(40)
Dear Crush,
Alam ko na sobrang laki ng mga possibilities na makalimutan mo ako. Ano bang magagawa ko?! Mas gugustuhin ko naman na gumaling ka at makasurvive diyan sa sakit mo.
Wala tayong pasok ngayon sa school. Malapit na ang graduation at busy sila sa pagpiprepare ng mga gagamitin. Malapit ka na rin tayong magkahiwalay. Ilang araw na lang. Ang bilis pala talaga ng panahon. Sa tuwing marami kang gustong gawin at nag-eenjoy ka pa saka naman bibilis ang pag-ikot ng oras. Sana pwedeng patigilin.
Nang nasa may hagdanan na ako ay nakaamoy ako ng amoy ng masarap na pagkain. Nagutom ako bigla sa naamoy ko. Napahawak ako sa tiyan ko na mukhang nagwawala na sa gutom. Hindi nga pala ako nakakaramdam ng gutom nitong nakaraang araw dahil sa mga pangyayari. Lumakad ako papunta sa kusina kung saan nagmumula ang amoy.
" Nakakagutom naman! Ang sarap siguro ng pagkain amoy palang nakakabusog na! " sabi ko habang nasa tapat na ako ng kusina namin.
" Syempre ako nagluto eh! Natural masarap yan! " nakangiti mong sabi na ikinagulat ko. Napatalon ako sa kinatatayuan ko at natulala ako.
" A-anong ginagawa mo dito?!" agad kitang nilapitan ng may pag-aalala. " Maupo ka nga diyan! Nako naman Ace, baka kung mapano ka. Hindi ba sumasakit ang ulo mo?! May nararamdaman ka ba?!" natataranta kong sabi. Simula kasi nong nalaman ko na may brain tumor ka palagi akong natatakot na baka masakit ang ulo mo o di kaya baka bigla na lang umatake yong pananakit nito.
" Nararamdaman ko ba kamo?! Masaya ako. Masaya ako kasi ganyan ka na lang kung mag-alala sa akin. Masaya ako na nakita kita." nakangiti mong sabi. Napaawang na lang ang labi ko at hindi ako makapagsalita. Tumayo ka sa kinauupuan mo at hinawakan mo ako sa siko. Inalalayan mo ako. " Mabuti pa ikaw ang maupo diyan, baka masunog yong niluluto ko." inalalayan mo naman akong umupo at nakatitig lang ako sayo. Tumalikod ka at pumunta sa tapat ng stove. May niluluto ka. My cook. Nakaapron ka na kulay itim. Kitang kita ko ang matikas na tindig mo at ang broad shoulder mo na nagfeflex sa tuwing gumagalaw ang braso mo. Kung titingnan ka parang wala kang sakit. Parang sobrang sigla mong tao at hindi aakalain na sa likod ng mga ngiti na yan eh may matinding pinagdadaanan ka. Kaya naman hindi ko kaagad napansin na ganyan pala. " Baka matunaw naman ako niyan! " natatawa mong sabi.
Nag-iwas naman ako ng tingin at pumangalumbaba. Inaayos mo yong mga niluto mo sa mesa. I will miss this very much!
" Ayan kain na tayo! " sabi mo sa masiglang boses. Nilagyan mo pa ng pagkain yong plato ko. Pinapanood ko lang ang mga ginagawa mo. " Okay ka lang ba?!" tanong mo ng mapansing tahimik lang ako.
" Okay lang. B-bakit mo ito ginagawa?! Di ba dapat nagpapahinga ka?!" sabi ko.
" Kaunting oras na lang kasi tayong magkakasama. Gusto kong sulitin ang bawat segundo na dadaan bago sumapit ang araw na kinatatakutan ko. Gusto kong ikaw lang ang kasama ko." seryoso mong sabi. " Kumain na lang tayo! Kalimutan muna natin ang lahat ng problema kahit ngayong araw lang." tumango naman ako at nagsimula na akong kumain.
" Okay. Sige papasayahin na lang kita." nakangiti kong sabi. Natawa ka naman sa sinabi ko kaya nagpout na lang ako. " Bakit mo ako pinagtatawanan?! Kaasar ka talaga! " sabi ko sa nagtatampong boses.
" Ano pa bang pagpapasaya ang gagawin mo sa akin?! Eh makita pa lang kita masaya na nga ako di ba?!" nakangisi mong tugon. Medyo nag-init naman ang pisngi ko.
" Ang babaw ng kaligayahan mo! " pang-aasar ko sayo habang tumatawa.
" Malalim naman ang pagmamahal ko sayo! " that cut me off from laughing out loud. Natahimik ako at nagdiwang ang mga paru paro sa tiyan ko.
