(50)
Dear Crush,
Naubusan na yata ako ng hangin. Nakatitig lang ako sayo. Bakit ganon?! Kung kelan bibigyan ko naman nang oras ang sarili ko tsaka ka naman magpapakita. Sinasadya ba talaga na mangyari toh?!
" Uh, maiwan niyo na muna kami. We have to talk a lot for some businesses." nabalik naman ako sa sarili ng muli kang magsalita at bumaling ka don sa staff at kay Dana. Napatingin naman ako doon sa dalawa.
" Sige po. Ah Ma'am if you need anything just call me. Excuse me po." sabi ni Dana at sumunod na doon sa isang babae na empleyado ng resort paalis.
Tumikhim ka kaya't naagaw mo nanaman ang atensyon ko. Nang bumaling ako sa iyo ay nakangisi ka nanaman ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko at pilit inaalis ang kaba na nararamdaman sa aking dibdib. Hindi ko pa rin makuha at malaman kung anong unang salita ang sasabihin ko. Parang napipe nanaman ako. Kinuha ko yong folder kung saan nakaipit lahat ng documents para maibaling na sa dapat pagbalingan ang lahat. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ito. Natigil ako ng bigla mong hawakan ang kanang kamay ko. Napatingin ako sa iyo sa sobrang pagkagulat. Parang natutunaw na ang tuhod ko sa sobrang kaba. At yong puso ko parang kakawala na sa dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng pagkabog nito.
" Have we met before?! I mean magkakilala ba tayo dati?!" nakatitig ka lang sa akin na para bang inaalala mo kung magpakilala ba tayo. Mabilis kong inagaw ang kamay ko sayo habang nakakunot ang noo. Nag-iwas din ako ng tingin.
" Actually, nagkita na tayo. Remember kahapon lang?! Tanda ko pa nga kung paano mo ako binastos sa harap ng maraming tao eh!" pabalabag kong sabi sayo. Sa tingin ko hindi na mahalaga na maalala mo ako. Hindi na mahalaga na ipaalala ko sayo ang nakaraan dahil iba ka na ngayon. Hindi na ikaw si Ace na nakilala ko sa aking nakaraan.
" Uhuh?! For that kiss?! I'm so sorry, Miss Frenchesca. It was just a dare with my friend." natatawang sabi mo.
" Sa tingin mo ganon lang kadali yon?! Alam mo bang nangangarap ako ng romantic na first kiss with y-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng ilapat mo yong hinlalaki mo sa labi ko. Nakatingin ka lang dito. Mabuti na lang at napigilan mo ako sa pagsasalita dahil kung hindi masasabi ko na ang salitang 'you' kanina.
" Kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita, hahalikan kita." seryoso mong sabi na nagpabaliw sa buong sistema ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak mo sa labi ko at sinamaan naman kita ng tingin. Naalala ko naman na andito nga pala ako sa harapan mo para sa isang business meeting at hindi para kiligin at makipag-usap ng ganito sa harap mo.
" Pwede ba, tigilan mo ako. Kung gusto mo ng kahalikan yang pader halikan mo!" sigaw ko sa iyo. Ngumisi ka naman ng mapaglaro.
" Ang sungit mo naman, Chesca! Nahalikan na nga kita eh! " parang nag-init yong pisngi ko sa sinabi mo. Hindi ko dapat ipahalata na kinikilig ako at kinakabahan sa harapan mo. Kaya't umayos ako ng upo at inilapit sayo yong folder. Tinaasan mo ito ng kilay at tsaka kinuha yong ballpen na nasa tapat mo.Nanlaki ang mata ko ng pirmahan mo agad agad yon nang hindi binabasa. Agad kitang pinigilan sa ginawagawa mo.
" Are you out of your mind, Sir?! Why are you signing those papers without reading it?!" napaawang naman ang bibig mo sa sinabi ko.
" You should agree with it. And of course, napag-aralan ko na ang lahat about sa company niyo, the benefits and how much will be the income of my money. Your family business is one of the most fast growing now in our business industry. So now, I don't have a reason not to invest with this. In fact let's say it was just a pay for what I've done to you." napaisip naman ako bigla don sa huli mong sinabi. Ito lang yong bayad sa lahat ng ginawa mo?! Sa lahat ng pagpapaasa mo?! Sa lahat ng pag-aantay ko sayo?! Sa lahat ng mga pangako mo?! Napailing ako sa kawalan habang nagsasalita ka pa. " Are you listening?!" nabalik ako sa sarili ko ng tanungin mo ako.