(38)
Dear Crush,
Nag-asaran, tawanan at kung ano ano pa ang ginawa natin dito sa park. Inabot na tayo ng gabi. Malamig na ang simoy ng hangin at tanging ilaw na nagmumula sa mga poste sa paligid ang nagbibigay liwanag. Nakaupo lang tayo ng mapagod na.
" Eca, tanong ko lang sayo. Bakit minsan biglaan na lang ang pag-iwas mo sakin?! Kahit na wala naman akong masamang ginagawa?!" bigla kang nagsalita sa gitna ng katahimikan sa pagitan nating dalawa.
" Ahh, kasi ano eh." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nahihiya ako. Inuunahan ako ng hiya. Baka kasi tawanan mo lang ako. Ang babaw kasi ng dahilan ko.
" Sabihin mo para kung may mga ginagawa man ako na ayaw mo eh maitigil ko 'wag mo lang akong iwasan kasi ang hirap kaya ng ganon." tumingin ako sa langit na puno ng bituin. Ang ganda ng kislap ng mga ito. Wala na sigurong rason para itago ko pa yong mga ganitong pakiramdam sayo dahil nalaman mo na nga na may lihim akong pagtingin hindi mo naman ako tinawanan sa halip ay sumaya ka pa.
" Mababaw lang naman." sabi ko.
" Kapag mababaw iiwasan mo lang ako paano naman kapag malalim na?! Iiwan mo ako.?!" agad naman akong tumingin sayo. Nabigla ako sa sinabi mo. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha mo.
" Nong hindi ko pa nasasabi sayo na may gusto ako sayo palihim akong nasasaktan. Naalala mo nong bago mag ball?! Iniwasan kita bigla non kasi hindi mo ako sinundo sa bahay tapos maabutan kita sa school na nakikipagtawanan kay Tacey. Akala ko siya yong niyaya mo sa ball. Kaya hindi ko binuksan yong envelop na binigay mo at kaya hindi ko tinanggap yong pagkaing binigay mo kasi naman eh! Nakakaselos kaya kaso palagi ko namang iniisip na wala naman pala akong dapat ikaselos! " nag-init ang mukha ko sa mga pag-amin na ginawa ko. Tinabunan ko ang pisngi ko ng mga palad ko habang ikaw ay tumatawa sa gilid ko kaya lalo lang akong nahiya sa sinabi ko.
" You know what? I like it when you're jealous! " nakangisi mong sabi.
" Seryoso ka?! " nagulat kong tanong. Aba syempre nasaktan na nga ako kakaselos ko yon pala gusto mo! " Ang hirap kaya kapag nakikita kita noon na may kasamang iba! Sobra ang tinatago kong selos. Tapos hindi pa nakakalapit sakin ang ibang lalaki pinipigilan mo na! " nakataas kilay kong sabi sayo. Ipinatong mo ang kanang kamay mo sa kanang balikat ko. Nakaakbay ka sakin.
" Kasi nakikita ko pa lang kung paano sila magkagusto sayo nagseselos na ako. Ano pa kaya kung lumapit na yong mga yon sayo, baka makapatay na ako." nakangisi mong sabi sakin na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Inilapit mo yong mukha mo sa mukha ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Konting distansya nalang ang namamagitan sa ating dalawa. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
Sabay naman tayong napatingin sa itaas ng biglang magkaroon ng fireworks display. Sobrang makulay ng kalangitan at napakaganda nitong pagmasdan. Ito pala yong inintay natin kaya hindi pa tayo umuuwi. Alam mo talaga kung ano ang mga magpapasaya sakin.
" Nagustuhan mo ba?! " tanong mo. Tumango naman ako.
" Sobra! " sabi ko.
" Sobra din ba ang pagkagusto mo sakin?!" napaharap ako sayo sa tanong mo. Natatawa ka pa at hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga tinatanong mo na alam mo naman na ang sagot.
" Umaapaw." sabi ko. Ngumiti ka naman at tumayo. Nagtaka naman ako sa ginawa mo kaya kumunot ang noo ko. Pumunta ka sa harapan ko at nakatingin ka lang sakin. Bigla kang lumuhod sa harapan ko kasabay ng paglitaw ng mga makukulay na pailaw sa langit. May kinukuha ka sa bulsa mo at bumilis naman ang tibok ng puso ko." Hoy Ace! Hindi pa kaya kita sinasagot! Magpopropose ka ba?!" naguguluhan kong sabi. Ngumisi ka lang at inilabas mo ang isang box.