Part 46

3 3 0
                                    


(46)

Dear Crush,

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko dito sa opisina. Paikot ikot ang ballpen sa kamay ko habang inaantay ko si Lio. Simula noong nangyari kagabi hindi na ako kinontact o kinausap ni Rence. Siguro'y nasaktan talaga siya ng sobra sa ginawa ko. Agad nawaglit ang pag-iisip ko ng pumasok si Lio dala dala ang mga papeles na kailangan ko. Inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa ko at tsaka naupo sa upuang nasa harap ko.

" Bukas ang flight mo. Sana magawa mo." sabi niya sa akin.

" Sino ba ang investor na yon?! Babae ba o lalaki?! " tanong ko. Nailing lamang siya sa clueless kong tanong.

" I don't know yet. Ang sabi ni grandpa yong secretary niya na lang na nasa Pilipinas ang magbibigay sayo ng schedule kung saan yong meeting place and kung sino siya. Goodluck." sabay ngiti niya sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.

" Thanks, kumusta na pala kayo nong girlfriend mo?!" pag-iiba ko ng usapan.

" Humahanap pa ako ng timing. Mainit pa ang ulo ni grandpa ngayon eh, dahil doon sa nangyari kagabi sa inyo ni Rence. Pero I know na makakahanap rin ako ng tamang oras para tanggapin siya ng pamilya. Masyado pang magulo ngayon ang mga sitwasyon ng dahil kay Rence. " tinapik ko naman ang balikat niya.

" Just remember na andito lang ako kahit na palagi mo akong inaasar. Punta ka ulit sa Pilipinas kapag ikakasal na kami ni Ace! Iimbitahan pa rin kita kahit na inaasar mo ako!" may pagmamalaki kong sabi sa kanya. Tumawa naman siya ng malakas kaya inirapan ko siya.

" Ang lakas talaga ng fighting spirit mo eh noh?! Kasal agad talaga ang inuna mo. Eh hindi mo pa nga sigurado kung makukuha mmo yong investor eh. Eh hindi mo pa nga rin alam kung nasa Pilipinas ba si Ace ngayon at inaantay ka!" sinimangutan ko naman siya sa sinabi niya.

" Napakaunsupportive mo talaga! Nakakalakas ka ng loob! " sarcastic kong wika. " At tsaka hindi ko man magawa yong pinapagawa ni grandpa about this investing thingy, makita ko lang si Ace okay na ako. Alam kong sasamahan niya ako." pagmamalaki ko sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita pa.

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos kong gawin ang lahat ng gawain ko sa opisina. Nagtungo ako sa kwarto ko at nagempake agad. Inilagay ko sa maleta ko ang mga bagay na kakailanganin ko. Hindi ko makakalimutan yong box na ibinigay mo dahil ito pa yong una kong inayos. Pagkatapos non ay pumasok naman lahat ng pinsan ko sa kwarto.

" Anong kadramahan naman yan?!" pagbibiro ko sa kanila. Nakangiti ako ngayon dahil sobrang excited talaga ako na umuwi.

" Excited ka noh?! Ayiiee! Balitaan mo kami kapag nagkita na kayo huh?!" paalala nila sa akin.

" Ngayon ka lang ngumiti ng ganyan simula nong dumating ka dito. Ang swerte ng lalaking yon dahil may isang katulad mo ang naghintay sa kaniya at minahal siya kahit na sobrang tagal na ang hindi niyo pagkikita. Sana masuklian niya ang lahat ng yan Chesca." sabi ni Hanz. Nginitian ko lang sila dahil sobrang saya ko talaga.

" May tiwala ako kay God na pagtatagpuin niya muli kami para ituloy ang naudlot na lovestory namin." masaya kong sabi. Ginulo naman nila ang buhok ko at niyakap ako.

" Basta nandito lang kami para sayo couz'" natatawang utas ni Lio sa akin.

" Alam ko nandiyan lang kayo para asarin ako! " sabay tawa naming lahat Sobrang gaan ng pakiramdam ko. I can't wait to see you.

" Oo nga pala Chesca, baka sumunod ako sa Pilipinas. May mga aasikasuhin lang." pahabol ni Hanz. Mabuti naman para matulungan niya rin ako.

" Talaga?! That's good! Ipapakilala kita kay Ace!" masigasig kong wika na nagpatawa sa kanilang lahat. Nang-aasar nanaman sila.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon