Part 37

13 3 0
                                    


(37)

Dear Crush,

Parang sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang malaman mo at masabi ko sayo ng diretso ang lahat ng nararamdaman ko ay napakasaya sa pakiramdam. Nakangiti akong bumaba galing sa kwarto ko. Walang pasok ngayon kaya nagbabad ako sa kama ko at wala akong ibang iniisip kundi ikaw lang.

" Masaya ka ata 'couz" natatawang pagpuna ni Lio sakin.

" Gosh! Lio, naamin ko na kay Ace! Alam niya na na may gusto ako sa kanya! Ang gaan ng pakiramdam ko! " nagtatatalon kong sabi kay Lio. Binigyan lang niya ako ng weird look at nagtataka sa mga sinasabi ko.

" Well, congrats! Kaya pala sobrang saya mo! Pero paano kaya kung malaman niya na iiwan mo siya?!" nawala naman yong ngiti sa labi ko at saya na nabubuo sa puso ko. Sumalampak ako sa couch at bumusangot ang mukha ko. Tinabihan naman niya ako sa inuupuan ko.

"Panira ka naman eh! Panira ka ng kasayahan ko. Eto na eh nawawala na sa isip ko yong pag-alis ko bigla mo namang isisingit! " nakabusangot kong sabi sa kanya. Nakatingin lang ako sa tv na nakapatay.

" Hindi ko gustong sirain ang masayang pagrereminisce mo sa mga nangyayari. Gusto ko lang ipaalala sayo na darating at darating ang oras na kailangan mo na siyang iwan. Kelan mo ba balak sabihin sa kanya?! " mahinahon niyang sabi. Napuno nanaman ng lungkot ang puso ko. Nag-iinit nanaman ang gilid ng mga mata ko at anytime pwedeng magpapakawala nanaman ng luha ang mga mata ko.

Nakakainis naman! Kung pwede lang na hindi ko sundin ang grandpa ko ginawa ko na. Edi sana walang problema. Sana wala akong itinatago sayo na ganito. Sana hindi kita masasaktan at hindi rin ako masasaktan katulad ng nararamdaman ko ngayon. Hindi madali eh.

" Hindi pa ako ready eh. Mahirap ang nasa sitwasyon na ganito. Hindi madali ang lahat na kaya ng kaya kong talikuran. Ang haba na kasi ng pinagsamahan namin eh. Parang hindi na kami kayang paghiwalayin ng kahit ano." tuluyan ng lumandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunas ko kaagad ito at humugot ako ng malalim na hininga.

" Kelan ka magiging ready?! Alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Napamahal ka na sa taong yon eh. Pero dapat handa ka sa mga mangyayari, kung kayo kayo talaga." naiiling niyang sabi sakin. Umiiyak pa rin ako at yakap yakap ko ang throw pillow na hawak hawak ko kanina. Mabuti na lang at may mga taong napapaglabasan ko ng ganito dahil kung wala siguro, matagal na akong sumabog sa lahat ng bagay na ito.

Agad kong pinunas ang mga luha ko ng makarinig kami ni Lio ng doorbell. Nagkatinginan muna kami tsaka siya sumilip sa bintana kung sino yong nasa labas.

" Si Ace, ayusin mo yang mukha mo. Halata kang bagong iyak! " sabi niya sakin bago buksan ang pintuan at naglakad papunta sa may gate. Tumakbo agad ako sa CR para maghilamos. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at medyo namumula pa ang ilong ko. Naglagay ako ng pulbos sa mukha bago ako bumalik sa sala.

Sinalubong mo ako ng masaya at may matamis na ngiti. Umupo naman ako katabi mo at nginitian ka rin. Inalis ko muna sa isip ko ang bagay na ikinakatakot ko. Dapat ikaw lang muna ang isipin ko.

" Anong ginagawa mo rito?! Mukhang may lakad ka ah?!" pagpuna ko sa suot mo. Nakamaong pants at v-neck na shirt. Magulo ang buhok pero bagay pa rin. Ang bango mo pa at fresh na fresh. Compare sakin na mukha na atang dugyot.

" May lakad tayo." nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

" Tayo?! You mean kasama mo ako?!" tumango ka naman ng nakangisi. " Bakit di mo sinabi sakin agad?! " natataranta kong tanong.

" Sobrang saya ko kasi nakalimutan ko nang sabihin sayo. Pero di ko naman nakalimutang sabihin kay Tito at Tita. Kaya mag-ayos ka na. Take your time." sabi mo. Tumayo naman ako agad at pumunta na ako sa kwarto ko.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon