(33)
Dear Crush,
"Ang dami atang manonood ng practice ngayon. Dinaig pa ang may game. " sabi ko habang naglalakad kami ni Krea sa hallway. Ang daming estudyante ang nag-uusap at papunta sa gym para daw manood.
" Baka gusto lang talagang manood. Tsaka puro seniors ang player, ang popogi pa at iniisip siguro nila na last chance na nila para mapanood sila." masayang sabi ni Krea.
" Siguro nga. " tanging nasabi ko. Nagpatuloy lang kami sa paglakad ng bigla nalang akong nabunggo ng isang nagmamadaling babae.Nahulog yong libro ko kaya pinulot ko ito agad. Tumigil yong babae at humarap siya sakin.
" Eca?! Eca right?!" excited na sabi nito. Ngumiti ako ng tipid bilang tugon. Naalala ko nong makita ko kayong dalawa nong nakaraan.
" Ako nga, paano mo ako nakilala?!" nakangiti kong sabi.
" Krea! Halika may sasabihin ako sayo.! " sabi naman ng kakadating lang nating kaklase. Nagpaalam si Krea sa akin na mauna na daw ako. Sumama na siya don sa kaklase natin na babae at sinabing susunod na lang daw siya mamaya. Lumingon ako kay Tacey na nakangiti sakin.
"So, bakit mo pala ako kilala?!" tanong ko kay Tacey ng bumaling ako sa kanya.Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa gym.
" Syempre dahil kay Ace! " masigla nitong sagot. Nakaramdam naman ako ng kung ano sa puso ko. Pinilit ko pa ring gawing normal ang lahat.
" C-close kayo ni Ace?!" nauutal kong sabi. Masyado siyang jolly na kahit siguro sinong kasama niya eh mapapangiti. Isa ka na don Ace. Hindi kita masisisi.
" Hindi naman masyado. Pero alam mo sobrang nakakatuwa ang lalaking yon." ngumiti lang ako at parang may kaunting sakit na namumuo sa dibdib ko, pero binalewala ko.
" Paano mo nasabi?!" mapanuri kong tanong. May something na gusto kong malaman.
" Sobrang gwapo niya kaya! Yon palang okay na! Basketball player take note, MVP. Gentleman,caring, laging nakangiti, matalino, mabait. Basta ang daming good qualities na makikita sa kanya. Yong parang sobrang perfect niya na kahit sino magugustuhan siya. Ang sarap niya pang kasama." kinikilig na kwento niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi lang pala ako ang ginagawan mo non. Siguro madalas lang sakin kasi ako yong bestfriend mo at laging kasama.
" Gusto mo ba siya?!" hindi ko alam kung tama ba yong tanong ko. Tumawa siya ng malakas at nagtaka ako pero hindi pa rin mawala ang kung anong pakiramdam na kanina ko pa nararamdaman.
" Oo naman! Sino bang hindi magkakagusto sa kanya! Manhid lang ang hindi magkakagusto don!" tumatawa niyang sabi. Parang gustong kumawala ng mga luha kong kanina pa nagbabadya. Mas okay siguro siya kesa sa katulad ko kasi masyado siyang diretso. Direct to the point hindi katulad ko na hindi ko man lang masabi sayo kung gaano kita kagusto.
" Gaano na kayo katagal magkakilala?! " sunod na tanong ko.
" Matagal tagal na rin siguro. Dati kasi kahit ngayon kapag may mga problema siya or may kailangang gawin lalapitan niya ako. Then ayon nagclick yong ugali namin." bakit hindi mo man lang sinasabi sakin ang mga problema mo?! Para saan pa at naging bestfriend mo ako?! Sa iba ka pa rin pala lalapit. Ang sakit sakit. Wala ka bang tiwala sakin?!
" Anong mga problema naman?!" parang ang dami ko pang hindi alam tungkol sayo. Ang dami ko pang gustong malaman.
" Eca! " napalingon naman ako ng marinig ko ang sigaw ng mga kaibigan natin. Kumaway sila sakin para agad kong makita.
" Wait lang ah, may kakausapin lang ako. Puntahan na lang kita maaya don sa pwesto niyo para makapagkwentuhan tayo! " masaya nitong sabi at lumakad na. Naglakad ako papunta don sa bleachers kung saan nagkakagulo ang mga kaibigan natin. Umupo ako sa tabi nila. Ano kayang problema ang mga sinasabi mo kay Tacey?!