Part 2

18 4 0
                                    


(2)

Dear Crush,

Simula nang araw na nainis ako sayo hindi na kita masyadong pinapansin. Hindi na talaga, literally. Ewan ko ba kung bakit parang ang awkward. Kapag andiyan ka may kakaiba sa akin.

"Eca, bakit parang nag-aaral ka ata ng husto ngayon?" bigla mong tanong habang naglalakad tayo papunta sa room kasama ng mga kaibigan natin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang ang daming nagbago ng dahil sa mga biro mo nong nakaraan. Hanggang ngayon malinaw ko pang naalala.

"Malamang estudyante ako kaya ako nag-aaral." pabalagbag kong sagot ng hindi nakatingin sayo.

"Wooohhh!" sigaw ng nila.

"LQ agad?" natatawa nilang sabi.

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng LQ.

Long Quiz ba?

Long Question?

Nakarating tayo sa room at tumabi ka sa akin. Hindi ko alam kung iniis mo ba ako at nantitrip ka lang talaga. Tumayo ako at lumipat sa tabi ng mga girls na barkada natin. Noon ay sanay na sanay akong sa inyong mga boys tumatabi lalo na sayo.

"Problema non?" narinig kong tanong nila sayo.

Hindi ko na narinig pa ang sagot mo dahil nakipagkwentuhan na ako sa mga girls. Napansin kong nakatingin ka sa akin kaya pinipilit kong huwag tumingin sa direksyon niyo.

Itinuon ko ang isip ko sa pag-aaral kesa isipin ang tungkol sayo. Nagsusulat ako ng lecture na nakasulat sa whiteboard natin ng matapos ang klase. Nagulat ako ng bigla kang lumapit sa akin. Dati naman ay hindi ako kinakabahan kapag malapit ka sa akin, pero kahit malayo ka kinakabahan na ako sa tingin mo pa lang.

"Pahiram ng notebook mamaya ah!" sabi mo. Nagkunwari naman akong isnabera at di ka pinansin. "Uy! suplada ka na ba talaga?" pahabol mo pa.

"Magbati na kasi!" sigaw ng barkada natin sa kabilang row. Hindi ko sila pinansin at patuloy pa rin ako sa pagsulat.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?!" kinuha mo yong ballpen ko kaya natigil ako sa pagsulat. Humarap ako sayo ng may iritadong mukha. Nakakunot naman ang noo mo.

"OO! Kaya umalis ka sa harap ko at wag kang masyadong papansin!" sigaw ko at tsaka ko hinigit yong ballpen ko sayo. Para kang naestatwa sa kinatatayuan mo.

Nagpatuloy ako sa pagsulat hanggang sa matapos yon. Umalis ka rin at pumunta sa mga kaibigan natin. Tahimik lang akong nag-aaral sa isang tabi. Pinipilit kong ipasok sa utak ko ang mga nasa libro pero ikaw ang patuloy na pumapasok dito at parang ayaw nang lumabas.

Nang mag-uwian na ay nilapitan mo nanaman ako.

"Ako na magdadala ng mga books mo!" sabi mo sakin. Yon kasi ang madalas mong ginagawa noon, yong pati bag ko ikaw ang nagdadala.

Inirapan kita at mabilis na naglakad patungo sa mga girls. Hindi ako sanay na nakikinig sa usapan ng mga kaibigan nating babae alam mo yan. Mas intresado ako kapag kayong mga boys ang mga nagsasalita dahil puro kilig ang laman ng usapan don sa kabila. Pero ngayon dapat ko nang sanayin ang sarili ko na sila ang lagi kong kasama kesa sa inyo.

"Eca, sa highschool daw ang daming gwapo!" sabi nila, sa isip ko naman ay anong pakialam ko roon?

"Ah ganon ba?" hindi ko alam kung tama ba yong sagot ko sa kanila kaya napakamot na lang ako sa ulo.

"Tapos yong si Lara, may nanliligaw daw don na highschool ngayon."

Si Lara yong hinahangaan ko sa room. Maganda, matalino at lahat na ata nasa kanya na.

"E hindi ba crush naman niya si Ace?" parang may kung ano ng marinig ko ang pangalan mo Ace..

"Oo, at tsaka di ba kumalat na crush din daw ni Ace yon?" nag-uusap sila na parang wala ako dito. Masyado ko lang bang sineryoso ang biro mo?

Lumingon ako sa inyo habang naglalakad at nanlaki ang mata ko ng makita kang nakatingin sakin. Straight stare!

Tahimik lang ako pauwi habang naglalakad ng maghiwahiwalay na tayo ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Noon pa lang ata ako nakalanghap ng hangin na dapat ay kanina pa nong kailangan ko.

Nag goodbye ako isa isa sa kanila ganon ka rin, pero hindi man lang natin nasabihan ang isa't isa ng goodbye at ingat ka na palagi nating sinasabi noon. Guguluhin mo pa nga ang buhok ko at ngingiti ka pa.

Nang makarating ako sa bahay, tinatanong na ng Papa ko kung maayos ba ang pag-aaral ko. Sabi ko naman ay oo dahil gagawin ko ang lahat para sa kagustuhan na rin ni Papa.

Buong gabi Ace ikaw lang ang laman ng isip ko. Nagdasal na ako ng paulit ulit na sana tigilan na ako ng ganitong sitwasyon dahil ang hirap, pero wala pa rin. Ang hirap kasing hindi kausapin ang isang tulad mo. Ang hirap kasi ikaw yong pinakaclose sakin , pero ngayon ikaw na ang pinakamalayo sa akin.


DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon