan ko lang aking sarili.

"Bakit kapag nahulog ba ako sasaluhin mo?! " pang-aasar ko.

"Maybe?!" sigurado mong sagot at tumawa naman ako.

" May gusto ka ba sa akin?!" pagbibiro ko at tiningnan kita ng nakakaloko.

" Tss. What do you think?!" panghahamon mo. Nakipagsukatan ka sa akin ng tingin kaya ako na ang unang nag-iwas dahil hindi ko na makayanan.

" Aba malay ko?! Hindi naman ako mind reader at higit sa lahat hindi ako manghuhula! " sarkastiko kong sagot sa iyo.

" Ibang klase ka talaga!" tumatawa mong sabi. Tumingin ka sa phone mo bago ka ulit bumaling sa akin. " May gagawin ka ba after this?!" tanong mo. Nag-isip naman ako kung ano ang isasagot ko. Siguro dito na ulit tayo magsisimula. Let's go back from the starting point. " Hey! " sabay pitik mo nong daliro mo sa hangin sa harap ko kaya napapitlag ako sa inuupuan ko.

" Wala naman. Balak ko lang magliwaliw dito. Nitong mga nakaraang taon, buwan at araw kasi eh stress na stress ako." pag-amin ko. Kumunot naman ang noo ko ng bigla kang tumawa. Namiss ko yong pagtawa mo, walang katulad. Napakasaya ko nakita at narinig ulit kitang tumawa. " What's funny?!" tanong ko.

" Nothing. How many years you suffer from stress?!" natatawa mong sabi. Dahil naman sayo kaya ko yon naranasan eh. Nang dahil sayo wala na akong time para mag-isip naman ng mga bagay para sa sarili ko.

" Uh I think five years, five years of being alone. The time when we parted our ways because of some problems. But now I'm okay, even though he didn't remember me at least I saw how he is now." sabay tingin ko sa iyo. Okay na ako na nakakausap kita ngayon. Nakikipagtawanan ako sa iyo ngayon like what we did during the old times. And speaking of the old times, lagi mo na lang akong pinapakilig.

" Then forget him! And focussed about the present." may kahulugan mong sabi. " By the way, saluhan mo na muna akong kumain." sabi mo. Nagugutom na rin naman ako kaya wala sigurong dahilan para tanggihan ko pa. Tinawag mo yong waiter at iniabot nito sa iyo yong menu. Nakatingin lang ako sa iyo. Bawat galaw mo, bawat pagkunot ng noo mo, bawat pagkurba ng labi mo ay sadyang nakakamangha at nagdudulot ng kakaibang nararamdaman sa aking sistema. Bakit ang ba sobrang perpekto mo?! Yong tipong kahit saang anggulo sobrang ganda ng view ko sa tuwing tumitingin sa iyo?! " May dumi ba ako sa mukha?!" biglang sabi mo kaya natauhan naman ako bigla.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon