Part 55

4 3 0
                                    


(55)

Dear Crush,

Sobra na ang pagod na nararamdaman ng paa ko kakalakad para lang hanapin kung nasaan ka. Nalibot ko na ata ang lahat ng pwede kong puntahan pero ni anino mo wala. Hayysss.

Gabi na at ang lamig na ng simoy ng hangin dito sa beach. Nakatayo lang ako malapit sa isang cottage at nakatitig lang sa kawalan. Wala na. Nasira na ang plano ko para ayusin ang lahat sa atin. Paano na yan?!

Unti unting lumandas ang luha sa pisngi ko. Naupo ako sa buhangin habang yakap yakap ko ang tuhod ko.

" Ma'am andito lang po pala kayo." napa-angat naman ang tingin ko ng marinig ko si Dana. Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at tumayo para harapin siya.

" Oh, ikaw pala." bungad ko sa kanya.

" Gabi na, bakit nandito pa po kayo?! At tsaka umiiyak ka ba?!" mapang-usisa niyang sabi habang sinusuri ang mukha ko.

" Hindi noh! Napuwing lang ako." palusot ko. Napatingin naman ako sa suot niya. Nakaporma siya ngayon at mukhang may lakad. Dinaig pa ako sa porma niya. " May lakad ka ata ah?!" sabi ko.

" Ah opo. May nag-imbita po sa akin diyan sa malapit na bar dito. Tutal natapos ko na po lahat ng gagawin ko at aalis na rin naman po ako bukas pumayag na po ako." paliwanag niya. Napatango na lang ako.

" Ah sige, enjoy your night! " sabi ko.

" Kung gusto niyo po sumama kayo sa akin. Pwede naman po. Mukhang bored na bored po kayo ngayon eh. At tsaka sure po na mag-eenjoy kayo." nakatawang wika niya.

Nag-isip muna ako. Ano ba talaga ang itsura ng bar?! Ang sabi nila Lio sa akin noong nasa States pa ako masaya daw doon. Parang malilimutan mo ang problema mo. Napakamot ako sa ulo ko at tsaka tumango. Parang nakakaengganyo namang pumunta don lalo na at problemado ako ngayon sa iyo.

" Basta hindi aabutin ng sobrang gabi ah! " sabi ko. Halata naman ang saya at excitement sa mukha ni Dana.

" Akong bahala Ma'am!" proud na sabi niya.

" Huwag mo na nga akong tawaging Ma'am kapag wala naman tayo sa trabaho." sabi ko. Parang kaibigan na rin ang turing ko sa kanya tutal alam niya naman na ang lahat ng pinagdaanan ko, basta.

" Sige, Chesca! I'm sure mag-eenjoy ka don. Maraming hot sizzling boys na makalaglag panty ang kagwapuhan don." kinikilig niyang sabi.

Naglakad kami papunta doon sa sinasabi niyang bar. Naka-hanging blouse ako na kulay white at shorts na hindi naman ganon kaiksi, tama lang ang haba. Nakalugay ang mabaha kong buhok na umaalon alon sa bawat paggalaw ko. Napatingin nanaman ako kay Dana. Nakadress na red na bulaklakin at bagay na bagay sa beach. Nakalipstick din siya na kulay pula at parang pinaghandaan niya talaga ang pupuntahan niya dahil total make up ang face niya. Samantalang ako pinulot lang sa tabi tabi at medyo namumugto ng konti siguro ang mata ko.

" Ah Dana, okay na ba itong suot ko?!" naiilang kong tanong. Baka ako lang ang naiiba don.

" Okay na yan. Ano ka ba! Kahit naman anong suotin mo I'm sure mapapalingon mo pa rin ang naggagwapuhang kalalakihan." nakangiting aso niyang sabi.

" Hindi pala ako bagay sa bar na yan! Hindi naman ako naghahanap ng lalaki eh!" inosente kong sabi. Tumigil kami sa tapat ng isang parang madilim at maingay siguro ang loob non. Tapos may nakalagay sa labas sa bandang taas na 'BAR' at umiilaw pa ito. Ito na siguro yong bar na sinasabi nila.

" Tara pasok na tayo! Kung ayaw mong humanap ng lalaki eh di uminom ka na lang or sumayaw sa dancefloor." sabi niya sabay hila sa akin papasok.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at nadala na lang sa paghila niya sa akin. Bago buksan yong pinakang entrance ay may dalawang lalaki na malalaki ang katawan na nakaharang dito. Nakakulay itim sila ng damit at seryoso kung tumingin. Guard siguro sila dito sa bar.

DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon